Madeleine Yrenea Madayag

4.7K 92 12
                                    

Maddie

"Kinakabahan ako," bulong ko sa sarili habang nakadapa sa higaan ko.

I'll be a college student this year at ADMU sa kursong Economics. I was born here in Davao but I'll be moving to Manila to continue my studies there. My parents don't like the idea. Mabuti na lang napilit sila ni Ate Den at Mae.

Actually, hindi naman talaga studies ang punta ko sa Manila kaya ako kinakabahan. I just want to meet someone after a long time. She's a junior of ate Denden nung sa CSA pa siya nag-aaral. If you know her, keep your mouth shut.

Ate Den has no idea about it. She'll definitely tease me to no end if she knows kaya kay ate Mae ko lang sinabi.

"Ate, get down na, tawag ka na ni mommy," sabi ng kapatid ko.

Wait... how come I didn't notice that she had entered my room already? Ninja moves?

"Hey! Ate, I know I'm beautiful and such, pero you don't have to zone out thinking why you don't look like me," she proudly said. Napatanga naman ako sa kanya. Wow, that confidence.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Actually," I paused, "May kamukha ka sa T.V. eh."

"Told you. Tell me who is it?"

"Her name starts with letter P. Cartoon character siya."

"Princess Sarah?"

"No."

"I knew it! Princess Sofia!"

"No." I shook my head.

"Then what?!"

"P..."

"P?"

"Piglet!" I shouted sabay tayo sa higaan. "Tama, si Piglet!"

"That's so mean!"

"That's so mean!" panggagaya ko sa kanya.

"I hate you! Isusumbong kita kay mommy!" She stormed out of my room. I closed my eyes and counted until three. One, two, three...

"Madeleine Yrenea!!!" Mom shouted from downstairs. Natawa naman ako bago niligpit ang higaan ko. Naghilamos din muna ako bago bumaba.

"Hi, mom! Hi, dad! Hi, Piglet!" I greeted each one of them with a kiss on their cheek. Umupo ako sa left side ni dad.

"Mommy, si ate oh," sumbong niya kaso 'di naman siya nito pinansin. "Daddy, si ate!"

Tumawa lang naman si Dad. "Tama na 'yan, Piglet."

"Tumigil na, kakain puro kalokohan. Ikaw, isa ka pa!" pagalit ni mommy sabay pingot kay daddy. "Wag kang tumawa, Yrenea. May paguusapan pa tayo!" Napalunok naman ako sa sinabi ni mommy. Binelatan naman ako ni dad tiyaka ni Piglet. Grabe, gan'yan 'yang mga 'yan.

Pagkatapos kumain, lumabas ako sa garden. Doon daw ako kakausapin ni mommy. Aish, alam ko na yung pag-uusapan.

"Umupo ka," sabi ni mom sabay pat sa space sa tabi nya. Umupo naman ako. Nagbuntong hininga naman si mommy.

"Sigurado ka na ba talaga?" tanong nya. She's probably pertaining to me, going to Manila.

I nodded my head confidently. "Opo, tiyaka parang training na rin, to be independent," sabi ko. Mga palusot ni Yrenea.

"Mukha mo!" sabi nya sabay batok sakin.

"Mukha ko? Maganda! G na g ka, mommy?" Loko 'to eh, kung makabatok parang tropa-tropa lang.

"Yrenea, ako pa gawing tanga? Ipinagkaluno kana kaya ng ate Mae mo. Si ano pala ah, yiiiiiieeeee. Kilig siya!" mapanuksong sabi ni mommy. Hanep ka, Tajimae.

"My, para kang sira. Issue ka masyado," pagkakaila ko.

"Anak, crush pa lang yan pero handa ka nang tawirin ang dagat. Paano kapag nagmahal ka pa?" Sus, edi itutumba ko lahat ng makikiagaw. Tama, magandang ideya.

"OA masyado. Tawirin talaga? 'Di ba pwedeng liparin?"

"Abnormal ka, umayos ka nga." Ako pa raw? Siya nga yung mali eh, tapos ako?

"My, ngayon lang ako nagka crush eh. Syempre gusto ko siyang kilalanin," nangangatwiran na po ako dito. Tiyaka promise unang crush ko talaga siya. Swear. Check niyo pa sa heart ko. Ehe. Ang landi.

"Paano kung masama pala ugali, o mata pobre? Anong gagawin mo, ha? Aber? Uuwi ka rito at sasabihing hindi mo na siya gusto?"

"Syempre, tatapusin ko na muna 'yung college bago umuwi. Tapos hahanap na lang ako ng ibang crush," sabi ko.

"Aba ayos ka rin 'no? 'Di porque at pinayagan ka, sasagad-sagarin mo na," pagalit niya.

"Kayo kasi, ang nega niyo. Support na lang kayo."

"Bahala ka. Malaki ka na, Yrenea."

"My, andun naman si ate Denden pati si ate Mae."

"Basta mag-ingat ka, tatawag ka parati. Kung hindi susunduin kita pauwi. Isa pa, kay Denden ka sumama dahil malamang puro kalokohan lang gawin niyo do'n ni Mae," bilin niyang may kasamang pagbabanta.

"Parang diyan lang ako pupunta sa kanto kung maka susunduin ka, mommy."

"Wag mo kong subukan, baka 'di mo na makita 'yang si ano." Hala gawin daw panakot 'yun. Syempre natakot naman ako.

"Joke lang, 'di ka na mabiro."

"Sige na maligo ka na, mamaya na yung alis mo," pagtataboy niya.

"Sige po, my." Tumayo ako sabay humalik sa pisngi niya.

-----------Airport------------

"Hoy, ikaw magpakatino ka. 'Wag matigas ang ulo. Nando'n ang ate Den mo, malalaman ko kalokohan mo." Sino pa ba? Syempre si mommy. Cool, lang kasi si dad pero kapag nagseryoso, magtino-tino ka na. Pero nakakahiya 'to. Like, guys, isipin niyo ang laki ko tapos kung pagalitan para akong 7 yrs. old.

"Opo," sagot ko para matapos lang. Kaso syempre si mommy pinag-uusapan kaya tuloy-tuloy pa rin. Ang dami niya pang sinabi na dos and don'ts bago ako nakasingit uli. "Opo, opo," putol ko sa kanya. Bumaling naman ako kay dad. "Ikaw ba, dad? Wala kang sasabihin?"

"Sa instagram na lang saka twitter," chill na sagot niya. Tumango naman ako.

"Eh, ikaw, piglet?" baling ko sa kapatid ko. Madalas kaming mag-asaran, oo. Pero normal naman 'yun sa mag-kapatid. Makakapatay ako kapag may ibang taong umagrabyado rito. Kasi nga, ako lang ang pwede.

"Wala naman, maliban sa sana magpaganda ka," asar niya sa akin.

"Lika nga, piglet." niyakap ko siya. Nagulat naman ako no'ng bigla syang humikbi kaya mas lalo kong yinakap.

"Huy, tahan na," pang-aalo ko.

"I'll m-miss you, Godzilla," she said in between sobs. Grabe, na-touch ako.

"Sige na, ate will miss you, too. Pakabait ka." Tinapik ko yung ulo niya.

"Sige na, anak. Pumasok ka na baka 'di makatiis yung dalawa rito at isama ka pa pauwi," sabi ni dad saka natatawang tumingin sa dalawa niyang kasama. Nagpaalam na ako sa kanila.

Malapit na uli tayong mag-kita.

Love against the MIND (JiaDdie Fanfic)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora