03. Blackmail that backfires!

24.8K 431 19
                                    

Habang naglalakad ako papunta sa lumang building ay nag iisip ako ng paraan kung paanong permanenteng magkakasama kami ni Seven. Hindi naman ako papayag na pagkatapos nyang makuha ang perlas ng silangan ko eh i-ignore nya ako all the way? No way! Ngayon pa na,napatunayan ko sa sarili ko na gusto ko sya. Ang cheap ko na,pero ayos lang,para sa future ko with Seven. Kahit magmukha akong krung krung na humahabol,hayst,nakaka bawas ganda! Next time hihingi ako ng tip kina Ninong Page at Ninong Eiko pano nila nagawang paibigin sina Ninong Ian at ninong Kurt.

Nasa building na ako,2nd floor to be exact ng may pumasok na idea sa cerebrum ko. I need to do this! Agad kong kinalkal ang bag ko. And dyaraan! Ang mahiwagang blank CD. Hihi! Humanda ka Seven.

Sa wakas nasa rooftop na ako,sumilip muna ako sa pinto,kita ko agad si Seven dun sa pwesto nya,at talagang may telon pa para hindi sya mainitan at may upuan. Bakit hindi kami dyan nag sapin sapin? Basta nya akong hinila at binalandra sa pader dun sa may gilid.

Huminga ako ng malalim. Kailangan magawa ko ng maayos ang plano ko. Tiningnan ko sya ulit,abala talaga sya sa ginagawa,parang nag i-sketch,ano bang course nya? Bakit hindi ko alam? Architecture o fine arts siguro,graduating na nga pala sya kaya siguro todo aral. Hmp! Pero deep inside eh demonyitong pervert naman.

Dahan dahan kong sinara ang pinto,kunwari hindi ko sya nakita,umupo ako at inilabas ko ang props ko,buti na lang talaga hindi ko ito naubos kanina. Ng makaupo na ako sa sahig ay nagsimula na akong kumain ng burger. Naramdaman kong naglalakad na sya papunta sa akin. Parang natetensyon na naman ako,pero kailangan ko maging firm. Ayokong mabuking.

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" ang maangas nyang tanong kaya tiningnan ko sya habang ngumunguya pa din.

Saglit nya akong tinitigan. "Umalis ka na dito,teritoryo ko to." dagdag pa nya. Tumayo na ako at hinarap sya ng tuluyan.

"Pasensya na,hindi ko naman alam,saka naisip ko lang na dito kumain para tahimik." sagot ko. Walangyang to,hindi talaga ako namumukhaan? Humanda sya mamaya.

"Pwes ngayon alam mo na,alis na,ayaw na kitang makita ulit." aniya at tinulak-tulak ako. Ang harsh nya talaga! Ganyan ba mga gangster?

"Ayoko! Dito lang ako!" padabog kong sabi. Kita kong nagtagis ang mga bagang nya sa inis. Natakot ako,baka tuluyan na nya akong gulpihin. Bigla syang lumapit at kinwelyuhan ako at sinandal sa pinto,ramdam kong umangat ako sa ere.

"Huwag mong ubusin ang pasensya ko bading! Madami akong kailangang gawin." aniya na galit na galit. Tinitigan ko sya. Napalunok ako,ang gwapo talaga nya,mapulang labi na parang ang sarap halikan,matangos na maliit na ilong,chocolate brown na mga mata,mahabang pilik at makapal na kilay. Haay!

"Hindi mo ba ako natatandaan talaga? Ako yung--" napatigil ako dahil umamba syang sasapakin ako kaya agad kong kinuha ang CD sa bulsa ko.

"Ano yan?"aniya habang hawak pa din ako.

"Sex video nating dalawa." sagot ko at bigla nya akong binalibag.

Araayy! Mamamatay yata muna ako bago ko sya maangkin eh. Ang sakit ng tuhod ko ah? Tss.

Sa gulat ko ay bigla syang tumawa,yung nakakainsulto kaya nagsalubong ang mga kilay ko at tumayo ulit.

"Hindi mo ako mauuto bading. Paanong magkaka sex video tayong dalawa?" nang uuyam nyang sabi at ngumisi. Nainis ako.

"Huwag kang magpa inosente na hindi mo naaalalang may ginawa ka sa akin,huwag kang denial king dyan! Ikakalat ko talaga to!" inis ko ng sabi. Hindi dapat pumalpak ang plano ko.

"Sabihin na nating may ginawa nga ako sayo. Does it matter? Walang maniniwala kasi hindi ka naman babae." sabi pa nya sabay hablot sa CD at binasag. Napanganga talaga ako. "There,wala ka ng ebidensya,hindi mo na ako masisira."

Ang Lalaki sa Rooftop! [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora