Chapter 25

200 15 2
                                    

Justin's POV

It's me again guys. Daig ko pa ibang BTS members, ako palang ang may dalawang exposure. Iba na talaga kapag pogi ka.



At sakto ngayon, nandito kami sa leisure room nagtitipon nanaman. Nagkavacant kami bigla dahil hindi pumasok yung science teacher namin.  Kaya galing library, dito na kami dumiretso ni Vann.



Himala na ngang nakagawa kami ng Research paper namin eh. Na halos ay ako lang ang gumawa. Hindi naman sa pagmamayabang pero yan ang totoo. Wala naman kasing ibang ginawa si V kundi ang titigan ng masama sina Kai at Klyde. Pag tinatawag ko naman ay sakin sya naiinis. Ano pa't sinabi nyang gagawa kami ng research paper eh iba naman ang ginagawa nya? Hays. Buti nalang mabait ako.



"Pre, tapos na ba kayo sa research paper?" tanong sakin ni Jk.



"Oo pre. Ako lang halos ang gumawa" sabi ko naman.




"Ikaw? Imposible yan Justin" singit ni Jeros.



"Ul*l! Pabuhat ka lang kay Riven, Jeros" ganti ko naman.




"Mas katiwa tiwala naman kasi si Vann na mas may magagawa kesa sayo" aba't talaga namang dumagdag pa si Jin.




"Ni wala ngang ibang ginawa si Vann don kundi ang tumingin----este titigan si Kaillene eh" sabi ko sakanila.




Na mukhang wrong move dahil tinitigan ako ng sobrang sama ni Vann. Kung nakakapatay lang ang titig nya, baka patay na ako.


"Ohhh" yan lang ang reaction nila at sabay-sabay tinignan si Vann.



"What?" tanong nya ng taas kilay.



"Pre, mukhang may hindi ka kinuwkento?" lapit sakanya ni Jeros at inakbayan pa.



"Cut off Jeros" sagot nito at inalis ang pagkaakbay sakanya ni Jeros.




Pero hindi sya tinigilan nito. Na unti-unti namang nakikisali na kami. Wala kang kawala sa BTS, Vann.


B-----T-----S

Kaillene's POV

For the first time in my life ngayon ko lang hiniling na sana tumagal yung oras namin dito sa school. Ayoko pang umuwi. Ayokong umuwi kasi alam kong mag aaway nanaman kami ni Vann. Alam kong galit sya sakin ngayon.

Pagkatapos nung sa library lalo akong hindi mapakali. Ramdam na ramdam ko yung masasamang titig sakin ni Vann. Hindi ko alam kung nakikinig pa ba sya sa mga sinasabi ng teachers namin o ako lang ang tinitignan nya.


Buti na nga lang at walang nakakahalata sa ginawa ni Vann eh. Asan na yung sinasabi nyang walang pansinan kapag nasa school? Oo hindi nya nga ako pinapansin, pero sa mga ginagawa nya parang ganun na din yun eh.



Ano ba kasing nakain ng alien na 'to at nagkakaganito na? Ang sarap ibalik sa kung saang planeta man sya nanggaling.



Ilang minuto nalang ay patapos na ang klase. Lalo akong kinakabahan.



Please, pwede po bang paextend kahit one hour lang?


"Hoy okay ka lang ba?"


Medyo gulat akong napalingon kay Patch. "Huh? Okay lang ako. Bakit?" tanong ko.

"Nagsasalita ka kasi mag-isa" sabi nya at natawa pa.


Married To The  IdolWhere stories live. Discover now