Kabanata 21

651 20 1
                                    


Jessey's POV

Kinabukasan nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas. Kahit antok pa ay pinilit ko nalang bumangon sa kama. Napatingin ako sa kabilang kama at andun si Ria mahimbing na natutulog. Ni hindi ko nga namalayan ang pagpasok nito kagabi. Napatitig ako sa ma'amo niyang mukha.

Ang ganda niya talagang pagmasdan.

Napangiti ako ng maalala ko kung ano kami dati. Ngunit kaagad din itong napawi ng maalala ko ang nangyari kagabi.

I sighed. Tsaka ko inabot ang phone sa bedside table. Ngunit naagaw ng isang white steam rose ang atensyon. Nilapag kong muli sa kama ang phone at kaagad kinuha ang bulaklak. May maliit na papel na nakasabit dito. Minabuti kong basahin ang nakasulat at kung ganito ito galing.

"Sorry Pretty Stick :) love you :*" Ria.

Napangiti ako at muling napatingin sa kanya. She is the Ria that i know before.

"Gising ka na pala. Good morning." Dali-dali ko naman binalik ang bulaklak sa mesa at saka tumalikod sa kanya.

"Sorry na oh?" Nagsisisi na talaga ako kung bakit ko nasabi yun kagabi." Sabi nito na hinawakan ang braso ko.

Nakahiga lang siya kanina pero bakit ngayon hawak-hawak na niya braso ko? Ang bilis naman.

"Jz? Stick? Ano pa ba ang gusto mong gawin ko para lang mapatawad mo ako?" Para na siyang iiyak habang sinasabi nito.

Gusto kong ngumiti dahil ang cute-cute ng reaksyon niya. Para siyang bata na may hinihingi sa magulang.

Biglang may pumasok sa isip ko.

Hmmm..

"Talaga? Gagawin mo?" Hamon ko sa kanya.

"Huh? A-ah. O-ooh oo naman. Basta ba mapatawad mo lang ako." Mabilis nitong sagot.

"Hmm. Tigilan mo na ang kakasabi ng SORRY' tapos " sabi ko.

"Huh? Eh bakit naman?" Taka nitong tanong. "Kaya nga ako humihingi ng sorry para mapatawad mo tapos ayaw mo na ako magsabi ng ganyan?" Nanlulumo nitong sabi.

"Well. Kahit masakit ang sinabi mo sa akin kagabi indi naman ako ganun ka babaw para hindi ka patawarin. Just what you said. Hindi mo naman intention na sabihin ako ng ganun. Although may tampo akong naramdaman sayo pero indi ibig sabihin na di ko na magawang magpatawad. And Sincere ka naman sa paghingi mo ng tawad. So ayun. Pinapatawad na kita."

Na shock ako sa sumunod nitong ginawa. Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Feeling ko yata ay sasabog na ako ngayon sa kinatatayuan ko.

"Thank you so much Jz." She said still hugged me. Di ko alam kong paano mag react sa sinabi niya kasi iba ang nararamdaman ko talaga ngayon. Masaya ako kasi after 6 months ay nayakap kong muli si Ria. Ang taong lihim ko paring minamahal hanggang ngayon.

"Ehemm. Jeria moment?" Bigla naman itong napabitaw sa akin at pati ako ay nagulat sa nagsalita.

"Yiiiiieeeee..." Duet ng barkada na kinapula ng mukha ko.

"Kayo ah." Mika.

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal." Kanta naman ni Mela at Cienne.

"Ano ba kayo guys? Humingi lang si Ria ng sorry. Walang ibang ibig sabihin yun." Explain ko naman sa kanila.

"Wala nga ba?" Si Kim na hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ng mga ngiti sa labi.

Si Ria naman ay nakangiti lang at pakamot-kamot sa batok.

"Yung mata Jz." Puna ni Mela.

Napailing nalang ako dahil sa mga tukso ng barkada.

The Painting (Jessey De Leon & Ria Meneses story)Where stories live. Discover now