Chapter 21

9.4K 149 5
                                    

Disappointed 

Nakatingin lamang ako sa pagkain na nakahain sa harapan ko. Five am palang ay paalis na si Theo, ginising niya pa nga ako para daw hindi daw ako ma-late mamaya, he knows me too well, I'm not a morning person. Halos pumikit ang talukap ng mga mata ko dahil usually, seven am ang time ng paggising ko and Theo knows that, he knows that I am always late sa work.

Three years had passed. Theo now works at Outlook Medical Centre as the resident cardiologist. His mom is training him to take over OMC. Ako naman, nagtuturo ako sa Liberty Avenue Middle School. Most of the time, I work with teenagers and they are like friends I never had.

" Sapph, have you seen my phone"
sigaw niya mula sa kwarto namin.

I rolled my eyes. He's always like this every morning. On call doctor siya at anytime and anywhere ay tinatawagan siya kaya hindi pwedeng mahiwalay sakanya ang kanyang phones.

" Nasa unan mo! " sigaw ko pabalik.

Minsan lang ako ihatid nung driver na hinire niya para saakin dahil gusto niya siya mismo ang naghahatid saakin but it depends sa schedule niya tulad ngayon. Kapag may urgent call mula sa hospital kailangan niyang magmadaling pumunta.

" Mrs. Olive, I'll just prepare Theo's things " paalam ko sakanya at tumungo ako kwarto namin

Actually, Mrs. Olive grew old taking care of the Monteréals. She's divorced by the way at tinuturing niyang anak sina Theo. Tiwalang-tiwala siya kay Mrs. Olive, she's the superior of Nikki. Remember that girl?

He was facing the glass wall in our room while preparing his case " Hey " niyakap ko siya sa habang naghahanda ng suit case niya.

" Hmm? " humarap siya saakin at hinalikan ako sa noo.

Humikab ako. I can't deny the fact na inaantok pa talaga ako.

He chuckled
" Oh, wake up you sleepy head " pinisil niya ang dalawang pisngi ko.

Once he's all prepped, lumabas kaming dalawa sa kwarto at naupo sa kitchen counter.

" Let's eat " anyaya niya.

I nodded lang. Nagsimula na siyang kumain habang ako ay tinitignan ko lang siya. I have this cold knot inside my stomach that's why I couldn't eat. Wala pa akong gana.

He looked at me and immediately stopped ng makita niyang hindi ako kumakain. " Sapph " he called me using his warning tone.

" Wala akong gana " sabi ko

Tinignan niya ako ng masama. Pag doctor ang boyfriend mo, halos lahat ng ginagawa mo ay bibigyan niya ng opinyon. All health-related things. Natutuliro na nga ako sobrang information na nalalaman ko mula sa kanya.

He was sitting across me. Ngayon ay lumipat siya sa tabi ko at sinumulang hainan ang plato ko.

I stopped him from doing so, alam ko naman kasi sa sarili ko na hindi ko pa iyon makakain " Hindi pa gising diwa ko " reklamo ko.

Umiling-iling siya at nagpatuloy sa paglagay ng pagkain ang kutsara ko.  Akmang isusubo niya ito saakin pero sinara ko ng maigi ang bibig ko.

" I'd rather be late to feed you Sapph than to be early tapos malalaman ko kay Mrs. Olive that you didn't eat your breakfast. I told you to always eat your breakfast. Open up "

Sa huli, sinubuan niya rin lang ako
Feeling ko tuloy bata ako. He would always spoon fed me whenever I have no energy to eat. Nakikita ko ang palihim na pag ngiti ni Mrs. Olive mula sa pantry.

Made In New York  (Monterèal Series #1 Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon