Part 1

286 2 0
                                    

[Piano play]

[insert AKMU's Time and Fallen Leaves melody]

Nag-iisa ako ngayon habang tumutugtog ng piano. Pinakikiramdaman ang taglagas. Pinagmamasdan ang paglaglag ng mga dahon dating syang mabeberde at mayayabong sa puno pero ngayo'y papaltan na ng bago.

Maghirap ang mag-isa. Pero mas nakakatulong 'to sa sarili para mas maging matatag at mas makilala mo pa ang sarili mo.

 Pero mas nakakatulong 'to sa sarili para mas maging matatag at mas makilala mo pa ang sarili mo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ako si Moon Byul Yi. Ako ang taong mahilig mapag-isa. Lagi akong tumutugtog ng piano sa kada oras na nalulungkot ako. Simula nung bata pa ako, natuto na akong mapag-isa. Dahil kahit isa, walang may gusto saken. Kahit kaibigan man lang wala ako. Tila ba parang pinagkait sa aken ang pagkakataon na magkameron ng kasama. Lumaki lang ako sa piling ng madrasta kong napakasungit saken. At kalaunan, namuhay na akong mag-isa, simula nung nasa middle school na ako. Tinugon na lang ni papa ang mga pangangailangan ko.

Naging normal na saken ang mapag-isa. Walang pumapakialam saken nang tumungtong ako ng High school, nakilala ko ang isang taong nagpabago saken.

Sa kada babalikan ko ang mga alaalang iniwan nya saken, hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o malulungkot.

Freshman pa lang ako nun kaya wala pa akong gasinong kilala. Malayo ang school na yun mula sa pinanggalingan kong school kaya wala talaga akong kilala kahit isa.

Naglalakad na ako noon pauwi sa bagong kong tirahan ng may mga nangharang saken na mga lalaki na nakauniform ng gaya nung sa school na pinapasukan ko. Parang mga pupunta sa bugbugan ang mga 'to sa itsura nila.

   "Hoy! Miss! Bago ka lang ba dito?"-tanong saken nung isang lalaking may band-aid sa pisngi. "Ngayon lang kasi kita nakita dito."

Mga mukha silang basagulero kaya inisnob ko na lang sila. Nilampasan ko sila pero bigla na lang may humanggit sa braso ko. At ayun yung lalaking may band-aid sa pisngi.

   "Abha. Nilalagpasan mo kami ha. Hindi mo pa nga sinasagot yung tanong ko eh."-sya

   "Bitiwan mo nga ako."-pag-alis ko ng kamay ko sa pagkakahawak nya.

   "Eh kung ayoko?"-hinawakan nya ulit yung braso ko. "Gusto mo bang sumama sa amin?"-pag-aaya nya saken.

   "Ayoko."-walang karea-reaksyon kong sagot at saka ko tinanggal ang braso ko sa pagkakahawak nya.

   "Alam mo."-hinanggit nya na ako at ako na mismo ang yakap nya. "Kung ayaw mong masaktan..."-itinuro nya saken yung mga katropa nyang may mga dalang baseball bat at mga bakal na tubo. "Sumama ka na lang samen."

Agad ko naman syang tinulak para makatakas. Pagkatulak ko sa kanya, tumakbo agad ako palayo sa kanila.

   "AHH!!!"-sigaw nung si band-aid. "HABULIN NYO SYA!!"

Hinabol naman agad ako nung mga kasama nyang may mga dalang tubo at baseball bat. Binilisan ko na lang ang pagtakbo ng makalayo sa kanila. Pero, mukhang walang sinabi ang mabilis kong pagtakbo dahil ang bibilis nila at malapit na nila akong maabutan. Hanggang sa may nakikita akong pwedeng daanan, pinapasok ko, makatakas lang sa kanila. Habang tumatakbo ako, lumingon ako sa kanila para tingnan kung nakakalayo na ba ako sa kanila pero, ang lapit na nila saken. Sobra.

At nang..

*BLAGG*

Natapilok ako.

   "Aray."-daing ko habang tinitingnan ko yung tuhod kong dugung-dugo.

At naabutan na ako nung mga tropa nung si band-aid. Hingal na hingal na ako. Nahihirapan na din akong tumayo dahil mukhang nainjured yung paa ko.

   "Miss. Hindi ka pa kasi sumunod sa gusto ng boss namen eh. Kaya sorry na lang. Kailangan naming gawin 'to."-sabi nung payatot na may headband na may dalang bakal na tubo.

Akmang hahampasin nya na ako kaya napapikit na lang ako. Nang biglang may napakinggan akong sumigaw.

   "HOY! ANO YAN!"

Kaya hindi natuloy ang paghampas saken.

Napatingin kami dun sa lalaking nasa bandang likuran nila kaya nakita ko sya. Agad niyang binitiwan yung bag nya at saka nya sinugod 'tong mga lalaking gustong saktan ako. Kinalaban nya nga yung mga lalaking gustong manakit saken pero, halatang sya ang napupuruhan. Balak ko na sanang tumakas habang kinakalaban sya nung tropang tubo pero hindi ko talaga mailakad yung kanang paa ko. Paika-ika akong tumatakas ng biglang may humawak sa backpack ko.

   "Anong akala mo? Makakatakas ka?"

Paglingon ko, yung lalaking may band-aid sa pisngi.

   "Ano bang kailangan nyo saken!?"-iritable kong tanong.

   "Gusto ko lang namang sumama ka samen para makisaya. Pero kung ayaw mo namang sumama."-lumapit sya saken at saka nya hinawakan ang parehas kong pulso para pigilan. "Dito na lang natin gawin ang pagsasaya."-inilapit nya ang mukha nya pero agad ko syang dinuraan sa mukha.

   "Bastos ka!"-galit na galit kong sabi.

   "Err.. Bastos!"-nagalit sya saken dahil sa pagdura ko. "Ayaw mo talagang papigil ha."-agad nya akong sinuntok nang malakas sa sikmura kaya napaupo ako sa sakit. "Ano? Lalaban ka pa?"-saka sya naupo at saka hinawakan ang panga ko para iharap sa kanya. "Matigas din ang ulo mo eh no."-at saka nya ako sinampal ng 2 beses.

Nanghihina na ako. Ewan ko pero nanghina ako dahil dun sa malakas nyang suntok saken.

   "Para mas madali ka nang pasamahin. Kailangan mo nang patulugin."-hinawakan nya ako sa kuwelyo para itayo. Saka nya ako sinuntok ng malakas sa mukha at syang dahilan ng pagkakahiga ko. Ramdam kong may dugo na ang labi ko.

   "Ano? Pwede ka bang isama o isa pa?"

Ramdam kong kaunti na lang at mawawalan na ako ng malay. Nang mapansin kong natilapon sa harapan ko si band-aid boy. At nakita kong may tumapak sa likuran nya at iyon yung lalaki kaninang nanugod sa kanila. Puro galos na sya at halatang pagod na pagod sya pero.. Nakita ko sa kanya ang katapangan.

   "Wala nang mambubugbog sayo. Tapos na."-at saka sya tumingin saken habang nakangiti.

Pero hindi na ako nakasagot sa kanya dahil nanghihina na ako. At hanggang sa nagsara na ang mga mata ko.

   "Miss! Miss! Miss!"-pakinig kong pinagigising nya ako.

Napaimik na lang ako ng "Tu..lungan... mo.. ko.."

At naramdaman kong kinarga nya ako sa likuran nya. At dun nawalan na nga ako tuluyan ng malay.

Time And Fallen Leaves [Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon