Chapter Eighteen

3.5K 135 2
                                    

---xxx---

Huminga nang malalim si Vice bago tumayo at sinundan si Karylle sa taas.

Pinihit niya ang doorknob at hindi ito nakalock kaya nabuksan niya agad. Nakita niya si Karylle na nakaupo sa edge ng kama.

"Bakit hindi mo ko ginising kanina? Edi sana ako yung kasama mo sa clinic ng OB mo. Bakit yung Ya--Yael na yun?" bungad na tanong ni Vice.

"Tulog na tulog ka pa eh. Tsaka sandali lang naman kasi sa clinic." seryosong sagot na lamang ni Karylle.

"Okay lang naman sakin na gisingin mo ko eh. Ako naman ang tatay ng pinagbubuntis mo. Tsaka sino ba yung Yael na yun sa buhay mo?" makahulugang sabi ni Vice. Tinignan naman siya ni Karylle.

"Kaibigan ko lang si Yael, wag kang mag-isip ng iba pa naming relasyon." sagot nalamang ni Karylle.

"Kaibigan o Kai-bigan?" tanong muli ni Vice kaya napakunot ang noo ni Karylle.

"Wala tong patutunguhan. Tsaka diba, wala naman tayong pakialaman sa gusto nating gawin? Tsaka sa clinic lang naman kami pumunta. Maniwala ka man o hindi, wala kaming relasyon ni Yael. Bakit ganyan ka magsalita?" kunot noong sabi ni Karylle.

"Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko 'to..." sabi ni Vice. Tinignan naman siya ni Karylle. ".. Alam kong nandito ka lang para dalhin ang anak ko at may rules ka pa nga diba? Sana next time kahit natutulog ako, pwede mo kong gisingin." nakangiting sabi ni Vice kahit deep inside. '.. Nagseselos na ko pero alam kong hindi naman dapat.' usal ng isip ni Vice.

-

Vice's POV

"Himala Memer, ikaw ang nag-ayang magbar today ha." pabirong sabi ni Buern sa akin pero hindi siya pinansin bagkus ay pinagpatuloy ang pag-inom.

Ewan ko kung bakit ko ito nararamdaman, ang bilis lang kasi dahil isang buwan na agad na buntis si Karylle. Medyo nainis lang ako sa kanya dahil imbes na ako ang kasama niya sa clinic para sa once a week check-up niya sa OB. Mas pinili niya pang kasama yung Yael. Tsk. Alam kong hindi ko dapat maramdaman yung 'selos' thingy pero bakit parang nasasaktan ako? Feeling ko lumalayo nanaman ang loob niya sa akin. May nagawa nanaman ba kong mali sa kanya? Hindi ko alam kung paano makakabawi.

".. Memer, nakausap mo na ba si Karylle?" rinig kong sabi ni Archie na katabi ko lang.

"Oo." plain na sagot ko lang sa kanya at tinungga ang wine.

"Oh, anong sabi niya?" tanong muli niya.

"Wala naman daw namamagitan sa kanila nung Yael. Tss." wala sa mood kong sabi sa kanya.

"Teka Memer, nagseselos ka ba?" pumintig naman ang tenga ko sa narinig kong tanong niya.

"Ako? Nagseselos? Hindi ah." pagdeny ko sa kanya.

"Ay. In denial ang Memer." umiiling na sabi niya. ".. Mahal ko na noh?"

"Mahal ka dyan! Batuhin kita ng wine glass dyan eh." depensa ko naman.

"Tse! Sakin ka pa nagsinungaling eh, kaibigan na kita nang matagal. Alam ko na yang ganyang style mo." seryosong sabi niya at tumungga ng beer.
".. So ano? Mahal mo na noh? Balik loob ka na talaga."

"Tse!" tanging nasabi ko nalang sa kanya. Napabuntong hininga pa ako. ".. Siguro nasa infatuation stage palang."

"May infa-infatuation ka pang nalalaman dyan." umiiling niyang sabi.

"Duh! Magkaiba ang infatuation na nararamdaman ko sa LOVE o pagmamahal na sinasabi mo. Kaloka toh." sabay irap kong sabi sa kanya at iminom ng wine.

"Payong kaibigan lang..." seryosong sabi niya.

"Wow ha. Lalaking lalaki? Ikaw yata ang balik loob eh." pabiro kong sabi sa kanya. Seryosong seryoso kasi eh. Hinampas naman ako nito sa braso.

"Wag ka nga teh! Alam ko kasi na kapag pabakla ang tono hindi mo seseryosohin ang sasabihin ko. Kilala kita!" sabi niya kaya pareho at pinagpatuloy ang pagsasalita niya. ".. Alam mo Memer, wala namang masama kung magmahal ka ng merlat. Siguro magkakaroon ka na ng version mo ng kanta ni Andrew E. Magiging.. "Humanap ka ng merlat at ibingin mong tunay!" .. Tsaka teh, realtalk.. Bagay kayo ni Karylle."

"Nako Archie, hindi pwede noh. May rules kami eh."

"What rules?" takang tanong niya.

"Rule no. 5 at ang pinakamahalagang rule ay bawal daw mainlove sa isa't isa. Nakakatawa lang dahil kung game lang ito tsak na talo na ko sa larong ito dahil sa rule no. 5..." seryoso kong sabi sa kanya. ".. Hindi kasi mahirap mahalin si Karylle, nung hindi pa ko totally bakla.. Gusto ko na yung mga babaeng maganda at mapagmahal sa magulang. Nakakaturn on. Nakikita ko kay Karylle yung mga katangiang iyon."

Tinapik naman ni Archie ang balikat ko. "Hindi mo nga mahal kasi mukhang mahal na mahal mo na."

---xxx---

(Thalamat sa votes and reads. I really appreciate that! Hindi ko inexpect na tatanggapin niyong tong story ko kasi walang matinong plot. Naiinspire ako mag UD nang mag UD dahil sa pagbaha ng votes nito. Comment din kayo para mas nakakagana! Labyuu all! :*)

Wanted: Mother For The Gay's Baby ||VICERYLLE|| (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon