[VENICE]
6 months later...
"Are you still not full?" kunot noong tanong sakin ni Rave.
Kanina pa kasi ako kumakain ng Cookies. Ewan ko ba. Wala na akong ibang hinanap kundi puro Cookies na lang. Sa umaga, tanghali hanggang gabi. Pinapagalitan na nga ako ni Rave eh, kasi masama raw ang puro sugar ang kinakain, lalo na sa baby.
Umiling lang ako at ngumiti sakanya habang kain pa rin ako ng kain.
Anim na buwan na ang nakakalipas mula nung pumunta kami dito sa Virginia. Nung una ay ayoko pang pumayag na umalis kami, dahil syempre maiiwan ko ang trabaho ko pati si Mama.
Lalong lalo na ang trabaho ni Rave. Alam kong magkakagulo sa AK Ent lalo na yung Manager nya sa biglaan nyang paglayo. Noong una halos buong Social Medias ay puro si Rave ang laman. Pero habang tumatagal ay humuhupa na ito. Siguro ay pilit na inaayos ito nung Manager nya. Ilang beses na rin syang kino-contact nito, pero hindi nya ito sinasagot. Nagsesend lang ito ng text message.
Alam ko naman kung bakit mas pinili nyang lumayo. Dahil alam kong para samin iyon. Pinoprotektahan lang nya kami nila Raine.
Pagkarating namin sa Virginia ay dumeretso kami kagad sa Condo Unit nya dito. Malaki rin ito kagaya nung Unit nya noon. Medyo nakalimot naman ako sa mga naiwan ko sa Pilipinas. Pinilit din nya kasi ako eh, para raw ma-relax ang sarili ko pati ang pag-iisip ko. Marami-rami rin ang bilin sakin nung Doctor ko para sa baby namin, kaya hindi ko ito nakakaligtaan.
Ipinakilala nya rin ako sa Mama nya. Oo, nandito ang yumao nyang Mama sa Unit nya. Pina-cremate pala nya ito at dinala nya dito sa Virginia.
Ilang araw at linggo pa ang lumipas ay madami-dami na rin kaming napuntahang mga lugar. Tuwang tuwa nga si Raine eh, kasi ngayon na lang siya ulit nakapagpasyal ng ganito.
Tungkol nga pala sa pag-aaral ni Raine. Mas pinili na lang muna namin ni Rave na Home Schooled na lang siya. Mas makakabuti na rin 'yun siguro para na rin sa kalagayan nya.
Tungkol naman kanila Olene at Law. Naging okay naman ang paglayo nila. Medyo mahirap at naga-adjust pa si Olene, pero habang tumatagal naman daw ay nagiging okay na rin ito. Naiintindihan ko si Olene, mahirap talaga kapag nagmahal ka ng isang taong sikat. Mahirap talaga ito sa simula, pero kung mahal nyo talaga ang isa't isa ay magiging maganda rin ang pagsasama.
Sila Ava at Ares naman. Hindi na muna nila itinuloy ang engrandeng kasal. Pasikreto na lang silang nagpakasal at ngayon ay sa nasa iisang bubong na sila. Ilang beses na nga tumawag sakin si Ava, laging umiiyak. Kesyo hindi raw sya tanggap ng Magulang ni Ares. kesyo madaming babae pa rin ang naghahabol kay Ares, at kung ano-ano pang negative. Alam ko naman ang nararamdaman nya, dahil naranasan ko na rin iyun. Tungkol din pala dun sa issue sa pagkakatanggal ng Magulang nya sa trabaho, Magulang pala ni Ares ang may pakana. Iyun yung time na gustong ipakasal si Ares at Olene. Pero ngayon ang alam ko, okay na raw ang lahat. Sa susunod na buwan baka maibalik na raw ang trabaho ng magulang ni Ava. Dahil pumayag na ang mga Magulang ni Ares na ipakasal na lang sila Kuya Andre at Ate Art.
BINABASA MO ANG
HSMS2: Only One You
General Fiction"The one and only person I call love is you." (KINDLY READ BOOK 1 FIRST, BEFORE READING THIS.)