Chapter Eleven

3.5K 116 5
                                    

"Vice!"

Hindi siya lumingon pero huminto siya.

"Ano.. Mag-usap tayo."

This time, humarap na siya at tinignan ako.

"I just want to say Sorry. Sorry sa mga nasabi ko." seryoso kong sabi sa kanya.

"Yan lang ba? Sige una na ko."

Palabas na siya ulit ng pinto ngunit napahinto siya nang sabihin kong..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Pumapayag na ko sa gusto mo."

General POV

"Pumapayag na ko sa gusto mo."

Napaharap si Vice kay Karylle na halatang nagulat pero at the same time natuwa ngunit hindi niya lang pinahahalata.

"Anong sabi mo?" tanong ni Vice para ulitin ni Karylle ang sinabi niya.

'Ang yaman yaman, bingi naman.' bulong ni Karylle sa sarili niya.

"May sinasabi ka ba dyan? Aalis na ako." kunwari'y iritang sabi ni Vice at tumalikod muli.

Bumuntong hininga muna si Karylle bago habulin si Vice na palabas na. Hinawakan niya ito sa braso para mapigilan.

"Sabi ko po, pumapayag na ko sa gusto mo po." singkit na matang sabi ni Karylle habang puminta ang sarkastikong ngiti sa labi niya.

"Weh? Tetee be yen?" pabaklang sabi ni Vice dito dahil sobrang lapit ni Karylle sa kanya.

"Oo! Ayaw mo ba ha? Di wag!" dire-diretsong sabi ni Karylle sabay binitawan ang braso ni Vice at tumalikod dito. Agad naman siyang hinawakan ni Vice sa braso.

"Toh naman! Meron ka ba ngayon?" walang habas na tanong ni Vice kaya kinunutan siya ng noo ni Karylle. ".. Joke lang! Ikaw naman.. Wala nang bawian! Pumayag ka na eh! Dele ne."

"Oo na nga diba?" sabi ni Karylle sabay irap.

"Tara na!" aya ni Vice na excite na excite. Ibang iba sa aura nito kanina.

"Saan?" kunot noong tanong ni Karylle.

"Sa ospital.." simpleng tugon ni Vice.

"Bakit naman tayo pupunta ng ospital? May sakit ka ba?"

"Wala! Para masimulan na yung insemination." ngiting tagumpay na sabi ni Vice.

"Ngayon na agad? Grabe ha! Di ka naman excited niyan ano?"

"Kailangan pa bang patagalin kung pwede naman ngayon agad?"

"Bukas nalang! Pagod na ko eh! Uwee na! Tss!" iritang sabi ni Karylle.

"Hehe. Sige na nga. Magpahinga ka na ha." malambing na sabi ni Vice at hinaplos ang pisngi ni Karylle. "... Future mother ng baby ko."

Napairap naman si Karylle at inalis ang kamay ni Vice sa pisngi niya.

"Umalis ka na nga! Naaasiwa na ko sa mukha mo eh! Tsupii!" pagtataboy pa muli ni Karylle dito kaya natawa naman ito ng slight.

"Okay okay! Ito na nga. Aalis na!" natatawang sabi ni Vice bago tumakbo palabas ng pinto.

"PUMAYAG NA SIYAAAAAA!"

rinig na sigaw ni Vice mula sa labas. Hindi napansin ni Karylle na napangiti na pala siya. Nang mapansing nakangiti siya ay bigla ulit siyang bumusangot at napakunot ang noo.

'Anong nginingiti ngiti mo Karylle? Nababaliw ka nanaman. Di bale mas baliw yung baklang yun.'

"HOOOY! WAG KANG MAINGAY! MAY BATANG NATUTULOG DITO! MAGPATULOG KA NAMAN!"

-,-,-,-,-,-

Vice's POV

Sa wakaaaas! Pumayag na si Karylle. BWAHAHAHA! Nagtagumpay plano ko! Hays!

"Brad! Biglaan yata tong tawag mo sa amin ah?" agad na sabi ni Vhong at naupo sa tabi ko dito sa mini bar ko sa bahay. Uminom muma ko sa baso ko. Tinignan ko naman siya nang seryoso pero biglang malaking ngiti.

"Pumayag na si Karylle sa gusto ko!!!!" pasigaw na sabi ko sa kanya. Napatulala lang siya. "Ano? Nganga?"

"Weh? Talaga ba? Maniwalaaa?" kunot noong sabi ni Vhong. Psh. Ayaw maniwala.

"Ayaw mo maniwala edi wag! Basta hindi ka magiging ninong ng anak ko ah. Bahala ka." mataray kong sabi sa kanya tsaka tumungga ng wine at nilagyan ulit.

"Huy huy. Daya naman nito! Hindi pwedeng hindi ako ninong sa magiging anak mo!" depensa agad ni Vhong. ".. Hindi lang ako makapaniwalang napapayag mo si Karylle. Eh, mas matigas pa sayo at sa bakal yun eh."

"Sabi ko naman sa inyo eh.. Gagana yung plano ko. Look? Napapayag ko siya." mayabang kong sabi sa kanya. Binigyan ko naman siya ng isang wine glass at nilagyan ito. "Call for celebration? Dahil bukas pupunta na agad kami kay Dra. Nunez."

"Agad agad?" tanong ni Vhong na halatang nabigla pero uminon naman siya ng wine.

"Oo naman! Hindi na dapat ako magpatumpik tumpik pa no!" nakangiti kong sabi sa kanya at tsaka uminom.

"Sabagay. Magkwa-kwarenta ka na nga pala." patango tangong sabi niya. Uminom siya ng wine.

Ano daw? Gago toh ah! Nabatukan ko naman tong lalaking to kaya nasamid siya.

"Ba---bakit ka ba nambabatok? Lumabas sa ilong ko yung wine. Sakit ng ilong ko ha! Pango na nga eh." kunot noong sabi niya.

"Anong sinasabi mong magkwa-kwarenta na ko?"

"Totoo naman ah." kampante niyang sabi.

"G*go!.." madiin kong sabi sa kanya.

"Ilang taon ka na ba?"

"Trenta lang! Mas matanda ka sakin noh!"

Nagtawanan at nagkwentuhan nalang kaming dalawa ni Vhong.

---xxx---
(A/N: puchu puchu ang chapter na ito.. Pero babawi ako sa next chapters!!! ^^,)

Wanted: Mother For The Gay's Baby ||VICERYLLE|| (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon