Thirty One

3.1K 108 2
                                    

31.


"Tatawag na lang po ako, ha." Sabi ko kay Mang David nang makarating na kami sa mismong mall kung saan ang premiere night ng 'This Girl'.

"Maghihintay ako, ma'am... Mag-ingat kayo, ha. May mga gamot po ba kayong dala kung sakali?" Tanong niya.

Ngumiti ako at saka siya tinanguan.

"Eh si Sir Keith po?"

Hindi na kasi siya nagparamdam pagkatapos ng tawag niya kanina.

Baka masyado nang naging busy sa pagsundo kay Maggie.

Damn. I can't help but gets jealous even if he's only doing it because of his job.

Naging pilit ang pagngiti ko. "Dito na lang po kami magkikita." Maikling sabi ko at tuluyan nang lumabas ng kotse. Mabuti na lang at tumila na ang ulan. Sana, huwag nang bumalik hanggang matapos ang gabing ito.

Matapos kong ipaalam kay Charlene na nakarating na ako sa location, agad niya akong sinundo para makaiwas sa mga reporters at photographers na nag-aabang ng personality sa entrance pa lang ng mall.

"God, you look stunning! Kanina ka pa nila hinihintay!" Puri niya sa akin habang sakay kami ng elevator.

"Hindi ko alam na pati sa entrance ay may mga nag-aabang din." Sabi ko sabay ngiti.

Hindi ko maiwasang kabahan. Wala akong alam sa kung ano'ng dadatnan ko kaya't hindi ko maiwasang kumalabog ang aking dibdib. Pero sinubukan ko pa ring ikalma ang aking sarili, sabay kapit ng mahigpit sa silver clutch na hawak ko.

I hope it will not be obvious on my face.

If only Keith's on my side. If only he's holding my hand. If only he's here.

Unfortunately, he's not. And I only have myself to hold onto.

Naglalakad pa lang kami papuntang Red Carpet pero puno na ito ng mga taong nag-aabang at nanonood. Wala ring humpay ang pagflash ng mga cameras ng mga photographers na nagmamasid ng mga importanteng taong darating.

At ang mga reporters na busyng-busy sa mga gagawin nilang articles at reports.

Namataan namin ang isang malaking grupo ng mga tao sa gitna ng red carpet at unti-unti itong nabuwag nang may isang sumigaw na nandito na ako.

And there they revealed the two people who are the center of their attention.

Maggie is looking so sophisticated and sexy in her silky red gown with a plunging neckline while Keith looks dashing and equally good looking in his Americana suit with a bow tie.

Agad nagtama ang aming mga mata at mabilis niya akong nginitian. Ngingiti na sana ako nang bumaba ang tingin ko sa kamay niyang halatang nasa likuran ni Maggie at nakapulupot.

I took a deep breath as I forced myself to smile dearly to him. I saw how his grin faded and threw me a serious look.

Iginiya ako ni Charlene palapit sa kanila. Ngumisi si Maggie sa akin sabay lagay ng isang kamay niya sa likod ni Keith. Pakiramdam ko tuloy ay nag-iinit ang pisngi ko sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.

I tried so hard to look okay and feel okay in front of these people even if what I really wanted to do right now is to just walk away and go home because jealousy is starting to consume me and the pressure these people are giving me.

Ngawit na ang aking mga panga sa pekeng ngiti na ibinibigay ko sa mga photographers na walang sawang kumuha ng litrato.

Nagrequest pa ang isa na tumabi ako sa dalawang bida para makuhanan kami ng litrato at wala akong magawa kundi ang pagbigyan sila.

Carpe DiemWhere stories live. Discover now