AS IN HUWATTTT!!!

5 0 0
                                    

Maaga kaming inihatid ni Daddy sa University para iwas traffic daw. Ngayon mag-isa palang akong naglalakad sa corridor. Prang ghost town lang ang peg. Pero siyempre nauna akong pumasok kaya natural wala pang tao.

Habang nag-aantay ako sa mga paparating na kaklase ko, nakinig muna ako sa music. Nang biglang bakita kong paparating si Dean...

"Ang aga mo ata 4 eyes?" pabungad neto na siyang kinainit ng ulo.

" Umagang umagang ha wag mo kong simulan!" ganti ko naman sakanya saka naglakad lakad ako at baka mabwisit ako baka masapak ko 'tong ugok na 'to.

Biglang nagbago yung mood niya.

"De joke lang, heto naman highblood agad." nakayukong sambit neto. "Hayaan mo di na mauulit." dagdag nito.

Biglang nagsidatingan yung mga kaklase ko. At nabuksan na din yung room kaya pumasok agad ako.

Hindi gaanong kaactive si Dean sa klase minsan nagrerecite naman siya pero kapag tinatawag, hindi voluntary.

Sa kabilang banda, nagsisimula na ding maghasik ng lagim ang Alex na yun.

Unang araw palang niya bilang transferee, may nakasabunutan na agad na girl dahil lang sa crush nito si Dean. Aba! Malala, uubusin ata neto yung mga taong may gusto kay Dean.

Habang tulala ako sa desk ko. Nagulat ako sa biglang bulahaw sakin ni Valerie.

"Hi beeeeeeeesssshhh!!!!" bulyaw neto sakin.

"Ang ingay talaga niyang babaeng yan." inis naman na dugtong ni Ace na kasunod niya.

"Mukhang anghel ata yung demonyong enemy mo." sambit ni Valerie.

"Oo nga e, ewan ko ba. Bigla bigla nalang nagtatransform. Ang weird niya." sagot ko naman.

Nang may bigla kaming narinig na nagsisigawan na babae.

"Naku si Alex nanaman yun." inis na sabi ni Valerie. "Huwag niya lang akong mapagtripan at baka ipatapon ko siya sa pinanggalingan niya." pagsigurado niyang dagdag sabay project ng fierce na pose.

"Aba! Ang fierce Val! *clap clap*" tuwang tuwang sabi ni Ace.

Tawanan lang kami ng biglang...

FLASH!!!

Biglang may nagflash na something at tingin ko galing sa isang camera yun. Mukhang kilala ko kung sino ang salarin.

Agad kong tinungo yung upuan ni Dean at nakatunganga pa din siya sa desk niya.

"Oy ikaw ba yung nagpicture? Idelete mo yun!" pagbabanta ko sakanya.

Tiningnan niya ako ng matalim.
"Anong sinasabi mo? Sa tingin mo magdadala ako ng camera dito sa school e pagkabigat bigat nun." sambit nito.

"Patingin nga niyang bag mo?!" pagmamatigas ko.

Inihagis na yung bag niya sakin.
"Yan kalkalin mo!" inis nitong sabi sakin.

At wala akong nahanap na camera sa bag niya. Mukhang nagsasabi ng totoo tong ugok na to. Pero bakit parang wala sa mood heto? Anyare kaya?

Lunch na at nang paalis na kami at bilang may nagsalita sa may likuran ko.

"Oy..." wika nito. Naku si Dean nanaman. Yung tono niya demonyo mode nanaman. Tss

"Oh bakit?" pagtitimpi kong sagot.

"Yung practice natin mamayang uwian, huwag kang mahuhuli." tanging sambit nito sabay alis. Ako naman e parang wala lang at lumabas na kami nila Valerie sa room at kumain na.

PhotographsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