Chapter Eleven

238 19 0
                                    

A l e x ' s P O V

"Wala..wala nga sabi eh! Hahahaha!" Pakaway kaway pa ako na tumatawa sa kanya.

'Trip pala ang gusto mo ha, tignan natin!'

Iniinis ko siya sa tawa kong nang-aasar ngunit nang mapansin kong tumahimik siya. Nakipagtitigan ako sa kanya. Di ko alam, nanindig ang balahibo ko the way he stares at me.

Mga titig niyang nagbabanta. Nagbabanta na wala akong magagawa kung may gagawin siya sa'kin ngayong gabing ito.

May kakaiba talaga tong abnoy na to.

"Wag mo nga akong titigan ng ganyan. Tatawag ako ng pulis,"  napasambit ko bigla.

Tinitigan niya pa rin ako ngunit nag smirked na siya at maya maya ay..

"Hahahaha!" Pumalatak siya ng tawa habang nakaturo pa sa mukha ko ang daliri niya.

'Tingnan mo nga to! Lasing na nga siguro to?! Ano ba kasing nakakatawa?..nakakatawa ba talaga ang pagmumukha ko?! Aba---..

"Ewan ko sayo wirdowwwww!," sigaw ko na lang sa kanya habang nameywang ako.

Natigilan siya sa pagtawa dahila siguro sa huling salitang sinabi ko. Nagtitigan na naman kami.

Hanggang parehas na kaming tumatawa.

"Hahahahhahahahahahahha!"

'Ang cute cute niyang mabaliw eh. Wahahahahha!'

Tinamaan na nga siguro kami sa iniinom naming alak! Tss!

Ang tao nga naman kapag nalalasing mukha na ring baliw!

Atleast! Gaano man kabigat ang pinagdadaanan niya ngayon, nandito ako para man lang gumaan ang nararamdaman niya. Iyon naman ang pinunta niya rito eh. Tsaka may utang na loob pa rin naman ako sa pagligtas niya sa buhay ko noon.

'Kwits! Haha!'

K i n a b u k a s a n...

Mabigat ang ulo ko't buong katawan dahil sa mga kadramahan ni Key na natuloy sa kabaliwan kagabi.

Parang nakakatamad pa naman idilat ang mga mata dahil nga ang bigat ng pakiramdam ko. Ang sakit pa ng ulo ko. Dinamay pa kasi ako eh!

May umungol bigla kasabay ng mainit na hanging dumampi sa kaliwang tenga ko..

'Hala?!'

Napadilat ako bigla dahil sa kaba na umuusbong sa dibdib ko.

Nakita ko ang maliwanag na kalangitan na may ilan-ilang ulap at di pa ganoon kalaganap ang sikat ng araw.

'Kailan pa nawalan ng bubong ang kwarto ko?... ..

....Ay! Takte! Iyong kagabi pala!'

Inilibot ko ang tingin. Kung saan kami kagabi, dito rin pala kami nakatulog..sa sahig?

Kiss Back Or You're DeadWhere stories live. Discover now