Extra: Sneak peek of a Happy Married Life (Seaweed Style)

25K 499 166
                                    

HAPPY 1M READS SA E-FILES WOOT! 


AND TO CELEBRATE I'VE GOT YOU A LITTLE SNEAK PEEK sa DAILY LIFE ng pinakamamahal nating SEAWEED TANDEM! 


Balak ko sana ipost ito after kong matapos yung part 2 ng kwento nila kaya kung mapapansin nyo sa timeline na ito 'KASAL' na sila. So wag kayong malito okay? Mga FUNNY scenes lang naman ito.

(≧◡≦)
-Alexiel

***


Extra: Sneak Peek of a Happy Married Life [LaraXChance]


       Chance and I we have been married for 2 years now... And I would say na nagagawa pa din nyang pabilisin ang tibok ng puso ko sa kabila na halos twelve years na kaming nasa relasyon!


       Bakit nga ba hindi? As he aged ba naman lalong nagiging charismatic ang tukmol.


        He now has an aura of – hmm how should I say this? - 'Mature Sexiness'!


         Sino bang mag aakala na ang dating Geeky geek na Seaweed noon ay mag-e-evolved ng ganito?!


        And guys I must say na 'Eherm, maayos ko syang pinalaki!  Mouhaha! I want to pat myself at the back and say: 'Job well done Lara! Job well done'


            Ok, kidding aside, syempre salamat iyon sa good genes yeah good genes from his parents. *smirk*


       As of now, ang nag matured nating Seaweed ay isa ng Chemist sa isang kilalang Pharmaceutical Company. Yep, since favorite nya ang subject na Chemistry iyon na rin ang pinursue nya as a career.


          And because of that 'chemistry muja kadabra' nahihirapan tuloy akong sakyan ang mga trip nya sa buhay.


001:


        Nagising ako sa amoy ng mabangong aroma ng kape na nanggagaling sa kusina. Pagkatapos mag inat maingat akong bumangon sa kama at tinungo ang pinanggagalingan ng amoy.


        Nakita ko si Chance na nakatayo sa kitchen island at naghahanda ng almusal. He's only wearing a pants at wala man lang suot na pang itaas! Holy molly! Kitang kita ko kung paano magkislutan ang kanyang firm muscle sa likod.


         Even his shoulder blade spells S-E-X-Y! HOW COULD HE DO THAT?!


         This is illegal! I repeat this man is illegal!


        Ooohh, life life life! Why are you so wonderful? Wala sa loob na napangiti ako at naging good mood.  Ah, sino ba namang hindi kung meron kang Adonis na nasisilayan sa bawat araw.


          Nilingon ako ni Chance and he smile at me.


E-FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon