Chapter 5 Part 3

817 15 13
                                    


''Hay naku! Kung pwede nga lang na pangunahan na natin si Rylie ee... Kaso mahirap naman yun. He has a mind and will of his own,'' paliwanag ko

Both of them nodded in agreement...

''Basta for the meantime, bantayan nalang natin si Bessy... Make sure that she won't get hurt again.. Hirap na rin kasi ulit magtiwala kay Xedwind,'' sabi ko sa kanila. Totoo naman kasi yun. Ako, personally, hindi na basta-basta magtitiwala sa kanya ulit kahit pa naging kaibigan ko siya. Kung nakita niyo lang kasi ang pagiging miserable ni Harrie noon, you'll surely jump into my side. I swear! Kawawa talaga ang bessy ko! :(

''Kahit di mo sabihin, gagawin namin...'' sabay-sabay pa nilang sagot sa akin.

Aba at sabay pa talaga ahh? :)

Harrie and Me, we're so lucky talaga at nakilala namin sila. Mahirap na makahanap ng ganitong mga kaibigan na handa kang ipaglaban ng patayan hindi lang pag nakaharap ka. ^^,




''Katayin na natin yang si Xedwind pag sinaktan pa niya ulit si Bessy,'' ang sabi ni Nyc na itinaas pa ang tinidor na hawak niya na parang gigil na gigil pa.

''Tama! Super bait kaya ni Bessy natin, di na siya makakahanap ng bestfriend na tulad niya noh, tapos he chose Charm over her pa? What a crazy guy. Well, not just crazy, super unlucky pa for choosing Charm. Hmmp!'' segunda naman nitong si Eeshia.

''Yes! Tama kayo! Napaka-martyr naman kasi ng Bessy natin. Mas pinili pa niyang masaktan siya kesa mawala yung Happiness ng one and only Xedloves niya. Tsk!'' sagot ko sa kanila

Nakakainis lang kasi na mas pinili pa ni Harrie na siya nalang ang masaktan para lang di mawala kay Xedwind si Charm na alam naman niya na mahal na mahal ng bestfriend niya. Hay! magulong love story...




''Pero somehow di rin naman natin siya masisisi, ganon talaga siguro. Mahal niya ee... So, siya nalang ang magsasacrifice,'' Nycolie said, stating a fact. Ganon naman kasi talaga ang nangyari. Si Harrie ang nagsacrifice para sa Happiness ng mahal niya. Haist!

''Siguro nga... Mahirap din naman to put all the blame on Xedwind kasi di naman niya alam and besides first love niya rin si Charm, kaya siya ang pipiliin niya malamang.''




''Kaya lang diba dapat hinayaan man lang niya na maiexplain ni Bessy yung side niya and not just settle on Charm's side...'' Nakakunot pa ang noo na sagot ni Eeshia.

''Mahal niya ang bruha na 'yon ee! Saka mas pinili nalang din ni Bessy na manahimik and bleed alone kesa naman masaktan si Xedwind niya. Dapat patayuan na natin siya ng monumento ee... What do you think guys?'' sabi ko sa kanila na hinaluan ko pa ng biro. Kasi naman, masyado na yatang nagiging seryoso ang mga pag-uusap namin. In the end, baka maisipan pa nami na ipa-salvage si Xedwind. Kawawa naman ang Bessy namin, baka umiyak na naman ng sobra-sobra.

''Tama! Tapos dapat kasama dun sa monumento niya ang favorite stufftoy niya na bigay ni Xedwind niya, di ba? di ba?'' sagot naman ni Eeshia.

Tawanan nalang kami. Sobrang mahal kasi niya yung stuff toy na yon. Ewan ko ba naman dun, ee parang it simbolizes lang yung parang pagpapaasa sa kanya ni Xed ee. Ewan ko ba talaga sa Bessy namin na yan. Ggggrrr...

Ayun kwentuhan and kulitan lang ulit at di namin namalayan na 12midnight na pala...

''Gosh! Bessy, 12 midnight na pala. 7am pa ang  first period namin tomorrow...'' Sabi ni Eeshia na halatang nagulat pa.

''Oo nga noh, sige mag-ayos na tayo at nang makatulog na,''

After 30 minutes...

Tabi-tabi na kaming nakatulog sa bed ko... :D




>>>To be continued<<<

Thanks po for reading! ü

Please do

COMMENT/LIKE/VOTE/RECOMMEND

Sorry po talaga kung putol putol xa.. Nakamobile lang po kasi si ako.. So 1 page lang ang kasya per chapter.. Kaya po aun, putol putol..

Thanks a lot! Ü

***Hugs!***

-sakuramitchie- ü

October 27, 2011

Undying Love: I'll Wait For YouWhere stories live. Discover now