Epilogue

590 29 28
                                    

Her Pov

Habang naglalakad ako papuntang locker room, nadaanan ko yung grupo ni Dino.

Ang gloomy ng aura nilang lahat. Hindi ako sanay. Kilala kasi yung grupo nila bilang pinaka-masayahing grupo dito sa campus.

Hays. Si Dino.

Ewan ko ba, hindi ko siya nakita kasama dun sa grupo niya.

May naka-ipit na papel?

Napangiti naman ako. Iisa lang naman yung nagpapadala sakin ng ganito.

Si Dino.

Yung fetus na yon talaga. Ang hilig akong pakiligin. Hihihi.

Hi noona

siguro po last na letter ko na po ito. diba po kasi may boyfriend na kayo? noona, ang sakit. pasensya na po kung may mga patak pa ng luha sa papel na to. hindi ko po kasi mapigilan. last na po talaga to. babalik na po ako sa korea. time ko na rin pong mag-move on. sana masaya ka na po kasama niya. i love you noona. goodbye.

-Dino

Tangmother! Anong pinagsasabi ni Dino?!

At utang na loob, WALA AKONG BOYFRIEND.

Dali-dali akong pumunta sa grupo niya at hinila si Jeonghan, yung bestfriend ko.

"Jeonghan, asan si Dino?!" sigaw ko kaya napatingin yung buong grupo niya.

"Siguro nag-iimpake na siya ngayon ng mga gamit niya papuntang Korea." sabi ni Jun ata? Ewan tsaka pake ko.

"Asan siya nakatira? Sabihin niyo." sabi ko sa kanila kaya nagulat sila.

Okay? Anong meron?

"Excuse me lang pero diba may boyfriend ka na? Tantanan mo na si Dino. Maawa ka naman sa kanya." sabi ni Seungcheol.

LECHE.

ILANG ULIT KO BA SASABIHIN NA WALA AKONG BOYPREN!

"WALA AKONG BOYFRIEND UTANG NA LOOB! NGAYON SABIHIN NIYO NA KUNG NASAAN SIYA?!" sigaw ko kaya medyo napatingin sakin yung ibang students.

"Chill ka lang. Nasa may dorm nam--" hindi ko na pinatapos si Seungcheol sa pagsasalita kasi tumakbo na ako palabas ng campus. Tsaka nakakasilaw yung gilagid niya, baka mabulag pa ko at di na makita si Dino

Kelangan kong abutan si Dino. Hindi pwedeng umalis siya kung kelan nafall na ako!

PANANAGUTAN NIYA TO.

Teka nga, kung maka pag react ako parang nabuntis ako ni Dino? Ugh. Joks. Fetus pa si dino no.

Tinakbo ko yung campus papuntang dorm nila. Good thing na malapit lang yung dorm nila.

Dino, you bastard! Hindi ka makakaalis.

"DINO! LUMABAS KA DIYAN. LABAS!" sigaw ko habang kinakalampag yung pinto nila.

Wala akong pake kung masira to. Ang importante, si Dino.

ABA POTA

WALA PA RING LUMALABAS?!

Pinihit ko na yung doorknob at mas nagulat ako na bukas pala. Shet. Nakakawalang poise yung ginawa ko tapos bukas naman pala?

"DINO ASAN KA?!" sigaw ko ng makapasok ako sa dorm nila.

Nakarinig naman ako ng footsteps kaya napalingon ako sa may hagdanan. Dalawang floor kase.

"N..Noona?" utal na tanong niya.

Noona • l.cWhere stories live. Discover now