Music 3: Three Things

4 0 0
                                    

Pag-akyat ko, agad akong nagpunta sa CR at nagpunas para makapagpalit ng damit.

Di ko maiwasang maisip. Is it really Shannen? Di kaya may kakambal siya? It may be absurd pero iba't-ibang dahilan ang gustong paniwalaan ng utak ko na hindi siya yung babae kanina. Di ko din alam kung bakit pero ayaw tanggapin ng utak ko ang katotohanan na pwedeng msaktan si Ace kay Shannen. Di ko alam kung bakit. Although naiinis ako sa kanya at alam ko sa sarili ko na May gusto ako kay Trez, it's just... seeing an image of Ace hurting is too much for me to bear.

It's unbearable.

And I don't know why.

Oh God! I must be lacking some air.

Lumabas nalang ako at nagpunta sa may garden area namin.

"The wind that blows the dove

It's the wind that blows my love

Hoping it'll find its way to you

wherever you are..."

Trez...

Ang ganda talaga ng boses niya. Ang lamig.

"Missa, kanina ka pa ba nandiyan?"

"Trez! Umm, di naman. Ganda naman ng kinakanta mo." Puri ko at ngumiti sa kanya.

"Ayaw mo bang umupo?"

Nagulat ako dun. Makakatabi ko na siya? Ng kami lang? This is the moment!

"Okay lang ba? Baka nakakistorbo ako?"

"Absolutely Not. Tara." He motioned as he tap the vacant sit beside him.

Katahimikan ang namagitan samin.

"Missa?" Napalingon ako sa kanya.

"Hmm?"

"May gusto ka ba kay Ace?" Nagulat ako dun. Pero ano nga ba? Pano mo ba masasabi na gusto mo ang isang tao? Di ko alam? Parehas lang ba yun sa crush?

"Umm. Di ko alam eh." Nakita ko na nanlaki yung mata niya. "Hey! Don't get me wrong! Di ko kasi alam kung paano mo malalaman kung gusto mo na ba yung isang tao. I never liked any one before. Well I do have crushes but it's way way farther than the word like."

"Bat ka defensive?" Natatawa niyang sabi.

"Wha-!"

"I'm just kidding." Then he chuckled. Aaminin ko. Masaya ako na nakakausap ko si Trez. Siyempre, crush ko siya no! Pero bakit... I can't feel any... contentment? Wala na ata yung tinatawag nilang... Sparks?

"Pano ba malalaman kung may gusto ka sa isang tao?" Seryoso kong tanong sa kanya habang nakatingin sa langit.

"Honestly, Di ko din alam eh. Madalas sinasabi sa book na It's like love pero may difference. Pero kung sarili kong pananaw, Tatlong bagay ang dapat masagot bago ko masabi na gusto ko ang isang tao."

"Hmm? Like what?"

"Are you happy with that person?"

"Masaya ako pag kasama ko ang mga tao sa paligid ko."

"Not that." Then he chuckled lightly. "Is that happiness greater than those you have felt before? Yun bang kahit naiinis ka na sakanya masaya ka pa din na makita siya?"

I remained silent. Am I happy with him? Teka? Sinong him ba tinutukoy ko? O jusko! Gutom na ba ko?

"Next is, Bumibilis ba ang tibok ng puso mo kapag nakikita mo siya? Or nakakausap? Is that person's mere existence affects you?"

Naapektuhan ba ko sa kanya? Takte eto na naman tayo. Sino na naman ba yung 'kanya' na tinutukoy ko?

"Lastly," Nanahimik ako kasi feeling ko, sobrang seryoso ng sasabihin niya. "Do--"

"Missa, Trez! Nandyan pala kayo. Tinatawag na tayo ni Tita for dinner. Dito na daw tayo kumain Trez."

Aries. Bakit ba ang mga taong kagaya niya ang sarap sipain papunta sa ibang galaxy?

I heard Trez chuckled. "Pfft. Tara na."

"Missa? Bakit mukang nalugi ka? Okay ka lang ba?" Nagtatakang tanong ni Aries.

Hindi. Istorbo ka. Nakakainis eh. Ayun na!!! Arieeesss! Grrr!

"OKAY LANG AKO! DI AKO NAISTORBO. DI TALAGA!"

"Pre, ano meron dun?"

"Pfft. Hahaha. Wala tol. Tara na."

"Do you feel that you need to protect that person? Yung ayaw mong masaktan siya? Kasi you can't picture that person in pain. It's unbearable for you." Nagulat nalang ako nang kasabay ko na maglakad si Trez.

Napahinto ako bago pa ko dumretso sa dinning area.

"That's the third one." Sabi ni Trez bago siya ngumiti sakin magpauna at nagpunta sa dinning table.

"Hi Tito!" Rinig kong sabi nila Aries.

Unbearable? Wait. Wag mong sabihin na...

Hindi. Nagkataon lang yun saka diba sabi ni Trez based lang daw yun sa kanya? Oo. Nagkataon lang yun.

Music's RevengeWhere stories live. Discover now