Chapter 27- Forgetting

860 27 7
                                    

"Huy, Ircy! Anong nangyayari sayo?" Tanong ni Hayden na bakas ang pagaalala sa mukha, "Osige na, libre na yang kinain mo."


Hindi ko siya pinansin. Hindi maalis yung tingin ko sa kanilang dalawa. Hanggang ngayon gusto kong maniwala na hindi si Sam yun kahit alam kong siya. Gusto kong lumapit pero kumpirmahin pero hindi pwede, hindi ko kaya.


Hindi siya yun, diba?


Patuloy kong nararamdaman ang mainit na luhang tumutulo sakin. Bakit nagpapawis yung mata ko? Hindi naman dapat!


Nagkatinginan sila, pareho silang nakangiti to the point na pareho na silang walang mata. Magsama kayong chekwa kayo!


Naramdaman ko nalang na may kamay na tumakip sa mata ko na pilit kong inaalis pero masyado itong malakas. Patuloy parin ako sa paghikbi, hindi ko alam kung bakit may nakabara sa lalamunan ko kaya nahihirapan akong huminga.


"Don't be in pain, Ircy. If you think he's not worthy, just let go." Bulong nung nagtakip sa mata ko. Si Kuya. Huminga ako ng malalim at ibinaba ang kamay kong pilit tinatanggal ang kamay niya.


Siguro mas okay na hindi ko makita. Siguro mas okay na hindi ko malaman. Mas okay siguro na huwag kong isip o kilalanin man lang. Para sakin din naman, para hindi ako masaktan.


"Mauuna na muna kami ni Ircy umuwi. Babawi nalang kami sa inyo." Pagpapaalam ni Kuya sa kanila.

"Teka, ano bang nangyari kay Ircy?" Boses 'to ni Mio

"You owe us an explanation." Boses naman ni Rocelle, "Treat us next time! Ingat!"


Pagkalabas na pagkalabas namin ng resto ay agad inalis ni Kuya yung kamay niya sa mata ko at dire-diretsong naglakad papasok ng kotse. Agad akong nakaramdam ng lamig dahil sa ihip ng hangin pero ramdam ko din kung gaano kainit ang luhang lumalandas sa pisnge ko.


"Osige na! Pagalitan mo na ako! Pagalitan mo akong hindi ko sinabi sayo! Pagalitan mo na akong hindi ko pinakilala sayo! Pagalitan mo na ako!" Pinapangunahan ko na siya. Alam kong sesermonan niya ako sa katangahan ko.


Hindi ko naman kasalanang maging tanga ah! Hindi ko naman kasalanang umasa ah! Hindi ko din naman ginustong masaktan tsaka maloko!


Tahimik lang siya na nagdi-drive. Magsasalita pa sana ako kaso naunahan ng paghikbi ang mga sasabihin ko. Hindi ko man lang mapigilang hindi masaktan. Anong klase ka, Ircy!


"Hindi kita papagalitan. Wala kang kasalanan. Kung gusto mo umiyak, umiyak ka mamaya sa kwarto mo, wag mo ipapakita sakin dahil baka hindi ko mapigil yung sarili ko na bugbugin yung intsik na yun." Napatingin ako sa kaniya

"Hindi mo ba ako sisisihin na ganito ako kasi hindi kita sinunod?"

"Sisisihin kita kung pinagsisisihan mong binigyan mo siya ng chance na makilala ka at makilala mo siya."


Napayuko ako at huminga ng malalim. I don't know what to say. Wala naman akong pinagsisisihan at masaya akong nakilala ko siya pero malungkot din ako na hanggang dun nalang pala yun.

Let Me InWhere stories live. Discover now