Taxi Driver at ang mga Lasing

445 11 0
                                    

Dalawang taon nang namamasada ng taxi si Rudy. Ito na ang naging hanapbuhay nya mula ng syay hindi na nakabalik ng saudi.

Isang gabi, habang nakapark si Rudy sa may bandang edsa ay may tatlong lasing na lalake na sumakay sa kanyang taxi at gustong magpahatid sa pasay. Pansin ni Rudy ang sobrang kalasingan ng mga lalake kayat naisipan nitong lokohin ang tatlo.

Pinaandar lang ni Rudy ang makina at agad din itong pinatay at sinabihan ang tatlo na nasa pasay na sila. Agad namang nagbayad ang isang lasing at nagpasalamat naman ang isa. Pero laking gulat ni Rudy ng sinampal siya ng isa, binatukan at dinibdiban. Buong akala niya kasi na walang nakapansin sa tatlo na hindi man lang ito nakatakbo kahit isang pulgada kaya't nagtanong ito...

Rudy: b-b-bakit niyo po ko sinaktan?

Lasing: sa susunod ayusin mo ang pagmamaneho ha!!! Abay, muntik na tayong bumangga kanina ah!!!

Tagalog JOKES 2xWhere stories live. Discover now