16 ~ Race I - First 5

181K 5K 394
                                    

CHAPTER SIXTEEN

"NASAAN ang sasakyan na gagamitin ko?" Pasimple nyang hinawakan ang tenga nyang nakakabit ang listening device at inilibot ang paningin sa buong paligid ng RACE.

"Nandyan na." Sagot ni McLaren kaya napatingin sya sa isang dilaw na sasakyan na paparating sa dereksyon nya.

Tumaas ang kilay nya ng lumabas ang nagmamaneho no'n. Si Alex, isa sa member ng ESO.

"Thank you." Aniya habang inaayos ang helmet nya.

"No problem. Galingan mo Charee, first ten ang kukunin sa unang round. Twenty lahat ang kasali sa event, so good luck." Tumingin ito sa gawing kanan nito kaya tuloy napatingin din sya. "What an inspiration." He said sarcastically.

Napako ang tingin nya kay Ryxer habang inaayos-ayos ni Lindsay ang helmet nito saka isinuot sa binata. Kung hindi nya lang alam na si Lindsay ang girlfriend ni Ryxer ay hindi nya makikilala ang ex-boyfriend nya dahil nakabalot din ang buong mukha at katawan nito katulad nya at iba pa nilang makakalaban.

"Where are they?" Tukoy nya sa Lane's Brothers.

"Huwag mo na silang hanapin dahil siguradong maglalaro ang tatlong 'yon mamaya." Tinapik nito ang ibabaw ng ulo nya. "We are here to help you, trust yourself." Iyon lang at pumuwesto na ito sa gilid kung saan naroon ang iba pa nilang kasamahan sa ESO, ang mga iyon ang magchecheck ng sasakyan nya sa tuwing matatapos ang isang laps.

Sumakay na sya sa dilaw na sports car na gagamitin nya ng makitang nagsipasukan na din sa kanya-kanyang sasakyan ang mga kalahok. Isinukbit nya ang kanyang seatbelt at inayos ang rearview mirror. Tamang-tama na pagtingin nya sa side mirror ay ang sasakyan ni Ryxer ang nakita nya pero hindi iyon ang nagpasakit sa puso nya kundi ang makitang paghahalikan nito at ni Lindsay bago tuluyang isinuot ang helmet.

"Curse you, Ryxer! I will beat you kahit pa sumabog 'tong sinasakyan ko basta matalo lang kita." Galit na usal nya.

"Kalma lang Charee, focus." Boses 'yon ni McLaren. Bakit ba kasi nakalimutan nyang may listening device pala sya? "Ano bang gusto mong gawin natin dyan sa ex-boyfriend mo? Pasabugin natin ang sinasakyan nya o ibangga natin sa pader?"

"Both." Malamig na tugon nya.

"Okey madali kami kausap."

Napaisip sya saglit. "Seryoso ka talaga?"

"Yeah."

"You got to be kidding me."

"Stop talking, mag-uumpisa na." Isang baritonong boses ang nagsalita. "Charlton, focus, sakin ka lang makinig."

Hindi sya sigurado kung si Corvette ba o si Mazda 'yung nagsasalita pero ayon sa malamig na boses na 'yon ay napagtanto nya na kung kanino.

"Okey kuya Corvette." Nag sign of the cross muna sya bago inihanda ang sarili. Hindi nya alam kung anong sasakyan ang gamit ng mga ito pati na din ang kuya Cassidy nya ay hindi nya alam kung nasaan nakapwesto, tanging sasakyan lang ni Ryxer ang kabisado nya.

Bahagya syang dumukwang sa windshield ng kanyang yellow sports car upang makita ang count down. May tatlong sasakyan ang nasa unahan nya, dalawa ang nasa magkabilang gilid nya habang ang twelve na sasakyan naman ay nasa likod nya. Knowing na nasa likuran lang nya ang sinasakyan ni Ryxer para bang kating-kati syang umatras at baggain ito.

"Three," Feeling nya si Corvette lang ang may access na marinig nya sa suot nyang listening device, mukhang naka blocked na 'yung iba. "Two," Narinig nya ang mga galit na tunog ng makina at hiyawan ng mga tao sa buong paligid. "One!" Agad nyang kinabig ang kambyo at tinapakan ang gas.

RACE 1: Left Behind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon