FOF 34:GONE

24 2 0
                                    

Lugar na napapaligiran ng berdeng mga damo na punong-puno ng iba't-ibang klase ng bulaklak. Lugar na sobrang mapayapa at maraming ibon na nag-aawitan. Natagpuan ko si Sid na may malayang ngiti sa kanyang mga labi. Inaabot niya ang aking kamay ngunit hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Biglang nabalot ng dilim ang maliwanag na paligid. Makukulay na bulaklak ay tila nalanta. Walang ibang makikita kundi ang madilim na paligid lamang.




'Stella'




Namutawi sa mga bibig ni Sid. Inabot ko ang kanyang kamay subalit siya ang kusang lumalayo. Lumandas ang mga luha sa aking pisngi. Unti-unti siyang naglalaho. Binilisan ko ang takbo para mahawakan ko ang kanyang kamay , paulit-ulit kong sinisigaw ang kanyang pangalan. Pero sa isang iglap lang naglaho siyang parang bula.




"Sid!" Napabangon ako mula sa pagkakatulog. Umaga na ngunit madilim pa din ang paligid. Katulad ng mga nakaraan pang mga taon paulit-ulit ko pa rin napapanaginipan si Sid. Palagi pa din akong binabangungot magmula ng mawala siya. Siguro umaasa pa rin akong makikita ko siya kahit saglit lang. Araw araw akong bumibisita sa kumbento para ipagdasal na sana maayos siya. Ilang beses na kasing negative ang mga balita na kesyo hindi matagpuan ang katawan niya kaya di malaman kung buhay pa ba siya. 2 taon na ang lumipas pero naniniwala pa rin akong balang araw magkikita kaming muli.




Marahang mga katok ang gumambala sa aking malalim na pag-iisip. Tumayo ako upang silipin kung sino man iyon. Bumungad sa akin ang nag aalalang mukha ni daddy.





"Are you okay? I heard you scream. Did you have a nightmare again sweetie?"





Hilaw na ngiti lamang ang isinagot ko dito. Si daddy ang saksi sa lahat ng hinagpis ko ng mawala si Sid. I know deep inside kahit na hindi ganun kaganda ang samahan nila ramdam ko na mahal pa rin ng daddy si Sid. Siguro nahirapan siyang tanggapin ito dahil sa kinahihiya niya ang sarili niya hindi dahil sa bunga ng pagkakamali si Sid. Kung grabe ang hinagpis ko ng mawala si Sid doble ang nararamdaman nito. He always saying that I need to relax and calm myself dahil makikita rin namin si Sid but I can see in his eyes the longing and sadness sa sinapit ng anak. After the incident I told him that I really love his son syempre tumutol siya. Ayaw niya daw ako magkasala. But then tita Fiona revealed to us na nagsinungaling siya. Hindi daw anak ni daddy si Sid anak daw siya ng matalik na kaibigan ni dad pinaako niya lang daw si Sid kay dad because she don't know what to do. Pinalayas siya sa kanila wala na siyang ibang mapupuntahan kaya inisip niya lang ang kapakanan ng anak. At first nagalit si Dad. Sino ba namang hindi? All this time inisip mo na nagkamali ka. Nasaktan niya rin si Sid actually nagkasakitan sila. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko nung mga sandaling yun. Masaya ko dahil wala ng hadlang para saming dalawa ni Sid pero nalulungkot pa rin ako sa katotohanang hindi pa rin siya nagpapakita. Sid where are you? Buhay ka pa ba? Bawat araw na nagdaan laging sumasagi sa isip ko kung maayos ka lang ba. Kung ano na yung nangyayari sayo. Ayaw ko mag-isip ng hindi maganda pero habang tumatagal nawawalan na ko ng pag-asa. Jonson is already in jail. Hindi ko siya masisi sa nangyari ginawa niya lang naman yung bagay na yun because of pain. Pain of losing his love ones. Iba iba naman tayo ng approach kung pano natin haharapin ang isang bagay and for him that is the only way, to kill someone. Alam kong mali pero nangyari na.

FAITH OR FATE Where stories live. Discover now