Chapter 26: Payback Time

19.2K 347 13
                                    

My Gangster Prince

Chapter 26: Payback Time

Zyril's POV

"Dark, san tayo pupunta?" Tanong ko kay Dark. Pagkatapos kasing sabihin ni Dark na pinsan niya yung pinagseselosan ko ay niyaya ko muna siyang umalis. Ayoko munang harapin yung pinsan niya.. nahihiya pa rin ako sa inakto ko kanina!

"We'll visit my sister." Nakangiti niyang sabi. Tumango na lang ako at tumahimik na lang buong byahe.

Sa totoo lang.. ang tagal na naming nagsasama ni Dark pero wala pa siyang napapakilala saking kamag-anak niya. Si Jessica pa lang. Ano kayang itsura ng kapaid niya? Siguro maganda din siya katulad ni Jessica. Pinagpala ang mga angkan ng Montreal eh.

"We're here." Pinagbuksan niya ako ng pinto at nagulat ako sa lugar na pinuntahan namin.

"P-patay na k-kapatid mo?" Tumango lang siya sa akin at huminto na kami sa isang puntod. He sat down the ground and motioned me to sit beside him. Umupo naman ako.

He tucked my hairstrands that blocks my face and placed it behind my ear. "Papakilala kita sa kapatid ko." He said smiling.

"Angel, si Kazumi nga pala, ang mapapangasawa ko." He said while smiling.

"Sayang, hindi mo siya naabutan. But well, alam kong sinusubaybayan mo naman kami." Ngayon ko lang nakita si Dark na ganyan. I mean, yung sweet sa ibang tao. Sakin lang kasi siya ganyan. Siguro mahal na mahal niya talaga ang kapatid niya.

I smiled and touched his hand. "Hi Angel! I'm Kazumi Zyril Park. Don't worry, aalagaan ko ang kapatid mo. Pagdadasal ka namin lagi. May you rest in peace." I heard Dark chuckled.

"So, paano? Aalis na kami ha. Ito na yung promise ko sayo. Diba sabi ko ipapakilala ko yung babaeng papakasalan ko? Here she is." Sabay tingin sakin ni Dark. Nagpaalam na rin ako kay Angel saka kami pumunta sa kinaroroonan ng sasakyan ni Dark.

After 30 minutes, nakarating na kami sa bahay. Pinagbuksan ako ni Dark ng pinto ng sasakyan kaya bumaba na ako.

"ATE! KUYA!"

Nagulat na lang ako sa biglang nagsalita sa likuran namin. Nasa tapat na kasi kami ngayon ng grand staircase.

"Jessica, wag ka ngang manggugulat dyan." Saway ni Dark sa babaeng tumawag samin.

"Sorry." She just giggled then pulled me on my hand. "Ate Zyril right? I'm Jessica, but you can call me Jessy. Ako yung pinsan ni Kuya Dark."

"Call her Kazumi. Ako lang pwedeng tumawag sa kanya ng Zyril." Magpoprotesta pa sana si Jessica kaso sinamaan siya ng tingin ni Dark kaya pumayag na siya.

"Alis ka muna dito! Kami muna mag-uusap. Pangit mo!" pangtataboy ni Jessica kay Dark. Napa-roll eyes na lang siya at tuluan nang umakyat.

My Gangster PrinceWhere stories live. Discover now