17 ~ Race II - Kiss

183K 4.9K 477
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

TINANGGAL nya ang bonet na nakatabing sa buong mukha nya ng makapasok sya sa head quarters nila. Ibinaba nya din ang zipper ng over all na damit nya hanggang beywang nya revealing her yellow sando.

Hindi nya muna pinansin ang Lane's Brothers na busy sa panonood sa replay ng race nila kanina. Iginalaw-galaw nya muna ang kanyang kamay ng matanggal nya ang dilaw na gloves doon. Dumako lang muli ang mata nya sa pinto ng iluwa no'n ang isang matangkad na lalaki na nakatakip pa din ang mukha pero wala ng helmet.

Naguguluhan na ibinalik nya ang tingin sa tatlong lalaking nakaharap sa monitor at muling ibinalik ang tingin sa lalaking kapapasok lang.

"Don't be puzzled niece." Ani ng lalaki saka tinanggal ang itim na bonet nito revealing a handsome face of her Tito Carlie.

"What the—."

"No cursing." He cut her out.

"Kasali ka Tito Carlie kanina?" Manghang tanong nya. "Seryoso ba 'to?"

Umangat lang ang sulok ng labi nito bago lumapit sa kanya at hinalikan ang ibabaw ng ulo nya.

"Magpahinga ka muna Charlton, be ready for the next race." Iyon lang at lumapit na ito sa mga anak nito. "May problema ba dyan?" Tukoy nito sa pinapanood ng magkakapatid.

"Wala naman dad may kailangan lang iwasan si Charlton mamaya." Nang marinig nya ang pangalan nya saka lang sya lumapit sa mga ito. "Kaming tatlo na lang ang magpapalit ng gulong nya mamaya para mas mabilis." Sabi ni Mazda.

"Bakit pa? Mabilis naman magpalit ang team ni Alex." Tukoy nya sa team nya kanina na umaasikaso ng sasakyan nya.

"Si Alex mabilis talaga kumilos 'yon pero may ibibilis pa kapag kami ang makakasama nya."

"Okey, so what's the plan?"

"We are planning to—."

"Why don't we eat first bago 'yang mga plano na 'yan?" Napalingon sila sa pinto ng iluwa no'n si Lexus at Von Ether na may dalang mga paper bag na may tatak ng isang sikat at mamahaling pagkain at inilapag sa mahabang lamesa do'n.

"Yeah right let's eat." Sabay-sabay silang naglakad sa lamesa at umupo na.

"Anyway, Charlton," Basag ni Tito Carlie sa gitna ng pananghalian nila. "Do you really want to win?"

"Yes Tito."

"For what?" Iba ang ibig sabihin ng tanong nito na halatang hindi pera ang habol nya sa pagsali sa karera.

"I want to beat Ryxer."

"Why?"

Tahimik lang na kumakain ang ibang kasama nila. Batid nyang alam ng mga ito ang tunay na nangyari dahil wala namang lihim na hindi nabubunyag sa loob ng ESO.

"I was hurt because of him and I thought that beating him makes my feelings go away." Ininom nya ang bottled water sa tabi nya. "I want to hurt him." She said calmly but what's inside her is far from being calm. Her heart won't stop beating. She wants Ryxer to experience the pain the way she feels it.

"You know, we can help you for that pero hindi magiging madali ang gusto mo."

"I know Tito, alam ko naman na mahihirapan akong talunin sya pero may iba pa ba akong choice?"

"Meron pa."

Tinignan nya si Lexus ng magsalita ito habang ang mga kasama nila ay nanatiling tikom ang bibig.

"Ano?"

Inubos muna nito ang laman ng bibig nito at pinunasan ang mga labi gamit ang puting tela habang mataman na nakatingin sa kanya.

RACE 1: Left Behind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon