Chapter 8

28.9K 242 39
                                        

[THIRD]

"Ms. Austria, heto na po ang listahan. Mamaya pong lunch ay gusto kayong makausap ng Dad nyo--"

Napatigil sa paglalakad si Venice at humarap sa P.A nyang si Nica.

"I told you so many times Nica. He is not my Dad. Give me that." kunot noong sabi nya sabay hablot dun papers na binabasa ni Nica.

Napabuntong hininga na lang si Nica habang inaantay ang sunod na sasabihin ni Venice.

"Sige, pakitawagan na lang sya. Sabihin mo na medyo malilate ako ng konti kasi may dadaanan pa akong client." sabi ni Venice sabay abot ulit nung papers kay Nica.

"Yes Ms. Austria." kagad na sagot ni Nica.

Maglalakad na sana ulit si Nica papuntang Studio nang tawagin syang muli ni Nica.

'Uhh Ms. Austria. Para po sainyo. Hindi ko po alam kung kanino galing yan pero nakapangalan sainyo eh." sabi ni Nica sabay abot nung box kay Venice.

Nagkasalubong naman ang dalawang kilay ni Venice pagkakuha nung box.

"Thanks." sabi nito kay Nica at pumasok na sa loob nung Studio.

***

After nung Photoshoot nya ay dumeretso muna sya sa CR para magretouch.

Pagkapatong nya nung bag nya sa may counter ay naalala nya yung box na ibinigay sakanya kanina ni Nica. Agad nya itong kinuha at pinagmasdan.

"Kanino naman ito galing?" sabi nya sa sarili nya.

Inalog nya ito, pero wala naman syang marinig na kahit ano.

Kumunot ang noo nya nung makita yung pagkakasulat sa pangalan nya. Hindi nya alam pero bigla na lang syang napangiti. Sa isip-isip nya ay alam na nya kung kanino ito galing.

Binuksan na nya ito at nagulat sa laman nung box.

"Oh..my..God.." bulong na sabi ni Venice habang nakatulala dun sa bagay na nasa loob nung box.

HSMS2: Only One YouWhere stories live. Discover now