Poem # 1: San Tayo Nagkamali?

31 0 0
                                    

Perlas na Silanganan, aming bansag dito.

Likas sa yaman, bundok, ilog, lahat mayaman rito.

Kaygandang tanawin, ano na ang nagyari,

Ang aking tanong, san ba tayo nagkamali?

Ito ba'y dahil sa pulitika na wala raw ginawang maganda?

Binoto ng masa't umupo, at nagnanakaw pa ng pera?

Pero kasalanan ba nila kung masa'y sila'y pinili,

Ang aking tanong, san ba tayo nagkamali?

Kung ano-anong pangako, pinaikot ang ating isip.

Sa mabubulaklak nilang salita, tayo ay nadali.

Nang hinirang na sa puwesto ay biglang nagtago sandali,

Ang aking tanong ito ba ang ating pagkakamali?

At kapag eleksyon ay biglaang naglalabasan,

Pakitang tao lamang na sila raw ay huwaran.

Ako ba niloloko niyo o ginagawa niyo kaming bobo?

Na dahil sa ginagawa niyo'y bibigay ko na sa inyo aking boto?

Kapag nanalo sa pulitika'y gusto pa ng isa,

Pati ang kanyang asawa'y, gagawin pang kongresista

At pag di nakuntento, pati anak isasali,

Oligarkiya, ikaw na ba ang mali?

Ito ba'y dahil sa mga magulang na nagpabaya sa anak?

Pinabayaan sa mga kalsada at hinayaan magtaktak?

Pero sila'y bata lamang at mahina pa ang isip,

Ang aking tanong, san ba tayo nagkamali?

Sa paglinang ng edukasyon ay nagkaroon ng K to 12,

Aba'y ina't ama'y nagreklamo, di raw sakto ang badyet?

Di ba nila maintindihan na para ito kay bagets?

Na ang pagrereklamo na ba, ay ang ating pagkakamali?

Pati kurso ng anak, gusto't sila ang masusunod.

Kinulong ang anak sa mundong kung saan sila nalunod

Maganda raw maging doktor, inhinyero, mataas raw ang sweldo.

Sa pera nalang ba talaga umiikot ang takbo ng utak niyo?

O dahil baka ito sa iba, na walang pakialam sa kapwa.

Sapat na sa kanila ang mabuhay, kahit iba ay magdusa.

Sadyang wala bang dahilan, o ang mahalaga lang ay ang ating sarili?

Ang aking tanong, san ba tayo nagkamali?

Baka naman dahil sa wika na ating pinabayaan?

Kung makapagsalita ng Ingles, akala mo naman mayaman.

Ano daw bang problema ko, importante raw ito sa trabaho,

Di ka ba puwedeng magtrabaho, gamit ang sariling wika mo?

Maski sariling produkto, wala na raw halaga.

Maganda raw ang imported, matibay daw pagkagawa.

Sigurado bang matibay o gusto mo lang maging sosyal?

Dahil kung sarili produkto raw, ang tingin na sa kanya ay lokal.

Sa pagtatapos ng pag-aaral, labis ako sa inyo namamangha,

Sa wakas madaragdagan narin ang ating manggagawa.

Pero ano ito? ibang bansa'y ika'y mamamalagi?

Iiwanan ang Pinas, ano na ang mangyayari?

Sa ibang bansa'y tayo'y negatibo, ay labis kunot ating noo

Di raw ito katanggap-tangaap, di raw ito totoo.

Bata pa ba tayo at gusto laki ng perpeksyon?

Nang dahil sa simpleng nilang reaskyon ay agad tayong gagawa ng aksyon?

Kung sa harap naman ng Amerikano, ay lubos kanilang respeto.

Di ba nila ito magawa sa kapwa nila Pilipino?

Kung sa banyaga'y, sila'y malambing pa kung magsalita,

Kapag kauri na'y di na matigil ang dada.

Kapag nanood naman ng telebisyon at tungkol sa korupsyon,

Agad tayo magrereklamo, gobyerno raw ay demonyo?

Galing nating magsalita, salita lang ng salita,

Ang aking tanong, ano na ba ang inyong nagawa?

Uulitin ko ang tanong, san ba tayo nagkamali?

Sa pagpapatakbo ba ng bayan, o sa mamamayang bingi.

Isisi nalang ba natin sa isa ang kasalanan ng lahat?

Bakit di natin tignan ang tunay nitong ugat?

Saan ba tayo nagkamali? Sa pulitika bang marumi?

Asan ba ang mali? Sa magulang o ang sarili?

Ano na ba ang mali? May kailangan ba tayo sisihin?

Ikaw, kayo, sagutin niyo tanong ko, San tayo nagkamali? 

PolaroidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon