14. Bits by bits

63.8K 1.7K 508
                                    

“Julian, anong oras na? Naku nakalimutan kitang pakainin!”

Humahagikgik si Tintin habang nakatayo sa harapan ko. Kagigising niya lang kasi. Pagod siya kaya hindi ko na siya ginising. Wala siyang ginawa kagabi kundi ang umiyak, hinayaan ko lang siya. Alam kong mahirap ang sitwasyon naming dalawa ngayon, alam ko rin kung anong ginagawa niya para lang makasama ako, pero hindi ibig sabihin noon ay payag ako sa nangyayari sa amin.

Lumapit siya sa akin at saka humilig sa balikat ko. Ngumiti siya at saka hinaplos-haplos ang dibdib ko.

“Julian, anong gusto mo? Coffee, tea or me?” Pilyang tanong niya. Napailing na lang ako.

“Gusto ko… umuwi ka sa inyo.” Hinagkan ko siya sa noo. Iyon ang tamang gawin. Nang piliin niya ako kahapon – alam kong mali na ang lahat. Nagpunta ako sa mansyon para magpaliwanag sa mga kapatid niya. Hindi ko naman kahit kailan inasahan na kapag nakipagkita ako sa kanila, tatanggapin agad nila ako. I readied myself for a war at iyon ang nadatnan ko sa mansyon.

I know that Sancho and Lukas literally wanted to kill me with their bare hands – tanggap ko iyon. Sasapakin na nga nila ako – inihanda ko ang sarili ko pero dumating si Tintin – things changed.

“Ba-bakit ako uuwi? Sancho disowned me. Plus I’ve made my choice.” Sabi niya pa sa akin.

“I know, thank you for choosing me, irog ko, pero they’re your family, you should be with them.”

“Pero kapag umuwi ako, hindi na kita makikita!” Bumukal ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi nagtagal ay sisinghap-singhap na siya. I took a deep breath. Kahit kailan ay hindi ako natutuwa sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak. I wiped her tears.

“Hindi naman ako papayag na hindi na kita makikita. Mahal na mahal kita pero tama ang mga kapatid mo. Kailangan muna nating maghiwalay, bumalik ka sa kanila habang inaayos ko ang lahat.”

Umiling siya. She held on my arms.

“Kaya ko namang naghintay. Dito na lang ako habang inaayos mo ang lahat. Kapag okay na, uuwi ako sa amin kasama ka. We’ll prove my brothers wrong, Julian.” Bigla niya akong niyakap. I just sighed. Si Tintin man siya o si Laide – pareho lang matigas ang ulo nila.

“Irog…” Tawag ko sa kanya. Magsasalita pa sana ako nang biglang ma-ring ang cellphone ko. It was my secretary.

“Hello?” I kissed Tintin’s hair as I talk to the phone. Sinenyasan ko siyang huwag nang umiyak. Pinahid naman niya ang mga luha niya at saka bahagyang lumayo sa akin.

“Sir, iisa-isang nagpu-pull out ang investors natin and Mr. Sancho Consunji is here. He said that he’ll be taking over the company. Nabili na daw niya lahat ng shares ng board – he has seventy-five percent of the shares, Sir. Siya na ang major stock holder natin.”

Fuck.

I tried to remain calm. I didn’t want Tintin to see me worried. Mag-aalala lang siya and worse, baka bigla niyang puntahan si Sancho para kausapin ito. I took a deep breath.

“Okay, papunta na ako.” Sabi ko na lang. I ended the call. I looked at Tintin.

“Di ka pa nag-aalmusal.” Sabi niya. I kissed her cheeks.

“Sa office na lang, irog. Emergency.” I tried to smile at her. Nagmamadaling lumabas ako ng unit namin. We were still staying at the Consunji Empire pero pakiramdam ko pagkatapos ng araw na ito ay kailangan ko nang umalis sa lugar na iyon.

Pinaliliit na ng mga Consunji ang mundo ko at sinisimulan na ito ni Sancho.

I arrived to the office fifteen minutes later. Everything seemed normal. Nagtatrabaho pa rin ang mga tao ko and they’re still greeting me, they’re still calling me Sir Jules – but I know deep inside, things have changed.

She will be loved (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon