Chapter 11

145 9 0
                                    

5:00 na ng hapon. Kanina pa ako nandito sa sala para intayin si Vann. Pumasok kasi sya sa kwarto nya. At hanggang ngayon hindi pa rin lumabas. Aba! Tinulugan na ata ako nung alien na yun. Isa pa 'tong si manang Ester, hanggag ngayon hindi pa rin bumabalik. Hay naku! Ngayon pa naisipang maglakwatsa. Tsaka naisipan pang iwan ako sa asawa kong alien. Paano na lang kung....... Waaahh! Ayoko pa! Hindi pa ako handang magka-anak. Bata pa ako.

Aish! Magtigil ka nga Kai! Imposible namang mangyari yun. Kasi kung may balak man si Vann..... Ay naku! Hihiwalayan ko talaga yan.

"Hey"

Napalingon ako kay Vann. Hindi ata ako nagulat. "B-Bakit ang tagal mo?!"

"Tss... Nakatulog ako, okay" sabi nya at umupong sofa tapos ipinatong nya yunh dala nyang laptop sa lamesa. "Ako ng bahala sa research. Ikaw naman sa explanation"

"Ano? Ang daya naman!"

"No buts, babo"

Napairap nalang ako. Tch!

---B---T---S---

"Okay, tapos na!"

Sa wakas! Natapos na din ang research papers namin! Inabot kami ng ilang oras dun. Dumating narin si manang Ester kaya kumain na kaminng hapunan. Nagpagalaman kong pumunta lang syang mall para magpalamig. Pwede namang mag aircon nalang sya dito sa bahay. Hahaha.

"Babo..."

"Hmm..?"

"Layuan mo si Klyde"

Agad akong napataas ng kilay kay Vann. "Bakit ba? Tsaka hindi naman ako lumalapit dun." ano ba kasing meron? Bakit ba palagi nalang 'tong sinasabi saakin ni Vann?

"Basta! Makinig ka nalang!" masungit nyang sabi.

"Fine." sabi ko at umirap.

Hindi ko talaga magets kung bakit nagiging ganito si Vann. Ganun na ba sya kagalit kay Klyde kaya nya ako pinagbabawalang lumapiy sakanya? Pero bakit? Imposible namang nagseselos si Vann. Napaka imposible! Wala vocabulary ng isang alien yun. Si Vann, magseselos? Oh come on!

Nagulat ako ng bigla nalang nagring yung phone ko.

Patch calling...

"Who's that?"

"Wala si Patch lang" sabi ko at sinagot yung tawag ni Patch.

"Tss... Akala ko lalaki."

(Hello?)

Napalingon ako kay Vann. Ano daw? Anong sinabi? Ang hina kasi eh.

(Hoy Kaillene Venice Choi! Are you there?!)

*O-Oo. Bakit ka tumawag?*

(Hmm.. Wala lang. Oy Kai! Diba partners kayo ni V sa research paper? Kailan kayo magmimeet? Tsaka pwedeng isama mo ako?)

Napatingin ako kay Vann. Tinaasan nya ako ng kilay. Napailing nalang ako at umiwas ng tingin. Hindi na kailangan ng meet-up, Patch. Nagawa na namin ni Vann yung research paper dito sa bahay namin.

*H-Hindi ko alam eh..*

(Ganon? Sa Monday nalang! Kung papasok sila. Ako magsasabi kay V."

*W-Wag na Patch.*

(Ano ka ba, Kai. Keri lang yun. Tsaka para maka-usap ko rin si V. Mabait naman yun.)

Napatawa ako sa sinabi ni Patch. Si Vann mabait? Hahahaha. Talaga lang, ha?

*Weh? Mabait yun?* natatawa kong sabi.

(Oo! Mabait yun! Tsaka pogi.)

*Ewan ko sayo, Patch! Pogi lang yun pero hindi mabait!"

"Damn.."

Napalingon ulit ako kay alien. Para kasing may sinasabi na kung ano. Haluh? Baka nag e-alien words na yan.

(Ansama mo talaga kay V tsaka sa BTS. Hayy. Sige na, babush na. Nandito na kasi si Gian babes ko.) at tsaka sya humagikhik

*Hahaha. Baliw! Sige na bye na. Umuwi na rin kasi yung asawa ko....* natatawa kong sabi. May narinig akong parang nasamid kaya napatingin ako kay Vann. Kaso hindi ko sya makita kasi nakatalikod sya.

(Hoy, Kai! Sinong asawa mo? Ikaw ha! May hindi ka sinasabi sakin)

*Loka! Si Jongki yung asawa ko! Enebe!" at humagalpak kami ni Patch ng tawa. Napaka swerte ko naman kung naging asawa ko si Jongki.

"Fvck"

Nagulat ako kasi parang may nagdabog. Kaya napalingon ulit ako kay Vann. Kaso bigla nalang syang tumayo. Eh? Anyare dun? Sungit mode ulit?

*Sige na Patch. Babush na. Good night. Paki sabi na rin kay Gian na good night. Hahaha.* sabi ko at inend yung call.

Bubuksan ko sana yung t.v kaso nagulat ako ng bigla nalang sumara ng malakas yung pinto sa taas. And for sure sa kwarto ni alien yun. Anyare ba dun? Chill lang syang nakaupo sa sofa kanina tapos ngayon high blood na. Lakas maka mood swing.


Married To The  IdolWhere stories live. Discover now