Music 5: Cheat

9 0 0
                                    


"MISSA YURIKA LOPEZ!"

Okay. Sermon na naman ang aabutin ko. Tsk.

"Kuyaaaaa. Sorry na kasi. Di ko naman sinasadya na matapilok. Kuyaaa." Panay ang hila ko sa uniform niya. Uwian na kasi at dumeretso si Kuya dito.

"Hay Nako Yurika. Ano na lang ang sasabihin nila papa at mama nito? Na pinababayaan kita sa school?" Sabi nito na pinipisil pa din ang parte ng ilong niya na malapit sa noo.

"Ah ganun! Kaya pala Kuya. Nag-aalala ka lang pala sa sasabihin nila Mama at Papa. I hate you!" Tumingin ako sa ibang direksyon at pinag-ekis ang mga braso ko.

"Hey, Missa, walang sinasabing ganyan si Kuya!" Parang nabigla siya sa sinabi ko.

"Hmp!"

"Okay, Okay. Sorry na. Nag-alala talaga ako sayo, siyempre ikaw ang baby sister ko. Wag ka nang magalit okay? Lilibre nalang kita ng Ice cream."

Okay. He got me there. Tsk. Sa lahat ba naman kasi! Ice cream pa!

"Talagaaaa? Sige sige sige! Gusto ko yung pinkamalaki ha!" Parang bata na sabi ko.

"Okay, Okay." Tumatawang sabi ni kuya. Ginulo din niya yung buhok ko.

Nagpasundo kami kay papa. Na-guilty tuloy ako dahil kailangan pang mag-out si Papa ng maaga.

Dahil na din sa promise ni Kuya sakin, Pinadaan niya sa Mall saglit. Si kuya nalang ang bumaba at binilhan niya ako ng Ice cream sa DQ. Nagulat nga ako kasi may cake pa at frappe galing sa Starbucks. Binilhan din niya si mama at coffee naman sa kanila ni papa. Ganyan si kuya eh. Palibhasa sumasideline siya sa pagtuturo sa Tutorial namin kaya sakanya binibigay nila mama at papa yung fee na binabayad sa Tutorial school. Tch.

Pagkauwi namin, May pinatawag sila papa na therapist para mapaayos yung nasprain ko na paa. Buti naman at after nung therapy ay okay na ulit yung paa ko. Wag lang pupwersahin dahil medyo masakit pa pag nabibigla.

Haist. Katangahan nga naman Missa Yurika. Dahil sa pesteng crushlife, ayan! napahamak ka tuloy! Haist!

-MONDAY-

Nagdaan ang Saturday at Sunday. Hindi nagpunta yung mga kaband-mates ni Kuya namely, Aries, Trez and Ace. Buti nalang at napayapa narin sa wakas ang buhay ko.

Dahil sa mga nangyari, nasa akin pa rin yung mga papeles. Pagdating ko dun sa HQ, kumatok ako ng tatlong beses at binuksan yun. Nagulat nalang ako sa nakita ko.

Mou! Hanggang ngayon ba naman? Bakit ba sa tuwing pumupunta ako dito sa HQ puro kabababalaghan yung naabutan ko?

Tch. Ang kakati!

"Missa!" Halata ang pagkabigla sa itsura ni Shannen at Clyde pero agad din naman silang nakabawi at pumormal ang itsura na parang hindi sila nagki-kiss kanina. Tch.

Napuno ng katahimikan ang buong kwarto. Yung gulat na itsura sa mukha ni Shannen ay napalitan ng pagka-irita.

"So, anong ginagawa mo dito sa opisina ng Boyfriend ko?"

Pigilan niyo ko. Kakaltukin ko to ng takong ng sapatos niya!

"Excuse me? Si Clyde ba ang boyfriend mo? Sa pagkakaalam ko Si Ace, hindi ba? At isa pa, nandito ako para sana ibigay ko ang mga papeles na to kay Clyde." Nilapag ko ang papeles sa lamesa nito.

"So? Ano pang hinihintay mo? Labas na!" Pagpapalayas ni Shannen sakin.

"Pwede ka nang umalis, Missa. Salamat sa pagdadala." Di ko siya pinansin sa halip ay tumingin ako kay Shannen ng may pandidiri sa itsura.

"Sisiguraduhin kong makakarating to kay Ace. He does not deserve a cheating girlfriend like you."

At promise, ang sarap niyang ipalapa sa leyon dahil sa sinabi niya.

"Then do it. He won't believe you.At ako pa? Trust me dear, I can turn anything around just for fate to be in my favor."

Grrr. Ang landi niya!

_To be Continued_

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 10, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Music's RevengeWhere stories live. Discover now