chapter 51: steph.. forever

8.4K 235 10
                                    

chapter 51: steph.. forever


Lourence POV:


bwiset na buhay 'to oh!!, ang sakit sakit na ng nararamdaman ko, gusto ko na syang mahalikan gusto ko syang yakapin ng mahigpit, at sabihin lahat ng rason kung bakit pumayag ako sa arrange namin ni kath


bulong-bulongan na nga pala yung kahapon, yung nangyari samin ni nerdy girl, at ngayon ay pinagpye-pyestahan ako ng mga tingin dito, mga nakakainis nga eh!


'naging sila ba?'


'baka.. diba kasi sabi ni stephanie, 'simula ng bi-nreak mo ako'?'


'baka naging sila nga'


ayan ang mga bulong-bulungan, na nakakainis


*tugsshh!*


may nakabanggaan ako, tinignan ko kung sino yun, si kylie pala, kung saan saan kasi tumitingin 'tong babaeng 'to eh! bwiset din minsan


"sorry, lourence!" sabi nya 


"okay lang, oh! kamusta ka naman?" 


"eto, lagi kong kino-comfort si steph, dahil iyak ng iyak pag gabi" umaliwalas naman yung mukha ko, ganun din pala sya? gabi-gabing umiiyak, "joke haha! wala lang yun sakanya yung break-up nyo?, isang iyak nya lang yun dati eh! tapos wala ng kasunod"


PIGILAN NYO AKO BAKA MAKA-SAPAK AKO NG BABAE NGAYON!!!


"sabi ko, kamusta ka!! hindi ko sinabi na kamusta sya!" she rolled her eyes


"mabuti naman, saka salamat pala sa pagpapa-iyak sa kaibigan ko ah!! maraming salamat!" bakas dun ang sarcasm sa sinabi nyya


"alam mo yun samin?" nanliit yung mata ko


"oo...syempre besfriend ko yun eh! kaya sasabihin nya sakin" inirapan nya pa ako "saka yung pangloloko  mo sakanya? wala lang yun sakin at lalo na sakanya, saka, tumahimik ka sa mga sinasabi mong mahal mo pa sya!, ang tanong kung minahal mo ba sya?!!" galit na galit sakin 'to


minahal ko sya, mamahalin ko sya, minamahal ko sya, MAHAL KO SYA!!


"wag mo akong sinusumbatan, kylie. WALA KANG ALAM KAYA WAG NA WAG MONG HUHUSGAHAN ANG PAGMAMAHAL KO KAY STEPH!!" napasigaw nanaman ako, halata naman na nabigla sya sa sinabi ko


"pssshhh!, ganyan talaga kayong mga lalaki, sa una... sasaktan kami, pero sa huli maghahabol, PARE-PAREHAS KAYONG MGA LALAKI!!" sabay tulak nya sakin tapos tumakbo na sya


napapikit ako sa inis, ang sakit sakit na nga sakin nitong ginagawa ko eh!, feeling ba nila masaya ako ngayon? feeling ba nila nasisiyahan ako sa mga ginagawa ko?

A Rude Boy fall in love into A Nerdy girl [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon