Chapter 37: Don't Leave Me

19.3K 370 22
                                    

My Gangster Prince

Chapter 37: Don't Leave Me

ZYRIL'S POV

Naramdaman ko na nasa ibang lugar ako. Wala ako sa kwarto ko. Hindi ganto ang kama ko, hindi masyadong malambot. Iba pa ang amoy, ang sakit sa ulo, nakakahilo.

Unti-unti kong minulat ang mata ko at napabalikwas ako.

"Noona! Gising ka na! Yohooo~" Sigaw ni Andrew habang niyayakap ako.

"Ssssh! Ingay." saway ni Lance sa kapatid,

Tama nga ang nasa isip ko, wala ako sa kwarto kundi nasa ospital ako. Napabalikwas ako kasi ang lapit ng mukha ni baby Andrew sa mukha ko. Parang ganto din yung scenario nung una kaming nagkita.

Lalo pa akong nagulat nang malaman ko kung nasan ako.

"Two days and two nights kang naka-confine. Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Lance asked then I nodded. Bakit nga ba ako nandito sa hospital?

Pilit ko namang inalala kung bakit nandito ako ngayon. Biglang nagplay sa utak ko ang ginawa kong pagsunod kila Dark. Naalala kong may nakahuli saking isang tauhan ni Zeke at dinala ako sa loob ng abandonadong warehouse na yun. Puro mga nagsusuntukan at nagsasakitan ang nakapalibot sakin, hanggang sa may narinig akong putok ng baril. Then, everything went black.

Maybe that was the reason why I am here in the hospital now. Sa sobrang pagkagulat ko nag-collapsed ako. Pero.. sino yung tinamaan ng baril?

"T-Teka, nasaan yung iba?" Inilibot ko ang paningin ko para hanapin ang iba pang myembro ng Black Diciples pero tanging ang kambal lang ang nandito sa loob ng kwarto.

"Ahm.. may inasikaso lang sila Sky, noona." Andrew answered.

"Kasama ba nila si Dark?" Napaiwas sila ng tingin sa tanong ko. Bigla naman akong kinabahan dahil sa naging kilos nila.

"Andrew, Lance.. T-Tell me, nasan si Dark?" Tanong ko uli sa kanila. I can't help myself to panic. Hindi ko maiwasang isipin na sa kanya tumama ang bala ng baril.

"Uhh.. ano.. N-nasa kabilang room lang siya." Napakagat labi ako para pigilan ang luha na nagbabadyang bumagsak sa mga mata ko. Pano kung sa kanya nga tumama ang bala ng baril an ipinutok ni Zeke?

Lumalakas ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako.

RELAX KAZUMI.

"G-Gusto ko siyang puntahan."

"P-Pero.."

"GUSTO KONG MAKITA SI DARK!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko mapasigaw at mapahagulgol. Agad naman nila akong nilapitan at inalalayang tumayo. 

Dinala na nila ako sa kabilang kwarto at mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko nang makita ko si Dark na nakahiga sa hospital bed na maraming nakakabit na apparatus.

My Gangster PrinceWhere stories live. Discover now