12 ~ Erythros Skorpios

184K 4.8K 391
                                    

CHAPTER TWELVE

"BAKIT ka nandito?" Tanong nya sa savior nila. Nakaupo sila sa upuan na kahoy sa labas ng kanilang apartment habang ang dalawa nyang kaibigan ay naghahanda ng dinner nila.

"Bakit ka nandito?" Balik tanong nito sa kanya na sa malayo nakatingin.

"I want to live with my own, gusto ko maranasan ang mga bagay na hindi ko naranasan nung mga panahon na nakukuha ko pa ng isang kisap mata ang mga bagay na gusto ko."

"Iyan lang ba ang dahilan?"

She smile bitterly. "Nope," Pinaglaruan nya ang kanyang mga daliri na nasa lap nya. "Ryxer broke my heart that's the main reason why I need to runaway and forget the pain."

"Effective naman ba?" Nakatuon pa din ang mata nito sa malayo.

Umiling sya. "Nandito pa din 'yung sakit." Turo nya sa dibdib nya kung nasaan ang puso nya. "Akala ko ganoon lang kadali ang kalimutan sya, akala ko kapag umalis ako mawawala na 'yung sakit na iniwan nya pero nagkamali ako kasi sa bawat araw na lumilipas mas lalo akong nagagalit sa kanya dahil hindi kaya ng puso't isip ko na kalimutan sya."

"You want to forget him?"

"Yes, ayoko na syang maalala pa sana nga hindi na lang bumalik ang memorya ko para tuluyan na syang mawala dito," Turo nya sa puso. "At dito." Turo nya naman sa isip nya.

"I can help you forget him."

"H-how?" Dumako ang mata nito sa kanya at tipid na ngumiti. "Paano?"

"Sumama ka sakin Charlton."

"Hey don't call me by that name baka marinig ka nila." Saway nya dito. "Saan naman tayo pupunta?"

"Sa lugar kung saan kailangan mo syang kalimutan para hindi ka na nasasaktan ng ganyan. Kung nasa malapit lang ang Ryxer na iyon baka nasa Hospital na sya ng mga oras na 'to dahil nag-iinit na ang mga kamao ko para bugbugin sya."

Mahina syang natawa dahil halata naman na gigil na gigil ito sa ex-boyfriend nyang nang-iiwan.

"Charee, let's eat na." Sigaw ni Celine. "Baby M I will feed you come here." Tukoy nito sa kausap nyang lalaki.

"I have this feeling na may crush sayo ang kaibigan ko."

"Crush is for teenagers only Charl-Charee and your friends is too noisy mabuti na lang hindi ka pa nila nahahawaan ng kaingyan nila."

"Sinong maingay baby M?" Nakapameywang sa kanila si Celine.

"You."

"Ako?" Madamdamin na sambit nito. "Ako? Maingay?" Hinawakan nito ang dibdib nito na para bang nasasaktan ito sa natuklasan. "Ang sama mo baby M, ngayon pa lang ay sinasaktan mo na ang puso kong baliw na baliw sa katawan mo at ang mga mata kong patay na patay sa gwapong mukha mo, bakit mo sa akin ginawa ang ba—hoy hindi pa ako tapos magdrama!" Sigaw nito kay M na nilayasan ito at pumasok sa loob ng apartment.

Tumayo sya at umiling-iling. "He hates talkative Celine kaya behave ka muna." Aniya at pumasok na din.

Busy silang lahat sa pagkain na iniluto ng dalawa nyang kaibigan at milagro lang na hindi talaga nagsasalita si Celine.

"Miracle." Usal ni M. "Pwede naman pala na tahimik lang ang buhay natin."

"Shut up." Sobrang hinang bulong ni Celine. "And eat." Turo nito sa pagkain ng nag-iisang lalaking kasama nila.

"Anyway, saan ka matutulog?" Xarra asked M.

"Beside you?" Nakangisi ito kay Xarra.

"Nice joke."

RACE 1: Left Behind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon