chapter 70: memories

9.2K 249 34
                                    

chapter 70: memories


Lourence POV:


"tiisin mo lang yung sakit, papunta na yung doctor!!" lumapit ang estrangherang babae sakin 


hindi ko alam kung bakit bumilis ng ganito ang tibok ng puso ko


ngayon ko lang sya nakita pero....


agad na kumalabog ang puso ko, dahil lang sakanya


sino ba sya?


hahawakan na dapat nya ang braso ko pero inilihis ko sakanya


gusto kong malaman kung sino ba sya


"s-sino ka?" nakita ko naman ang pagkabigo sa kanyang mukha


"ano ka ba rude boy? nagbibiro k-ka n-nanaman! hehe!" mukha ba akong nagbibiro?


nagulantang ako sa kinuupuan ko ng nakita kong tumulo ang luha nya galing sa mata nya


at sumakit ang puso ko


ano bang nangyayari sakin?


kumunot ang noo ko at tinignan ko lang sya


"hindi ako nagbibiro miss.. sino ka?" umiling iling sya at humikbi na


di ko na alam ang gagawin ko


 "miss, wag kang umiyak.." sabi ko sakanya dahil wala na akong magawa


yumuko sya at pinunasan nya yung mga luha nya sa mukha

 


"sorry ah?" sabi nya saka ngumiti


yung ngiti nya parang peke


 "nasan na ang pasyente??" bigla namang dumating yung doctor


chi-neck ako ng doctor, napagtanto kong nagka amnesia pala ako


3 years na nangyari hindi ko daw matandaan


habang chi-ne-check naman ako ng doktor, nakatingin ako sa babae, yung kaninang umiyak sa harapan ko, may kausap syang babae na hindi ko din klala


tapos na akong i-check ng doctor


lumapit yung doctor sa babae kanina ako naman ay nakatingin pa rin sakanya


she so familiar in my HEART


dumungaw sya sakin pagkaalis ng doktor, pero tinignan ko parin sya

A Rude Boy fall in love into A Nerdy girl [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon