Chapter 20

530 10 3
                                    

Chapter 20


 Harrie's POV


Wala akong nagawa habang papaalis yung kotse ni Xed kundi ang tingnan ito hanggang sa makalayo. Nakapanlalambot yung nakita namin.

Gusto kong umiyak. Ang iyakin ko talaga noh? Pero ganun talaga kasi somehow nasaktan ako. Bakit hindi? Eh nag-effort kami.. Pero ang mas masakit pa dun ay yung nagsinungaling pa siya sa akin.

Yun pala yung importanteng lakad niya. Mas mahalaga yun kesa sa akin. Ang sakit di ba?!

Gusto ko na talaga umiyak as of the moment pero hindi ko pwedeng ipakita sa mga bessy ko na masyado akong affected sa mga nangyayari.. Mag-aalala lang sila sa akin kaya hindi talaga pwede.

''Tulala ka na naman, ok ka lang bessy?'' tapik sa akin ni Ashley.

My dearest teardrops, please wag ngayon. Mamaya nalang, please?

''Ha? Ah.. O-oo naman noh.. Im ok.'' sagot ko sa nag-aalala nilang mga mukha.. With matching smile pa yan. At least, kahit pilit nakangiti pa ako. Ako na talaga. Ako na ang magaling magpanggap. Ako na ang may hawak ng korona. Sino gustong makiagaw??

Ngayon alam ko na na totoo pala yung 'the most common lie is saying you're ok'. Applicable sa akin noh?? T_T

''Bakit sila magkasama? Girlfriend ba niya yun bessy?'' Tanong sa akin ni Nycolei.

Ouch! GF? Girlfriend nga ba niya si Monique? Wala naman siya sa aking nababanggit. Kung hindi Girlfriend, ano siya ni Xed? Bakit sila magkasama?

Gusto ko ring malaman ang sagot sa mga tanong na yan, pero paano? Dapat na ba akong gumawa ng paraan para malaman? Siguro nga.. By hook or by crook dapat kong malaman..

''Hindi ko alam bessy.'' maiksi kong sagot sa kanya.

Pinipilit ko pa ring wag maiyak. Malaki kasi ang posibilidad na Girlfriend nga ni Xed yung si Monique. Bagay nga sila ee..  Ang ganda nila tingnan habang naglalakad kanina..

Eh ano naman sakin kung bagay sila diba? Pero bakit nga ba ako nasasaktan ng ganito? Nalimutan ko na siya at Ayoko naman ng umasa pa. Im just his Bestfriend. A bestfriend and that's all. But why am I feeling this way? Why am I acting like a jealous girlfriend?

Could it be because I still..?? Oh No!!! Erase.. Erase.. It couldn't be.. It can't be. Hindi Pwede!!

*****

Nung makarating ako sa bahay ay dun ko pinakawalan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo.

Bakit nga ba kasi ako sobrang affected??

May ibinubulong ang puso ko na ayaw namang tanggapin ng utak ko. Kahit pala madalas crazy 'tong utak ko, may naiisip pa pala 'tong matino?? *u*

Ayaw kasi ni Mr. Brain na masaktang muli si Ms. Heart. Kaya naman sabi ni Mr. Brain kay Ms. Heart.. ''Nasasaktan ka lang kasi nagsinungaling siya sayo. Nasasaktan ka lang kasi may mga bagay na di siya sinasabi sayo. Nasasaktan ka kasi gusto mong malaman yun. Subukan mong alamin at pag alam mo na, Im sure di ka na masasaktan pa. Yun lang kasi ang reason kung bakit nagsesintir ka dyan at hindi yang ibinubulong mo. Malabo ee.. Malaming mali yun. Di ba nakalimot ka na? Di ba namanhid kana sa sakit? Tama na yun. Gumising kana sa kahibangan mo.''

 

At ngayon nga, I decided na utak ko ang paniniwalaan ko. Kailangan kong alamin ang lahat para di na ako masaktan. Tama kasi siya. Yun lang malamang ang dahilan. Gusto ko kasing malaman ang lahat. At pag alam ko na, for sure mawawala na rin 'tong sakit na 'to.

''Sure ka dyan? Di ka na kaya masasaktan pag nalaman mo ang totoo? O mas lalo ka lang iiyak sa huli?'' singit naman ni Ms. Heart.

''Hindi noh!'' --Mr. Brain

''Denial Queen ka talaga! Kaya ka nauunahan ee..'' --Ms Heart

Haizt! Mababaliw na ata ako!! Somebody help me!!

And with that thought, nakatulog na ako.. Zz___zZ

>>>to be continued<<<

sorry short Update lang.. forgive me.. hehe

Pa comment naman po? Please?? *puppy dog eyes* :)

 

♥sakuramitchie♥

Undying Love: I'll Wait For Youحيث تعيش القصص. اكتشف الآن