Jean Marcus Rodriguez

14 0 0
                                    

Dean's Point of View

Maaga kaming inihatid ni daddy sa school dahil maaga raw yung pasok niya. Sa Jollibee na kami nagbreakfast at matapos nun ay dumeretso na kami sa school.

Nang marating ko ang school at naglalakad sa hallway. Nakita ko si Chyler. Naka-earphones. Kulitin ko nga.

Ako: Ang aga mo ata 4 eyes?

Siya: Umagang umaga ha! Wag mo kong simulan!

Hala? Inano ko ba siya? Kahighblood agad? Hayysss... *pabebe mode on*

Ako: De joke lang. Heto naman high blood agad. Hayaan mo di na mauulit.

Pagkasambit ko yun umalis na agad ako. At nagsidatingan na din yung mga kaklase ko. Habang nag-aantay, biglang may nagtext, si Daddy.

Daddy: Dean anak can we talk? I need to tell you something. Susunduin kita diyan mayang lunchbreak. Love you anak.

Huh? Ano naman kaya yun? Saka bakit ganon nalang ka-private yung sasabihin niya at kailangan kaming dalawa talaga ang mag-uusap? May problema kaya? Ano kaya yun? Hayysss... naku-curious tuloy ako.

Di ako mapakali dahil dun sa sinabi ni daddy. Lutang ako sa klase. Minsan pag tinawag ako nung prof namin at nagtanong, nakakasagot naman ako.
Pero di pa rin maalis sa isipan ko yung text ni Daddy. Ewan ko ba kung anong mararamdaman ko, excited kasi good news o kakabahan kasi isang yung bad news. Tinext ko si Ez.

Ako: Hey Ez! Did you recieve a text from Daddy?

Ilang minuto ang lumipas nagreply siya.

Ez: Ya! Narecieve mo din? Ano naman kaya yun? Sabay nalang tayo mag-antay sakanya tutal susunduin naman niya tayo. I'll meet you at the front of gym after your class.

Pati rin pala si Ez tinext ni Daddy... Hayyyssss!! Bahala na. Habang breaktime, lutang pa din ako. Gutom ako pero ayoko namang kumain.
Ang ingay ng klase, may naghaharutan, may nagsasabunutan, may nagyayabangan. Napayuko nalang ako at isunubsob ang mukha sa may desk. Wala lang talaga ako sa mood.

Maya maya'y biglang lumapit sakin si Chyler.

"Oy ikaw ba yung nagpicture? Idelete mo yan!" pamungad nito sakin. Nilingon ko siya at binigyan ng matalim na tingin. Pano ko siya pipitchuran? Eh ni camera wala akong hawak. Psh! -_-

"Anong sinasabi mo? Sa tingin mo magdadala ako ng camera dito sa school e pagkabigat bigat nun." inis kong sagot sakanya. Badtrip na ako.

"Patingin nga yang bag mo?!" pagmamatigas neto. Aba talaga lang ha? Kinuha ko yung bag ko sabay tapon sakanya. Inis na inis na ako sakanya.

"Yan! Kalkalin mo!" bulyaw ko sakanya. Kinalkal nga niya yung bag at walang camera siyang nakita doon. Binalik niya sakin yung bag ko sabay alis. Samantalang ako, subsob pa din sa desk sa sobrang inis.

Walang imik siyang umalis at tinungo yung mga kaibigan niya. Pagkatapos ng huling klase namin ngaying umaga, nilapitan ko si Chyler para dun sa practice namin mamaya dahil gusto ko nang matapos yun.

"Oy!" pamungad ko sakanya.
"Oh bakit?" inis nitong sagot.
"Yung practice natin mamayang uwian, huwag kang mahuhuli." tanging sambit ko sabay alis. Siya nama'y parang walang narinig at umalis na rin ng room.

Nagkita kami ni Ez sa may harap ng gym at sinundo kami ni Daddy. Habang nasa kotse kami ay tanging katahimikan lang ang namayani sa buong biyahe. Nagtungo kami sa isang resto, nang marating yun ay agad umorder si Daddy. Kaming dalawa naman ng kapatid ko ay tila estatwa sa aming kinauupuan at punong puno ng pagtataka ang aming mga isipan sa kung ano nga ba ang nangyayari. Maya maya pa'y binasag na ni Daddy ang nakaabinging katahimikan at nagsalita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PhotographsWhere stories live. Discover now