Manong Taxi Driver

175 2 0
                                    

Kay dilim na ng gabi, nagliliwanagan ang mga poste ng ilaw sa kalsada. Kay raming uri ng tao ang dumaraan. May ibang magkaparehang magkahawak pa ang mga kamay habang naglalakad sa makikipot na daan. May iba namang mga taong mukhang nagmamadaling umuwi, may ibang tumatawa at ngumingiti habang nakalagay ang mga cellphone sa tenga nila at kung ano-anong klase pa. Pero ang umagaw ng pansin sa akin ay ang mga pamilyang natutulog at kumakain sa ilalim ng tulay. Iyong nanay, pagod na pagod habang binibihisan ang anak; tila wala siyang pakialam sa mga taong nagtitinginan sa kanya. Nakakaawa sila, sobrang nakakaawa.

            Muntik ko na palang makalimutan, kailangan ko na nga palang kumuha ng pasahero. Kailangan kong makapag-pauwi ng boundary para naman kumita ako. Kaso ang problema, halos lahat ng drayber, naunahan na akong magpasakay. May iba pa ngang drayber na namimili ng pasaherong isasakay. Kapag alam nilang foreigner, pinapasakay na o kaya mga mukhang mayayaman.

            Teka, teka, parang may nararamdaman akong di ko maintindihan. Hanggang sa may nakita akong matandang pasaherong nag-iisa. Ang nakakapagtaka, ang rami ng taxi na dumaraan sa kanya, pero bakit di niya pinapansin? Ah? Bakit ganun? Bakit parang sa akin siya pumapara? Mabuti pang tumigil nalang ako sa harapan niya at nang maisakay ko na….

            “Puwede po bang sumakay manong?”

            Ah? Bakit pa siya nagtatanong kung puwede siyang isakay? Di ba malinaw sa kanya na pumara ako sa harap niya at nakita niyang wala akong pasahero at napakaluwag ng taxi ko sa harap man o sa likod?

            “Sige po, salamat po….”

            Medyo kakaiba ang nararamdaman ko sa kanya. Parang ang luwag ng pakiramdam ko. Parang tatay ko lang o kapatid siya ng umupo siya sa harap katabi ko.

            San po tayo kuya?

            “Basta diyan lang… imaneho mo lang….”

            Sobra na akong nagtataka. Di ko alam kung matino pa ba itong kinakausap ko o hindi dahil kapag tinatanong ko kung saan siya pupunta, lahat ng sagot niya sa akin, “Imaneho mo lang.”

            Patuloy akong nagmaneho ng nagmaneho at wala akong ideya kung saan ako pupunta. Hanggang maya-maya, huminto ako dahil naging pula na ang ilaw sa traffic light.

            Nagulat ako ng bigla siyang magsalita.

            “Pamilyado kang tao no?”

            Napa-opo nalang ako. Bakit niyo po naitanong?

            “Eh kasi, halata  sa mukha mo na masayang-masaya ka sa ginagawa mo,” Sabi niya sa akin. “Pero, masaya ka nga ba?” dagdag niya pa.

            Nagtaka ako. “Oo naman po… sa katunayan ay nagtatrabaho ako para may ipangtutustos ako sa pamilya ko,” sagot ko naman.

            “Mabuti ka pa at ganyan ka….” Sabi niya pa sa akin.

            Bigla kong binalikan ang mga nakita ko kanina. “Ayaw ko po kasing matulad ang mga anak ko at pamilya ko na matulog at kumain sa ilalim ng tulay…”

            Napangiti ang lalaki sa akin.

            “Bakit po kayo napapangiti?” tanong ko.

            “Wala lang, natutuwa lang ako sa inyo,” sagot ng matanda sa akin.

            “Gusto ko lang po kasing gawin ang responsibilidad ko para sa pamilya ko… yun po kasi ang isang ama,” sagot ko naman.

PolaroidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon