Chapter 10.5: First date

26.6K 481 21
                                    

My Gangster Prince

Chapter 10.5: First Date

DARK'S POV

This silly girl. Hindi raw siya matutulog pero ito siya ngayon. Himbing na himbing sa pagkakahiga sa upuan ng kotse ko.

Tinigil ko muna sa tabi ang Jaguar ko at kumuha nng jacket sa backseat. Nilagay ko 'to sa kanya para magsilbing kumot. Napatitig naman ako sa maamo niyang mukha.

Napangiti ako saka ipinadaan ang daliri ko sa kanyang pisngi. Ang sarap talaga titigan ng mukha ni Zyril.  Nilabas ko ang phone ko sabay kinuhaan siya ng litrato. Para siyang anghel, napakaamo ng mukha niya.

"Princess, wake up." Napagdesisyunan ko na siyang gisingin para magkaron kami ng mahabang oras.

"hmmmm?" Kinusot-kusot niya naman ang mata nya bago napamulat ng tuluyan. "Hala, Nakatulog pala ako? sorry sorry!" Paghingin niya ng tawad sabay peace sign.

"Nasan na pala tayo, Dark?" Tanong niya habang nililibot ang paningin sa lugar na pinagdalhan ko sa kanya.

"Sa Manila Hotel." Literal na lumaki ang mata niya dahil sa naging sagot ko.

"Uwaaaah, bat dito mo ko dinala? Sineryoso mo talaga? Bata pa ko. Huhuhu. Hindi pa ako handa." I chuckled at her reaction.

"Joke lang, princess. Nasa subic tayo. Alam mo namang di ko kayang gawin yun sayo. Nirerespeto kita." sabi ko dahilan para mapa-pout sya. Di ko tuloy mapigilan ang sarili ko na kurutin ang pisngi nya.

Naglakad na kaming dalawa ni Zyril sa beach. Medyo malakas yung alon ng dagat kaya naman walang halos tao ngayon sa beach. Pero okay na rin to, para magkaron kami ng privacy dalawa. Gusto ko maenjoy ang araw na to na kasama si Zyril, yung walang Black Diciples na iistorbo saming dalawa.

Kaso parang may gumugulo ata sa isipan niya. Sa tuwing tumitingn kasi ako sa kanya, nahuhuli ko syang nakatulala.

"Are you okay?" I asked her feeling a little worried.

"Huh? Ah, oo ayos lang ako." Sabi niya sabay ngiti. Kung may problema ka, pwede mo namang sabihin sakin e. 

"Uwaaaah, Dark, starfish oh!" Inalis niya ang pagkakahawak sa kamay ko at tumakbo na parang bata sa kinaroroonan nung starfish. Sinundan ko naman siya at niyakap patalikod.

"Happy One Month Princess." bulong ko sa kanya. I rest my chin on his shoulder.

Inilabas ko ang pulang rosas at stufftoys na binili ko kanina. Makikita mo sa mata niya yung kasiyahan sa simpleng bagay lang na iyon. Ito ang isa sa mga nagustuhan ko kay Zyril, pinapahalagan niya kahit maliliit lang na bagay, napaka-swerte ko talaga sa kanya.

"Thankyou, Dark." Kinuha niya sakin ang rosas at stufftoys. Nabigla ako nang halikan nya ako sa pisngi saka tumakbo papalapit sa dagat para salubungin ang alon. This silly girl. Nakanakaw na naman ng halik sakin. 

My Gangster PrinceWhere stories live. Discover now