Chapter Seventeen

3.5K 122 4
                                    

---xxx---

"Huy, Memer! Kanina mo pa nilalantakan yang Lumpia ah? Akala namin hindi ka kumakain niyam, baka magalit nanaman si Karylle." paalala ni Buern kay Vice na nilalantakan parin yung lumpia.

"Hindi ko nga alam eh, bigla ko nalang hinanap to. Ewan ko pero, sarap na sarap ako dito ngayon." sabi ni Vice sabay subo ulit ng lumpia.

"Kaloka ka Teh! Baka bumaho hininga mo nyan!" nandidiring sabi ni Archie.

"Nasa'n ba si Karylle? Nakita niyo ba? Wala na kasi sa tabi ko paggising ko eh." sabi ni Vice habang tumitira pa rin ng lumpia.

"What! Magkatabi kayong natulog?" gulat na tanong ni Russ.

"Oo eh. Sabi niya tabi daw kami, tinabihan ko naman." simpleng sagot na lamang niya. Napaisip naman si Buern.

"Kung tabi kayong natulog, hindi kaya...."

"Hoy Ruben, kung ano yang iniisip mo. Hindi totoo." pagputol naman agad ni Vice sa sasabihin ni Buern.

"Hindi naman yung iniisip mo ang sasabihin ko eh.. Kung tabi kayong natulog, baka nahakbangan ka niya." saad ni Buern habang hinahaplos haplos ang baba niya.

"Eh ano ngayon kung hakbangan niya ko?" tanong naman muli ni Vice at kinagatan yung lumpia.

"Ayon kasi sa mga pamahiin, once na hinakbangan ka ng buntis kapag natutulog ka sa gabi, yung lalaki daw ang maglilihi." nanlaking matang sabi ni Buern kaya napalaki din ang mata ni Vice at nalaglag mula sa bibig niya ang lumpia.

"Sure ba kayo dyan?" tanong agad ni Vice.

"Ay! Oo nga Memer. Nasabi rin sa akin yan ni Mudra dati. Grabe. Tumalab sa'yo. Makakain ka ng lumpia parang wala nang bukas eh." natatawang sabi ni Archie.

Tinulak naman ni Vice ang platong may lumpia palayo sa kanya.

"Nakakadiri. Pwe!" nandidiring sabi ni Vice. Natawa naman ang mga bakla dahil dito.

"Teka! Nasa'n ba talaga si Karylle?" tanong muli ni Vice.

"Eh diba, may check-up siya ngayon sa OB? One month na pala chuday ang junakis mo sa tiyan niya." sagot naman agad ni Buern.

"H-ha?! Ngayon ba yun?" tanong ni Vice kaya tumango ang mga bakla. ".. Sh*t! Oo nga pala! Bakit hindi niya ko ginising? Sino kasama niya? Si Tita Z ba?"

"Ewan namin kung bakit di ka niya ginising, may sumundo sa kanyang lalaki kanina eh.." sagot ni Archie, napakunot naman ang noo ni Vice. ".. Si Tita Z nasa kwarto pa niya yata eh."

"Wait? Sinong lalaki?" kunot noong tanong ni Vice.

"Hm, si ano.. Sino nga ba yun Chie?" tanong ni Buern sa katabing si Archie.

"Si Yael daw?" sabi naman ni Archie.

"Sino naman yun aber?" lalong napakunot noong tanong ni Vice.

"Hindi namin alam eh, basta sinundo siya kanina." simpleng sagot na lamang ni Archie.

Sa di malamang dahilan ay nakaramdam ng inis si Vice at tila nawala sa mood ito.

-,-,-,-,-,-,-

1 hour ago..

*doorbell*

Agad naman itong binuksan ng maid.

"Si Karylle po ba dito nakatira?" tanong ng isang hindi gaanong katangkarang lalaki.

"Ahh si Ma'am Karylle?"

