CHAPTER 6

1.5M 27.6K 4.8K
                                    

CHAPTER 6

TO PHAM'S disapppointment, Marcus brought her to the Sea Shore Restaurant. Kakaiba ang Restaurant na 'yon dahil sa mga nakalutang na cottages kakain at ilang metro ang layo no'n sa dalampasigan.

Mahigpit ang hawak ni Pham sa upuan habang itinutulak ni Marcus ang floating cottage patungo sa mas malalim na parte ng dagat gamit ang mahabang kawayan.

Nanginginig ang kalamnan niya sa tuwing dumadako ang tingin niya sa kulay asul na tubig-dagat.

"Tama na. Malalim na rito." Pigil niya sa binata. Nararamdaman na kasi niya ang panginginig ng tuhod niya.

Nakahinga ng maluwang si Pham ng makinig si Marcus at itinigil ang pagsagwan. Itinabi muna nito ang kawayan at tiningnan kong maayos ang pagkakatali ng lubid sa floating cottage bago bumalik sa upuan na nasa tabi niya.

Their bodies are just inch apart and Pham is feeling that sensation again.

"Namumutla ka." Pansin ni Marcus ng bumaling ito sa kaniya. "Ayos ka lang?"

Huminga siya ng malalim at pilit na ngumiti. "O-oo naman."

"You look... really pale." Mas inilapit pa nito ang mukha sa mukha at matiim siyang tinitigan. "Scared?"

Mabilis siyang umiling. "Hindi."

Ayaw niyang sariwain kay Marcus ang pangyayaring yon na alam niyang hindi maganda para sa kanilang dalawa.

"Okay. So... eat." Ani Marcus na nakamuwestra ang kamay sa mesa na nasa harap nila. "Hindi tayo pareho nag-agahan kaya alam kong gutom ka na. I am famished."

Nang hindi siya gumalaw, nilagyan siya nito ng garlic rice sa pinggan niya at hot dog saka bacon. Sa isang platito naman ay naglagay ito roon ng pancake at pinatungan iyon ng chocolate syrup pagkatapos ay pinaghanda naman siya nito ng prutas. His gesture shifted something inside of her. Hindi niya akalaing gagawin nito 'yon.

The Marcus she knew in her mind is rude and callous.

"Eat up, Fatima." Ani Marcus kapagkuwan.

Mula sa sulok ng mga mata niya, pasimple niyang pinagmamasdan si Marcus na maganang kumakain habang nakakamay.

"Hindi ko alam na marunong ka palang kumain ng kamay ang gamit." Hindi nipigilang komento niya habang nag-uumpisa na ring kumain.

"Well, there are a lot of things you don't know about me." May kakaibang tono ang boses nito pero wala namang emosyon ang mukha.

"Pareho lang naman tayo." Wika niya, "wala ka rin naman alam tungkol sakin."

His cold eyes stared at her. "Sigurado ka ba riyan sa sinasabi mo?"

Tumango siya. "Oo."

Uminom si Marcus ng tubig saka sinalinan siya ng kape sa kaniyang tasa at nilagyan nito iyon ng krema.

"Okay na sakin ang plain coffee lang." Wika niya.

"Nah. I know you like your coffee with a little cream."

Tumaas ang kilay niya. "At saan mo naman nalaman 'yon?"

"Fatima, isang taong akong tumira sa Ancestral Home kasama kayo ni Martin."

"Kahit na." Pakli niya, "ikaw yong taong walang pakialam sa paligid mo."

"Again, Fatima, you don't know me. But I know you." May diin ang bawat salitang binibitiwan nito.

"Hindi mo ako kilala, Marcus. Siguradong mali ang mga alam mo tungkol sakin."

"Wanna bet?" Nanghahamon ito na tumingin sa kaniya.

TEMPTATION ISLAND 1: Forbidden Pleasure - COMPLETED (PUBLISHED under Red Room)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora