CHAPTER 4

1.4M 27.2K 3.3K
                                    

CHAPTER 4

NAPAIGTAD sa gulat si Fatima ng makarinig ng sunod-sunod na katok galing sa pinto ng inuukupang Cabin. Umahon siya sa bath tub at kunot ang nuo niya habang inaabot ang bathrobe at isinusuot iyon sa basa niyang katawan.

Mas bumilis pa ang pagkatok ng kung sino man sa pinto ng hindi niya iyon kaagad binuksan.

Napahawak siya sa pendant ng necklace na suot. She could automatically press the distress button kung masama ang pakay sa kaniya ng nasa labas.

She gulped audibly before twisting the door knob open.

Para siyang tinamaan ng kidlat at napaatras ng makita kung sino ang nasa labas.

No way! "M-Marcus..."

"Hello, Fatima." Walang emosyon ang mukha nito.

Napaatras siya. "A-anong ginagawa mo rito?"

"I'm a member of this island."

Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa sarili. "I should have guessed."

"What does that mean?"

Inirapan niya ito. "Nothing." Tinalikuran niya ito at kumuha ng damit sa dalang bag.

So much for relaxing. Bukas na bukas din ay aalis na siya sa islang 'to. And why is he even here?

"Fatima."

Hindi siya umimik.

"Fatima."

Tumaray siya sa hangin at nanatiling tahimik.

"Fatima, kinakausap kita." Matigas ang boses nito.

Bumuntong-hininga siya saka hinarap ito. "Ano ba ang gusto mong pag-usapan natin?" Namaywang siya at tinaasan ito ng kilay.

"I'm staying here—"

"Oh, fuck you!" Galit niyang sinuntok ang braso nito. "Nang nasa bahay ako, mananatili ka roon ng dalawang linggo. Tapos ngayong umalis ako do'n at narito ako sa isla, heto ka na naman. Ano ba ang ginagawa mo rito, ha? Sinusundan mo ba ako?"

That was an absurd observation. Pero wala talaga siyang maisip na ibang dahilan kung bakit nasa harapan niya ito ngayon.

"Hindi kita sinusundan." Nawalan ng emosyon ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya. "You're not worth my time, Fatima. Narito lang ako para sunduin ka. Hindi ka nababagay sa Islang 'to. Martin would never like you to be here."

Mapait siyang ngumiti. "Patay na ang asawa ko." That made her heart clenched in pain. Iyon ang unang beses na sinabi niya iyong ng malakas. "At wala naman akong ginagawang masama rito sa Isla. At sino ka ba para sabihing hindi ako mababagay dito?"

"Fatima—"

"Fuck off, Marcus!" Tumalim ang mga mata niya. "You know what, dapat talaga aalis na ako bukas ng makita ko 'yang pagmumukha mo." She took a threatening step towards Marcus. "Pero nagbago na ang isip ko. Why would I leave? I am invited. And I'm staying here. Hindi mo ako mapapaalis."

His face darkened. "Ginagalit mo ba ako?"

"Oo." Matapang at taas nuo niyang sagot. "So piss off. Hindi ako sasama sayo pabalik."

"Don't anger me, Fatima." There's a dangerous edge on his voice.

"Hindi mo ako masisindak." Matapang niyang sinalubong ang tingin nito.

Gumalaw ang panga nito tanda ng tinitimping galit. "Huwag mo akong gagalitin, Fatima. Hindi mo gugustuhing magalit ako sayo."

Umaakyat na ang tapang niya sa kaniyang ulo. Hindi na niya pinakinggan ang babala niyon sa kaniya. "Hindi ako natatakot sayo." Sabi niya rito.

TEMPTATION ISLAND 1: Forbidden Pleasure - COMPLETED (PUBLISHED under Red Room)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt