Bitter Jam IX

26.8K 300 88
                                    

Bitter Jam IX



-Brix-



              -"Sinong nakapasok sa Preliminary?"



              -"University Z."



              -"Eh? Yung mga chuwariwap na yun ang ka-debate natin next week?"



              -"Martin, wag mo silang tawaging chuwariwap. Galing sila sa prestihiyosong Unibersidad. Respect!"



             -"Dude, they wore the same outfit, had the same hair style and eyeglasses in their eyes. Para pa silang platoon ng mga taong may malalapad na noo. I can't even differentiate a single one in them. So yeah, ano bang gusto mong itawag ko sa  kanila?"



             -"Haha! You are bad. Pero nagegets naman kita Martin. Kahit ako nababanas kapag nakikita ko silang naglalakad ng nakataas ang mukha na para bang ina-announced nila sa buong mundo na 'We are the best, they look like shit."



               I am currently writing a report in the computer when I remember something. "Sino ang ibinigay sa atin ng News Paper Club para kumuha ng pictures?"



               -"Ah si Joaquin."



               Frowning, napatigil ang mga daliri ko sa pagtipa ng keyboard. Tumayo ako mula sa kinauupuan at pumunta sa harapan ng malaking bulletin board na may naka-pinned na  mga pictures. "Request another one, hindi ko gusto ang mga kuha ni Joaquin. They were dull and lifeless."



               Nagkatinginan sila Simon at Martin. "Brix, mahirap mag request ng iba. Madaming events na nakaschedule for this month sa lahat ng Department. In demand ang mga photographer. "



              I sighed "I can't focus knowing that I'll look like horse-shit in the pictures."



             -"Oh? kailan ka pa naging concious sa looks mo? Kahit bara barang pagkuha ng picture okay lang sa'yo dati."



              Nilingon ko sila at sa walang emosyong mukha ay, "This time, I want to show my masculine features."



              Nabitin sa ere ang potato chip na isusubo ni Ian.



              Inihit naman ng ubo si Martin.



              The corner of Simon's lip twitched.



              They were having a bad premonition... so bad that it made their tummy ache. Kung hindi nila kilala si Brix na walang pakialam sa 'opposite sex' iisipin nilang nagpapa-good points ito sa taong nililigawan.



              Then what the heck happen to this TEN THOUSAND YEARS OLD ICE BERG?!



              Mas matatanggap pa siguro nila na magkaroon ng ZOMBIE OUTBREAK sa Pilipinas keysa tanggapin na may nagugustuhan itong babae.



              NO WAY! Impossible!



              Hindi naman nila sinasabi na hindi ito allowed na magkaroon ng CRUSH! They were saying na 'IT DOESN'T FIT HIS IMAGE!'



              Granted na gwapo si Brix, matalino with cold and mighty personality. OK, he is quite a good catch. Pero pagdating sa ugali, attitude, pride na mas mataas pa sa Eiffel Tower at pakikitungo sa ibang tao. Juice meh! Bibigyan nila ito ng malaking D MINUS sa grade!



E-FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon