Part 6

71 1 1
                                    

Simula noon, napatunayan kong kaya ko din naman palang sumaya at si Minhyuk ang nakapagpasaya saken. Salamat dahil nagkameron ako ng kaibigan na gaya nya.

Sa gym, laging nagpapractice si Minhyuk kasama ang mga nasa sports track. Kahit major in music sya, kailangan nya paring magensayo para sa mga laban nya.

Tuwing hapon, nagpupunta ako sa gymnasium para hintayin sya. Nakaupo lang lagi ako sa mga blitchers habang pinapanood sya.

Nang isang beses, habang nakaupo ako at naghihintay kay Minhyuk, lumapit saken ang limang babae, naupo at pumalibot sila sa tabihan ko. Ang alam ko, sila yung mga babaeng ayaw saken dahil WEIRD daw ako. Bakit kaya naririto ang mga 'to?

  "Ikaw si Moon Byulyi diba?"-tanong saken nung leader yata nila yun.

   "Oo. Ako nga. B-Bakit?"-pagtataka ko.

   "Bakit lagi mong kasama si Minhyuk?"-tanong nya saken habang nakatingin kay Minhyuk. At saka ulit sya tumingin saken habang nakataas ang kaliwang kilay. "Huwag mong sabihing may relasyon kayo?"-dagdag nya.

   "Huh? Ano bang pinagsasabi mo? Wala kaming relasyon ni Minhyuk. At isa pa, bakit ba nandito kayo?"-ako.

   "Tss. Huwag kang mag-alala. Hindi naman kita kailangan eh. Si Minhyuk ang kailangan ko."-sabi nya saken.

   "At ano namang kailangan nyo sa kanya?"-tanong ko.

    "Hm. Wala ka na dun. Kaibigan ka lang naman nya eh."-sabi nya saken at saka na naman nya itinaas ang kaliwang kilay. "Di ba? Wala ka namang gusto sa kanya noh."

   "Wal-la! Kaibigan ko lang sya. At kung may kailangan ka sa kanya, huwag ako ang kausapin mo."-sabi ko sabay iwan sa kanila.

Lumabas ako ng gymnasium nang tawagin ako ni Minhyuk.

   "BYULYI!!! HWAG MO 'KONG IWAN!"-sigaw ni Minhyuk.

   "LALABAS LANG AKO!"-sagot ko at saka ako lumabas ng mainit ang ulo.

Bakit ba lumapit pa sila saken tapos ano? Ipapamukha nila saken na ano? Na wala akong karapatan dahil KAIBIGAN lang ako ni Minhyuk? At sino ba sila? May gusto sila kay Minhyuk? Eh di go! KAUSAPIN NILA SI MINHYUK HINDI AKO YUNG BINIBWISIT NILA!

Hindi rin nagtagal at lumabas na ng gymnasium si Minhyuk. Natapos na syang mag ensayo.

   "Mabuti naman at tapos ka na."-ako.

Mainit pa rin ang ulo ko.

   "Bakit ba parang galit ka?"-Minhyuk.

   "Huwag kang mag-alala. Hindi ako galit sayo."-sumakay na ako sa bike ko at ganun din sya.

Habang nagbabike kami pauwi.

   "Byulyi. Sino yung mga lumapit sayo kanina?"-tanong nya saken.

   "Napansin mo pala ang mga 'yon? Tss."-ako

   "Oo. Eh sino ba sila?"-tanong nya.

Malapit nang maghiwalay ang daan namin.

   "Minhyuk. Huwag mo muna akong ihatid. Umuwi ka na muna agad sa inyo."-sabi ko.

Ewan ba. Pero nabwisit talaga ako.

   "T-Teka? Bakit naman?"-Minhyuk

   "Basta."-ako.

   "Akala ko ba, hindi ka galit saken eh bakit gusto mo na agad akong pauwiiin?"-Minhyuk.

Tumigil ako sa pagbabike. At kasunod noln, tumigil din sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Time And Fallen Leaves [Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon