07. Bitch - Beach - sizzling hot bodies!

23.2K 428 20
                                    

"Koy,gimik tayo mamaya" ani Eriol habang nandito kami sa cafeteria.

"Ay nako,yoko na! Sawa na akong gumimik." sabi ko naman at pinag tuunan ng pansin ang hotdog na ulam ko. Tinuhog ko ito ng tinidor,tinaas sa ere,katapat ng mata ko at ineksamin. I wonder,sino nag imbento ng hotdog? Taray ha,pwedeng alternate pag ano hahaha!

"What are you doing? Kaderee!" ani Winona. Jusme,parang hindi naman sya kumakain nito?

"Tinitingnan ko lang ang hotdog! Ang cute eh!" sagot ko naman saka ito sinubo ng buo.

"Eeww!" sabay na sabi nina AB at Winona. Si Brylle at Eriol naman mamamatay na kakatawa. Pero ang tukmol na Admeen,nakatitig lang at napapalunok.

Problema nitong ulzzang na to? Edi sana hotdog din in-order nya!

"OA nyo ah? If I know,pag nasa mall kayo eh footlong ang binibili nyong dalawa! Tse!" sabi ko pa at inirapan sila.

"Oh ano nga Koy? Ayaw mo talagang gumimik?" pagkuway ulit ni Eriol.

"Kung ayaw mo,si Admeen na lang ang isasama namin." dagdag naman ni Brylle. Napatingin ako sa ulam nila.

"Sige ba! Call ako dyan guys! Basta madaming chix!" nakangising sagot ni Admeen,siniko ko nga ang tagiliran.

"Aray! Bakit?"

"Chix your face!" at bumaling ako kina Brylle at Eriol. "Ano yang binili nyong ulam?"

"Tahong!" sabay na sabi nung dalawa at binulatlat pa ni Eriol,kitang kita ko kung paano manlaki mga mata nina AB at Winona katulad ko.

"Kadiri!" sabay naming sabing tatlo at nagtawanan ang tatlong unggoy. My gawd! Bakit kailang ibuka yun ng ganon? Ganon ba talaga ang tahong? Ayokong kumain nun!

"Tinitingnan ka ni Seven,bebe." bulong ni Admeen. I know,kanina ko pa nakita ang gang,nauna akong dumating sa canteen at nakausap ko pa sila. Mababaet naman pala talaga sila,maaangas,mayabang dahil may ipagmamayabang,diba nga nag e-excel sila sa kanya kanya nilang skills,tumutulong din sila dito sa campus. Sadyang nakakatakot lang sila pag galit,may kaaway,may pinagtripan o ayaw nila sayo.

"I know. Mas nagandahan sya sa akin ngayon." nakangisi kong sabi.

Totoo naman,mas bongga na mga damit ko ngayon,fashion ng mga beki pero hindi yung OA at hindi nakakabastos,pinaayos ko ang buhok ko at pinagupitan ng pang korean,nagpa high lites din ako ng platinum white. Sabi nga nung isang gang member kanina 'Mas gumanda daw ako,nagtanong din kung bakit hindi pa kami sumasama ni Admeen,I just told them na pag importanteng lakad na lang kami sasama.

"Oh pano?! Nasasapawan na ni Koy ang ganda namin ni AB eh,punta na kami sa next class namin." tumatawang sabi ni Winona,tumayo na sila ni AB at bumeso sa akin.

"Alam nyo yan! Sige babush!" at umalis na ang dalawa.

"Kami din! Kung bakit naman kasi hindi ka namin kaklase sa Trigo." ani Brylle at tumayo na sila ni Eriol. May 2 hours vacant pa ako,and sad to say ganon din si Admeen. "Sige Pre,Koy." dagdag pa nito.

"Just text us kung sasama kayo sa gimik." ani Eriol at umalis na din sila.

"Masosolo na naman kita bebe." nakangising sabi ni Admeen.

"Masosolo mo lang ako pag nadala mo na ako sa isang five star hotel! O kaya kahit sa Manila Peninsula lang." nakangisi ko ding sabi.

"Sabi mo yan ah?! Teka nakatingin na naman si Seven sa atin oh?"

"Kasi hindi mo pa sila nilalapitan,ako naka chikahan ko na sila kanina bago kayo dumating." sagot ko. Hmm tinitingnan kaya ako ni Seven dahil mas nagagandahan na sya sa akin? One week na mula ng mangyari yon,one week ko na din syang hindi pinapansin. Gusto ko na syang kausapin pero nagtitimpi ako,pero sya? Patingin tingin din,hindi naman nagsasalita,parang nung dati lang. Hanggang ngayon nakatatak pa din sa akin lahat ng sinabi nya ng may mangyari sa amin.

Ang Lalaki sa Rooftop! [Completed]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin