FOF 30:SIBLINGS LOVE

27 3 0
                                    

"What is this all about?" Hindi ko mabasa ang emosyong nasa kanyang mga mata pero ramdam ko na galit siya sa mga oras na ito.









"S-Sid ma----"






"Dad I heard everything is that true?" Hindi ako nito pinansin at ang atensyon nito ay nakatuon lamang sa kanyang ama na diretso rin ang titig sa kanya. Hindi ito sumagot katahimikan ang bumalot sa aming tatlo. napayuko na lamang ako may kung anong takot at pangamba akong nararamdaman. pinaglaruan ko na lamang ang aking mga daliri. ilang minuto pa ang lumipas wala pa ring nagsasalita.





"Fucking answer me!!" nag angat ako ng tingin sa kanya ng marinig ko ang sigaw niya napadako ang mga mata nito sa akin, nagsusumamo. namumula rin ang mga ito inilipat niya ang kanyang tingin sa kanyang ama. napatingin din ako doon diretso ang titig nito kay Sid.





"Dad sana mali yung narinig ko please dad tell me that was nothing" mahina nitong sabi. sa hindi maipaliwanag na pagkakataon naramdaman kong nabasa ang pisngi ko.

Umiiyak ba ko? Pero bakit? Dapat sa mga oras na to masaya ko dahil natagpuan ko na yung isa sa pamilya ko at dapat nagpapasalamat na ko kay Sid dahil sa kanya mabubuo na ko pero bakit salungat yung nararamdaman ko sa kung anong dapat? Agad kong pinalis ang mga patak ng luha sa aking mga mata at nanatiling nakayuko na lamang.












"Sid, anak ko si stella" walang emosyong saad ni mr.ayalde para bang wala lang sa kanya kung masasaktan man o hindi si Sid. I admire him for loving my mom too much but I hate him for being selfish di niya inisip yung mararamdaman ng sarili niyang anak. Tinitigan ko si sid pagak itong ngumiti saka tumitig sa akin bakas ang lungkot sa mga mata nito. Bumukas ang bibig nito parang may gustong sabihin pero muli na lamang niya itinikom. Tumingala ito saka hinilamos ang mukha gamit ang isang kamay tila may pinipigilang kung ano pag harap nito ay wala ng mababakas na kung anuman sa kanyang mukha.




"So your long lost daughter is my girlfriend? Great! That was awesome dad ,well tell that to those who believes you" pagkasabi niyon ay agad akong hinigit ni Sid palabas ng kwarto sobrang higpit ng hawak niya sa kamay ko. First time ko lang siya makita na ganito kaseryoso. At ayoko ng ganitong sid natatakot ako.





"Sid let go please nasasaktan ako" mahina kong sabi dito naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero di pa rin ako nito binitawan. Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad. Nakasalubong pa namin ang mama niya na nagtatanong ang mga mukha pero di niya ito pinansin. Tuluyan na kaming nakalabas ng bahay narinig ko pa ang sigaw ni mr.ayalde pero di niya pa din pinansin. Huminto kami sa tapat ng kotse niya.

FAITH OR FATE Where stories live. Discover now