"Yael.." tawag ni Karylle sa lalaki.

"Hey Karylle, Let's Go?" nakangiting sabi ng lalaki. Umalis narin naman yung maid.

"Tara.."

xxxxx

"Thank You nga pala at sinamahan mo ko ha?" nakangiting sabi ni Karylle.

"Nasa'n nga ba yung Vice? Diba dapat siya ang kasama mo?" takang tanong ni Yael habang nagdadrive.

"Ayoko ngang kasama yun eh. Ewan ko pero matindi talaga phobia ko sa mga katulad niyang bakla." sabi naman ni Karylle at napabuntong hininga. Tumingin naman na siya sa labas ng bintana.

Maya maya pa'y nakarating na sila clinic ni Dra. Jackson. Agad rin namang inobserbahan si Karylle at pagkatapos ay kinausap.

"Doc, kamusta po yung bata?" tanong agad ni Karylle.

"The baby was definetely fine inside your body. Just continue visiting here once a week. Maybe, kapag nasa 5 months na. Dapat gawin na nating twice a week para makasigurado tayong makapit ang bata sa sinapupunan mo." nakangiting sabi ng Doctor. "Wait.. Bakit hindi si Vice ang kasama mo?"

"Uhm, Busy po kasi siya. Tsaka may trabaho pa po yun." nag-aalangang sabi nalang ni Karylle. ".. May kasama naman po ako."

"Okay. Just tell Vice nalang yung mga sinabi ko." nakangiting sabi nito at nakipagshakehands nalang siya.

Matapos ng lahat ay nag-aya nang umuwi si Karylle.

"Thank You ulit Yael ha." nakangiting sabi ni Karylle.

"No Problem, K. Just call me if you need something." nakangiting sabi ni Karylle bago pumasok sa bahay.

Naabutan naman niyang nakaupo sa sofa si Vice at ang mga bakla. Sinawalang bahala na lamang niya ito at umakyat na sa kwarto niya.

"Tanungin mo na Memer." sabi ni Buern. Huminga nang malalim si Vice bago tumayo at sinundan si Karylle sa taas.

Pinihit niya ang doorknob at hindi ito nakalock kaya nabuksan niya agad. Nakita niya si Karylle na nakaupo sa edge ng kama.

"Bakit hindi mo ko ginising kanina? Edi sana ako yung kasama mo sa clinic ng OB mo. Bakit yung Ya--Yael na yun?" bungad na tanong ni Vice.

"Tulog na tulog ka pa eh. Tsaka sandali lang naman kasi sa clinic." seryosong sagot na lamang ni Karylle.

"Okay lang naman sakin na gisingin mo ko eh. Ako naman ang tatay ng pinagbubuntis mo. Tsaka sino ba yung Yael na yun sa buhay mo?" makahulugang sabi ni Vice. Tinignan naman siya ni Karylle.

"Kaibigan ko lang si Yael, wag kang mag-isip ng iba pa naming relasyon." sagot nalamang ni Karylle.

"Kaibigan o Kai-bigan?" tanong muli ni Vice kaya napakunot ang noo ni Karylle.

"Wala tong patutunguhan. Tsaka diba, wala naman tayong pakialaman sa gusto nating gawin? Tsaka sa clinic lang naman kami pumunta. Maniwala ka man o hindi, wala kaming relasyon ni Yael. Bakit ganyan ka magsalita?" kunot noong sabi ni Karylle.

"Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko 'to..." sabi ni Vice. Tinignan naman siya ni Karylle. ".. Alam kong nandito ka lang para dalhin ang anak ko at may rules ka pa nga diba? Sana next time kahit natutulog ako, pwede mo kong gisingin." nakangiting sabi ni Vice kahit deep inside. '.. Nagseselos na ko pero alam kong hindi naman dapat.' usal ng isip ni Vice.

---xxx---

Wanted: Mother For The Gay's Baby ||VICERYLLE|| (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon