First Day

22 0 0
                                    

Life always bring you what you deserve. Mapamateryal na bagay man yan o isang pangyayaring 'di mo inaasahan. Kung tinadhana na para sa'yo yan, ibibigay niya talaga para sa'yo iyan.

Ako nga pala si Chyler, magfi-first year college na this coming school year. Sakto lang ang tangkad ko para sa isang lalaki, matangos ang ilong, medium built ang pangangatawan, maputi, makapal ang kilay, mapungay ang mga mata isama mo pa ang salaming nagbibigay linaw sa aking paningin, sabi nila labi ko daw ang best asset ko.

Daddy ko nalang ang kaagapay at kasama ko sa buhay, my mother died when I was four because of cervical cancer. Maayos naman kami ng Daddy ko ngayon, madalas kaming magbonding sa arcade, at naglalaro ng video games. Kasama rin namin sa bahay si Lola, mommy ni Daddy. Parang siya na din yung pinaka-Mommy ko since nung nawala si Mom.

--

Nagising ako sa pag-alog sakin ni Dad. "Anak gising na. Unang araw mo ngayon sa school. Panget ma-late." mahinang paggising sa'kin ni Daddy.

"Opo daddy... Babangon na po." mahina 'kong tugon at agad sinuot ang aking salamin at tumungo na sa kusina.

Pagkarating ko dun naabutan ko si Lola na nagtitimpla ng gatas samatalang si Daddy naman ay naglalagay ng mga plato sa hapag.

"O kumain ka na apo. Nakaluto na ang Daddy mo." pagsalubong sa'kin ni Lola. Ang sweet talaga ni Daddy, siya talaga ang nagluluto kahit busy siya sa trabaho niya. Isa siyang Editor sa isang Printing Press. Maaga din siyang gumigising para iwasan na din ang trapik sa umaga.

"Oho Lola." tugon ko kay lola at ako'y umupo agad at kumain.
Matapos kong kumain at tinungo ko agad ang CR para maligo at gumayak na.

"Anak bilisan mo! Parehas tayong male-late neto! Traffic na niyan." pagtawag sa'kin ni Papa mula sa labas ng bahay.

"Opo! Pababa na ho!" mabilis ko namang tugon.

--

7:15 na ng marating ko ang St. Claire University. Tamang tama lang kasi papunta lahat ng First year students sa Gymnasium para sa Welcome program ng University.

Nagmadali akong pumasok dahil narinig ko sa mga bulung-bulungan na nagkakapunuan na sa Gym. Ayokong mahuli, ang hirap kaya ng walang maupuan no!

Sa pagmamadali ko at nakayuko pa akong kumakaripas ng takbo 'di ko namamalayang...

BOOOGGGGSSSSHHH!!!

May nakabunggo ako! At parehas kaming nakasalampak sa may baba ng hadganan papuntang Gym. Hindi ko maaninag kung sino yun dahil nahulog yung salamin ko sa lakas ng pagkakabunggo ko sakanya. Kinakabahan ako... Unang araw ko palang sa school ang miserable na... Jusme wag naman sana akong kainin netong sino man 'tong nakabungguan ko. 😭

"Okay ka lang? Hala sorry! Nagmamadali kasi ako..." alalang tanong sa'kin nung nakabungguan ko. Isa siyang lalaki!

Yung kaba ko biglang nadoble baka sapakin ako neto pero sa tono ng pananalita niya hindi naman siya galit at parang nag-aalala pa sa'kin at isa pa, SIYA 'TONG NAGSOSORRY SA'KIN?!

"Ah! Eh... Okay lang ako. Sorry din, 'di ko kasi tinitingnan yung dinaraanan ko. Pasensya na po." paumanhin ko habang hinahanap pa din yung tumilapon kong salamin.

PhotographsWhere stories live. Discover now