BOOK 2 : Chapter One - Pagbabalik!

18K 407 17
                                    

"Are you done Koy?" ani ng boses sa aking likuran. Ngunit nagpatuloy ako sa pagtapos ng mga trabaho.

"Almost done Pepsi. Don't wait for me. Mauna ka na." ang sabi ko habang pinipirmahan ang mga natitira pang papeles.

"I'll wait for you. I can't just leave you here. Baka nakakalimutan mong sabay tayong uuwi ng Pilipinas bukas,at ayoko ding napapagod ka." medyo ma awtoridad nyang sabi kaya iniikot ko ang swivel chair para harapin sya.

Napaka gwapo ni Pepsi,moreno na makinis,mapulang labi,firm ang pagkatangos ng ilong,makakapal na kilay,magagandang pilik,higit sa lahat ang mga pamatay nyang dimples pag ngumiti na binabagayan ng kanyang pantay pantay at mapuputing ngipin.

Hindi ko tuloy maiwasang maalala kung paano kami nagkakilala dito sa Toronto Canada. That was five years ago.

Matapos ang mga kabiguan ko ay nagdesisyon akong sa ibang bansa ipag patuloy ang aking pag aaral,yon lang ang tanging paraan para maka move on at makalimutan ko sina Seven at Admeen,nagsunog ako ng kilay sa pag aaral,pero syempre,naalala at namimiss ko pa din sila kaya every night,bago matulog ay iniiyak ko na lamang ito at pinapagalitan ko ang aking sarili.

After 3 years I graduated from my course Engineering here in Canada. Wala naman problema financialy dahil may ipon ako at paminsan minsan nagpapadala si Papa. May nag alok sa aking kumpanya at agad ko itong tinanggap.

Unang araw ko noon sa trabaho at break time na. Puno ang pantry so I decided na maghanap ng ibang makakainan. Naisip kong baka pwede sa rooftop since meron naman dun mga upuan at mesa.

At ng makarating ako dun ay ganon na lang ang gulat ko ng may maabutan akong lalaki na umiihi sa gilid. Kitang kita ko lahat,hindi ako nakakibo. Kaya ng mapalingon ito sa akin ay napamura pa sya.

"Shit! Who are you? Dont you know that its rude to stare in other man's dick? Are you gay?!" galit na sabi nito habang inaayos ang sarili.

Gwapo,pero barumbado! Hmp.

"And what if I am? Does it matter? Don't worry,I didnt like what I saw. Its too small." taas kilay kong sabi at nilampasan sya. Umupo na ako sa may mesa na hindi masyadong naaarawan.

"You faggot?! Are you insulting me?!" anito na sumunod pala sa akin. "This is my sanctuary,this is my teritory,so I suggest that you leave before I wreck your neck!"

Napalunok ako at napahawak sa leeg ko. He reminds me of Seven. Oh god! Isa na namang lalaki sa rooftop!

"The hell I care." sagot ko at nagsimulang kumain. Bahala syang magwala dyan,mapapagod din yan mamaya.

"I'll punish you for intruding my privacy." ang sabi nya. Its like a Dejavu,nangyari na ito sa akin noon.

"Hoy! Tumigil ka nga! Naririndi na ako sayo ah! Sayo ba tong building? Ikaw ba CEO dito?!" sabi kong ganyan at tumayo. Nanlaki ang mga mata nya at napa atras.

"Tang ina! Pinoy ka?" gulat nyang sabi.

"Oo! At ikaw! English ka pa dyan. Kaya pala maliit dahil pinoy ka. Tsupi at kakain pa ako." inis kong sabi at inirapan sya,pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain.

Ang Lalaki sa Rooftop! [Completed]Where stories live. Discover now