FOF 27:NECKLACE

23 3 0
                                    

"What happened?" Titig na titig sa akin si Sid hawak nito ang kamay ko nakaupo kami sa harap ng hapag. Nasa harapan ang kanyang ina at nasa tabi nito ang ina ni Psy nasa dulo naman ng lamesa si mr. Ayalde. Napagigitnaan ako ni Psy at Sid. Pabulong niya lang akong tinanong ngunit nakaagaw pansin pa rin ito sa mga taong kasama naming kumakain dahil sa sobrang katahimikan. Iniwas ko ang mga mata ko dito. Nahagip ng paningin ko ang kanyang ina may mapaglarong ngiti na naman ito sa kanyang mga labi.








"Sid kumain ka na nga, wala nga sinabi eh" pabulong ko ding sagot dito. I heard him say 'psh'. Tiningnan ko ito ngunit inirapan niya lang ako.







"I don't believe you...."  binaba nito ang hawak nitong kutsara "mom ano bang sinabi mo kay stella?" Nanlaki ang mata ko sa biglang tanong nito. Napahinto ang lahat sa pagkain. Napaangat ang tingin ni mr. Ayalde saka kinuha ang table napkin at pinunasan ang kanyang bibig. Maging si Psy ay nakatingin sa akin ng mataman tila inaalam ang mga nangyayari.










"What do you mean? Sid we just talked about some girly stuff"  pagsisinungaling nito. Sumubo muli ito ng pagkain na parang wala lang ang tanong ni Sid. Para bang nirecite lang nito ang alphabet at nagbilang ng 123. Tahimik pa din sa lamesa ramdam ko pa din ang titig nila. Nilingon ko si Sid nakita kong nagtagis ang panga nito. May sasabihin sana ito ngunit hinawakan ko ang kanyang kamay kaya tiningnan nalang niya ako.







"I even asked her to sleep here tonight dear nothing more nothing less." Napatanga ako dito. Pinanlakihan naman ako nito ng mata pero nakangiti pa din parang nagsasabi na 'say yes'. Tumango naman ako bilang pag sang ayon. Nanatiling tikom ang aking bibig.








Natapos ang hapunan na sobrang awkward. Ung feeling na para kang isang organism na inoobserbahan sa microscope. Para ding paglilitis tapos maraming ebidensya laban sayo kaya tatakbo nalang sa isip mo na death penalty ang bagsak mo.





Hinatid ako ni Sid sa isang malaking silid. Ito siguro ang guest room dahil kapansin pansin na ang mga kagamitan ay parang hindi masyadong nagagalaw. Inabutan niya ko ng bestida saka napakamot sa kanyang batok.








"Kay mommy yan. Sila lang kasi ni tita amanda yung babae dito. Ahmm once niya lang naman nagamit yan." Tipid akong ngumiti dito saka tumango. Binuksan ko ang pinto at akmang papasok na ng hawakan ako ni Sid sa braso. Tinaasan ko ito ng kilay.



"Call me if you need anything my room is two blocks away from you" sabay turo nito sa kanyang silid. Ngumiti naman ako dito at muling tumango akmang papasok ulit ako ng pigilan nya na naman ako. Di ko tuloy mapigilan ang matawa napanguso naman ito.





"What now Sid?"  Binigyan ko ito ng matamis na ngiti kaya napakamot ulit ito sa kanyang batok.





"Nothing..." iling nito "change your clothes make it fast. We need to talk" iyon lang at tumalikod na ito. Sinundan ko pa ito ng tingin nagbalik lang ako sa wisyo ng mawala na ito sa aking paningin at tuluyan ng nakapasok sa kanyang silid.





Ano naman kayang pag-uusapan namin? Tungkol ba ito sa kanyang ina? Baka gumawa siya ng paraan para lang mapaamin ako. 





Ang totoo nalungkot ako sa naging usapan namin ng ina ni Sid. Nagkamali sya ng sinabi niyang masyado ng attached sa akin si Sid dahil ang totoo ako ang masyado ng nakadepende dito kaya natatakot ako. natatakot ako na baka isang araw siya ang piliin ko kesa sa prinsipyong iniingatan ko.





Pumasok ako sa loob ng silid hinubad ko ang Kwintas na binigay ni mama at dumiretso sa banyo para magpalit ng damit. Habang nasa loob ako ng banyo ay biglang may kumatok kaya binilisan ko ang kilos ko. Nagulat ako ng matagpuan ang ama ni Sid sa loob ng kwarto hawak nito ang kwintas ko nakatitig lamang ito doon hindi ko mabasa kung ano bang reaksyon ang pinapakita nito. Tumikhim ako kaya't naagaw ko ang kanyang atensyon. Nanlaki ang mata nitong nakatitig sa akin. Napakunot ang noo ko sa naging reaksyon niya para bang tinuka siya ng ahas nagkulay suka pa ang mukha nito.







"Where did you get this?" Tanong nito at inilahad sa akin ang kwintas.





"B-Binigay po sa akin yan ng namayapa kong ina." Nauutal kong sagot dito. Bagsak ang kamay niya ng marinig ang sagot ko.



"Bakit po? May problema po ba?" Lumapit ako dito. Napaupo naman ito sa kama na parang nanghihina hinilamos nito ang mga kamay sa kanyang mukha.





"Who is she?" Binalewala nito ang tanong ko. Kinuha ko sa kanya ang kwintas saka ito binuklat pinakita ko sa kanya ang larawan ng aking ina. Umawang ang labi nito tila di makapaniwala.





"Margaret mary" pagkabanggit ko ng pangalan ng aking ina ay bigla itong napahagulgol nataranta ako hindi ko alam kung anong gagawin. Kung hahawakan ko ba ito o hindi.





"Sir bakit po?" Nag aalala kong tanong dito. Hinawakan nito ang pisngi ko nagulat ako kaya't lumayo ako ng kaunti pero inabot niya muli ako. tinitigan niya ako ng diretso sa mga mata. Titig na nagpapahiwatig ng pangungulila, mga titig ng amang labis na nagmamahal sa kanyang anak. Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko nalang na basa na ang aking pisngi. Binitawan ako nito saka napahawak sa kanyang dibdib.





"P-Pwede ba kitang yakapin?" Tumango ako. Niyakap niya ako ng napakahigpit niyakap ko din siya pabalik lalo itong humagulgol.







"Forgive me stella, I am so sorry. Oh God." Kahit hindi ko siya naiintindihan ay hinayaan ko lang siya sa kanyang mga ginagawa. Saglit itong bumitaw upang muli akong titigan. Masuyo nitong hinaplos ang aking buhok saka malungkot na ngumiti. Hilam na ang mga mata nito dahil sa kaiiyak. Pinunasan nito ang mga luha sa kanyang mga mata saka suminghot singhot pa. Niyakap muli ako nito hindi na katulad kanina mas gentle na ngayon.





"My daughter" 



Matagal din kaming nasa ganong posisyon nung magsalita ito na labis na nakapagpagulat sa akin. Tila tumigil sa pag ikot ang aking mundo at nabingi ako ng mga oras na yun. Parang may bombang sumabog sa aking harapan ng marinig ko ang mga katagang yun.

FAITH OR FATE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon