Music 4: Stupidity Hurts

6 0 0
                                    


CHAPTER 4

"O, tol. Aalis ka na agad? Mamaya na kaya?" Rinig kong sabi ni kuya. Tapos na kaming kumain at nakaupo na kami sa sala.

"Di pwede. Nagtext kasi sakin. May pinabibili." Sabi ni Ace at tumayo na.

Napatitig lang ako sa kanya. Ang gwapo talaga nitong ungas na to. Ang ganda ng mata niya medyo singkit tapos kulay brown yun. Yung kilay complement sa mata niya. Ang haba ng pilikmata niya. At yung labi niya...

Napailing ako. Hindi pwede. Inis ako sa kanya diba?

The more you hate, the more you love.

Takte. Sino yun? San galing yun?

"Wala na tunaw na." Napalingon ako kay Aries. Nakatingin siya sakin. Tumingin ako sa paligid at nakatingin silang lahat sakin. Pati siya.

"What?" Tanong ko. Problema nila?

"Kanina ka pa nakatingin saakin. May dumi ba ko sa mukha? Or maybe... You fell for my charms already?"

"Kapal ha? Nagtataka lang ako kung paano mo napasagot yung girlfriend mo. Sa itsura mong yan? May pumatol sayo? Malabo ata mata nung girlfriend mo. At isa pa, kawawa siya. Ang antipatiko mo kaya! Tsk. Panik na po ako!" Di ko sila tinignan at dere-deretsong pumanik sa kwarto ko sa taas.

Pagpanik ko dun, nilock ko yung pinto at sinara ko yung ilaw. Lampshade lang binuksan ko. Narinig ko yung pag-andar ng sasakyan sa baba. Mukang ihahatid pa siya ni Papa.

"Missa? Anak? Gusto mo daw bang sumama? Ihahatid sila Ace."

"Di na po ma. Inaantok na po kasi ako." Sagot ko ng di binubuksan yung pinto.

Narinig ko nalang na nag-okay si mama at ang pagbaba niya.

Nakita ko na lumabas na sila. Napahinto si Ace kaya nagtago ako. Wait! Nakita niya ba ako? Oh God! Di naman siguro.

Tumingin ulit ako sa labas at nakita ko na nakatingin pa din siya.

Inirapan ko lang siya. At mukhang kulang talaga ako sa tulog kasi parang nakita ko na umangat ng konti ang sulok ng mga labi niya.

Nako Missa. Antok lang yan.

Pumunta na lang ako ng kama at humiga. Kinuha ko yung mini mp3 player at nagsimulang magpatugtog para makatulog na ko.

Sana talaga mali yung iniisip ko.

-MORNING-

Di ko alam kung anong oras na ko nakatulog kagabi. Buti nalang at Biyernes ngayon. Matapos magbihis ng simpleng jeans at yung shirt na may tatak ng school namin bumaba na ako para mag-almusal.

"Ma! Pwede po bang medyo gabihin ako ng konti? Makakauwi po ako ng mga Nine po siguro." Tumingin sakin si Kuya at si Papa.

"Sino ang kasama mo? At bakit masyadong gabi ha? Missa Yurika Lopez?!" Ay?

Sabay talaga?

Natawa kami ni mama.

"Pa, Kuya, basta may pupuntahan po ako, please po? Ngayon lang naman po eh."

Bumuntong hininga sila.

Haha. Diba papayag din pala? Wooh!

-SCHOOL-

Dahil maaga pa, naisip ko na pumunta muna ako sa HQ para ibigay kay Clyde yung dapat kong ibigay sakanya kahapon pa. Akmang hahawakan ko na yung knob ng may marinig akong ingay. Shems. Dejavu!

Pero parang nag-aaway naman ngayon?

"Sabi ko naman sayo, konting tiis nalang."

"Gaano pa ba katagal? Nakakapagod ng maghintay!"

Teka? Si Clyde at Shannen na naman? Nainis ako bigla. Napaka traydor naman nitong babaeng to! Isa siyang Higad! Makati!

"Mukha kang tanga diyan." Bigla akong natuod nung narinig ko ang boses niya.

Sht. It's Ace.

No. No. No.

I have to think fast!

Ah! Alam ko na! Pero kasii... magmumukha akong tanga!

Kesa naman sa masaktan siya.

Shet na konsensiya to!

Bago pa man siya makarating tumakbo na ko at...

"Ow! Ah! Aray!" Okay alam kong mukha akong tanga nito.

"Tsk. Ang lampa pala ng kapatid ni Nero."

Tinulungan niya akong tumayo pero...

"ARAY!" Sht. Natotoo ata!

"Tayo na kasi." Sinubukan ko ulit pero bago pa ko makatayo, na out balance ulit ako. Sht naman. Mukhang natotoo ata. Ay, natotoo na pala!

"M-masakit." Naiiyak na talaga ako eh. Ace. please wag kang pupunta run. Di pa ko sigurado pero alam kong masasaktan ka. Saka... Kailangan ko ng tulong...

"Tara na nga!" Nagulat ako nung binuhat niya ko. Di ako makatungin sa kanya kaya minabuti ko na lang na ideretso ang tingin ko. Puro bintana ang nakikita ko.

"Wag ka na ulit kasi tatakbo. Tapos di ka pa nag-iingat. Hindi laging nandun ako... O si Nero para tulungan ka."

Concern ba siya sakin? Sht. Bakit biglang uminit? Wooh!

"Sorry. Salamat Ace."

Matapos nun ay dinala na niya ako sa Clinic at pinabalik na siya para sa klase niya.

Ano ba yan. Dahil sa kagustuhan kong wag siyang masaktan ako pa tuloy tong nasakatan at di nakapasok sa klase.

Hay Missa! Anong katangahan ba yan!

_to be continued_

Music's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon