Chapter 9

512 21 1
                                    

*~{Amber's POV}~*

"I swear! I met our daughter already! I found her! Why won't you just believe me? Just once!" Sabi ko kay Richard. Nakakainis kasi eh, bakit ba ayaw na nilang maniwala sakin?

"You know, palagi mo nalang naiisip mga yan, diba sabi ng mga pulis na patay na daw si serene? Let's just face the truth."sabi ni Richard habang nag aayos ng gamit niya para sa trabaho niya.

"Hinding hindi ako maniniwala na patay ang anak natin! Never! Dahil... Dahil alam ko, bilang ina, nararamdaman ko na buhay parin siya. Please, Richard, help me... Help me to bring back our child. I am scared.. Very scared."

Bigla naman akong niyakap ni Richard.

"Shh, everything will be alright, sige, I believe you. We'll find our child for the second time." Sabi ni Richard habang nakatingin sakin

I gave him a kiss.

"Thank very much," I said.

-----------------
*~{Veronica's POV}|~*

Hindi ko parin matanggal sa isip ko, Ako daw si Serene? Paano? Sure talaga ako na hindi ako yun eh... Dahil may ebidensya ako, mga baby pictures ko. Nandito pa yun eh.

"Huy veron! Kanina ka pa kinakausap namin ng tatay mo, tulala ka dyan. Ano bang iniisip mo?"-Mama

"Hindi naman masyadong importante, wala lang to." Sabi ko habang naggagawa ng assignment sa sofa.

"Hindi ako maniniwala, tulalang tulala ka nga eh, sobrang lalim pa ng iniisip mo, kung about love love yan, sabihin mo na samin."-Papa

Yep, si Papa, it's good na nandito siya ngayon, family bonding narin hahahaha

"May nagsabi kasi sakin... Na ako raw si Serene.." Sabi ko sa kanila.

"S-serene? Sino naman yun?"-sabi ni mommy habang nakatingin sa TV kumakain ng chichirya.

"Uh, yung nawawalang anak ng may ari ng school."-Ako

5 minutes na pero wala akong nariring na nagsasalita sa kanila.

"Alam mo anak, wag kang magpapaniwala sa kanila, pinagtitripan ka lang niyan, sino ba ang nagsabi?"-Papa

"Yung...Yung mismong may ari."-Ako

Biglang nachoke si mommy sa kinakain niyang chichirya.

Automatic kumuha ako ng tubig at pinainom sa kanya.

"Hayan kase eh, katakawang taglay."-ako

"Tama ang tatay mo Veronica, wag na wag kang maniniwala sa mga ganyan. Pumunta ka na sa itaas, matulog ka na, gabi na oh."

"Sige po mama," at pumunta na ako sa Kwarto ko.

Iniisip ko parin yung sinabi ni Tita Amber. Grabe, bakit ayaw maalis sa isip ko? T^T

Kung iniisip ko kasi kung paano ako magiging close kay Ian -3- pssh.

Itutulog ko nalang to, night guys tulog na ako.

----------------------
*~{Louis' POV}~*

Kinausap ko na sina Tita Amber para bukas, May presscon na magaganap sa loob ng school, nakahanda na rin kami ng reward. I think it's about... 2 Million? Pero alam ko na madadahdagan pa yun dahil sa saturday magkakameron ng fun run sa school para na rin sa paghahanap kay Serene. Siguro naman mahahanap na namin yun.

Habang naghahanda ako ng kung anong dapat sabihin bukas, may biglang tumawag sakin si Veronica.

Ano naman kayang kailangan ng nerd na to? Tss. Sinagot ko nalang ito.

(Hello?)

"Oh? Anong trip mo at tunawag ka pa sakin?"

(May itatanong lang sana ako about kay Tita Amber.)

"Hah! Nakiki-Tita Amber ka na, Close kayo?" Patawa kong sabi

(Hindi naman, nakausap ko lang naman siya at sabi niya na tawgin ko nalang siyang tita amber! Pssh, may itatanong lang naman kasi ako tungkol doon sa nawawalang anak niya.)

Bigla akong natauhan, Seryosohan na to.

"Ano bang itatanong mo?"

(Saan ba nawala ang anak ni Tita Amber? Paano?)

"Hay nako, chismosa ka ha. Panget na nga eh."

(Sagutin mo nalang kasi!)

Pfft, naiimagine ko na yung mukha nito sa sobrang inis sakin, namumula na siguro ang ilong nito BWAHAHAHA

"Sa isang train station, nabitawan ni Tita Amber si Serene dahil biglang naging crowded na yung place."

(Shit..)

"Hoy, anong shit? Ikaw dyan ang mukhang shit! Lul!"

(Hutahamnida ka pssh, tutulong ako sa paghahanap, I think may alam ako.)

"Talaga lang ha, unang pagkikita niyo lang naman ni Tita Amber. At Noob ka, Hindi mo kayang tumulong, manggugulo ka lang pssh."

(Wag mo nga akong maliitin! Kaya kong tumulong! Tutulong ako whether you like it or not!)

Magsasalita pa sana ako ng bigla niya akong pinatayan ng tawag.

Aba nga naman! Nakakainis na tong babaeng to a! Humanda ka sakin bukas. Babaan ba naman daw ang isang LOUIS OCAMPO?

Bigla nanamang may tumawag sakin.

"HELLO?!?!" Sabi ko habang naiinis

(H-hello Louis.)

Shit. Si Tita Amber pala.

"Hello po tita? Anong pong kailangan niyo?"

"I think, nakita ko na ang anak ko, si Serene."

Nawala bigla ang inis ko. Inayos ko lahat ng gamit ko at umayos ng upo.

"Ha? Paano po? Anong nangyari? Anong pangalan po?" Habang kumukuha ng isang papel at ballpen, isusulat ko yung pangalan at hahanapin ko sana.

"Veronica,"sabi ni Tita Amber

Napatahimik naman ako bigla, Si Veronica? Hindi pwede, maraming Veronica mundo ano! Hindi lang isang nerd.

"Hello? Nandyan ka pa ba?"-tita Amber

"A-ah, Opo Opo, ano daw pong Last Name?"-Ako

"Hindi ko alam eh, Veronica daw ang pangalan niya eh. Don't worry, medyo mapapadali nalang ang paghahanap natin dahil sa El Suevan rin siya pumapasok."

Si Veronica nga ba? Yung nerd at Panget? Hindi pwede, marami ring Veronica sa school! At marami rin namang nakakausap si Tita Amber.

"Salamat po Tita Amber, Sana po mahanap na natin siya bukas."

"Sana nga,"sabi ni Tita Amber.

Pinatay na ni Tita ang Tawag.
Sana nga.

The Campus Nerd's Diary (Hiatus)Where stories live. Discover now