Chapter 16

136 8 0
                                    

Alex's POV na po ang focus sa story. 😊

_____________________

Yaong halik na sobrang gaan para kaming nakalutang sa hangin. Yaong dahil sa gaan sa pakiramdam gusto kong pumikit.

Unti-unti kong naigalaw ang labi ko at sinasabayan ang galaw ng labi niya.

May sumasang-ayon at meron ding lumalabag sa kaibuturan ng puso ko. Hindi ko alam ngunit nagawa kong sundin ang katawan ko.

Napamulat ako bigla nang naging mapusok at nagliliyab na ang mga halik nito.

Nakapikit lang siya at naka kunot ang noo.

Tila nakukuryente ako sa bawat kilos ng labi niya. Lalo pa nang kasunod nito ay ang mga kamay niyang gumagapang sa kahit saang parte ng katawan ko. I feel his craving on it.

Napapikit akong muli nang bumaba ang halik nito sa panga at sa leeg ko. Lumiyad ako para mas may access siya sa leeg ko. Ramdam ko ang init ng palad niyang dumadampi sa katawan ko kahit may suot ako. He found my breast and slowly massage it while kissing me on my neck. Napasinghap ako sa ginawa niya.

Malayang nilalakbay ng isang kamay niya ang hita ko, pabalik sa bewang at ngayo'y nasa dibdib ko na. Ang isa naman niyang kamay ay nasa itaas ng ulo ko.

Mga haplos niyang may dalang kuryente na animo'y bolta-boltaheng kuryente na kaya akong pasabugin kahit kailan.

Nah piste na to! Mawawalan na talaga ako sa tamang sistema nito kung hindi pa 'to titigil!

Hindi ko magawang kumilos dahil sa iba't ibang emosyon na nararamdaman ko sa sandaling iyon. So strange.

Mga emosyong di ko mawari kung ano-ano.

Maraming pumasok na mga bagay sa kukote ko kung bakit nagkakaganito si Key.

For all the time we spent na sobrang lamig niya sa'kin.

Wala kaming pakialam sa isa't isa.

Parati niya akong inaaway. Ang liit ko raw. Dwende ako. Inaasar niya ako tuwing umaga na mabaho ang hininga ko kahit kakasipilyo ko lang.

Seryusong seryuso siya kung mang asar. Di man lang tumatawa o ngumingisi.

Of course, magpapatalo ba naman ako. Inaasar ko rin siya. Nireresbakan ko. Minsan pa nga sa inis ko, pinagsusuntok ko siya.

Most of the time, hindi nagpapansinan. Yaong parang hindi namin nakikita ang isa't isa. Patuloy lang kami sa indibidwal naming ginagawa.

Then ngayon, ganito?

What the eff is happening to him?

Napamulat ako nang tumigil siya sa ginagawa niya at isinubsob ang mukha sa leeg ko. Dahan-dahan kong naramdaman ang bigat ng katawan niya.

May bahagi sa akin na pinasalamatan ang ginawa niyang pagtigil ngunit di ko maiwasan ang manghinayang dahil..what the hell Alex? Naririnig mo ba'ng sarili mo?

Dahan-dahan ko siyang hinulog pahiga sa tabi ko.

Nabigla ako ng kumilos siya upang yakapin sana ako ngunit napamulat siya at agad na tumayo. Tinakpan niya ng isang kamay niya ang bibig niya. Parang kidlat ay nakapasok na siya sa banyo. Sa tindi ng pag-aalala ko ay sinundan ko siyang sumusuka doon.

"Ang tindi ng tama mo ngayon ah," sabi ko habang hinahagod ang likod niya.

Mayamaya, tumigil na siya sa pagsusuka. Pinahiran niya ang bibig niya, nanghilamos at luminga sa akin.

Kiss Back Or You're DeadWhere stories live. Discover now