chapter 66: mesha mundell

8K 195 10
                                    

chapter 66: mesha mundell


"ANO?!" biglang sigaw ni kylie nang sinabi ko sakanya na sinabi ko lang kay rude boy na kaibigan nya lang ako


"naguguluhan na kasi ako kylie eh! naiinis na ako sa mga nangyayari kaya ayun nalang ang sinabi ko!!" sabi ko habang umiiyak


"eh! punyeta ka pala eh! bakit sinabi mo lang na ganun? ANG TANGA MO TALAGA GRABE!!" lumapit sya sakin at sinampal ako


"bakit mo ako sinampal?!" galit kong sigaw


"para matauhan ka! para magising ka dito sa mundong ginagalawan mo! wala akong magawa sainyo! pero awang-awa na ako sayo!" tumulo na din yung luha nya


"wag mo akong kaawaan kylie, siguro kaya ko tong lagpasan" pinunasan ko yung mukha ko, napahawak ako sa pisngi kong sinampal ni kylie


masakit yun, aaminin ko, hanggang ngayon nag-iinit parin ito sa pisngi ko


"kaya mo? talaga? dati ka pa lumalaban.. hindi ka ba napapagod?" nag-aalalang tanong ni kylie


"hindi, hinding-hindi ako mapapagod para sa taong mahal ko" ngumiti ako at alam nyang peke lang ang ngiti kong yun


"bilib na talaga ako sayo, steph... hinding hindi ka sumusuko sakanya, ako kasi hindi ko pagtyatyagaan ang isang bagay na sa una palang ay sumuko na" umiling-iling si kylie


"sino ba yun? si kuya ba?" nanlaki naman yung mata nya


"hindi noh!" umiling iling sya at nakasimangot


"okay, sabi mo eh!" kumuha ako ng tissue at pinunasan ang mukha ko 


"hindi ka ba babalik sa beach? kung saan naroon si lourence?" biglang tanong ni kylie


punta ba ako? pero di nya ako maalala


saka kapag pumunta ako dun, may mga luha nanaman akong bubuhos


hindi ko nga alam eh! hindi yata to nuubos eh! simula nung nagkahiwalay kami ni rude boy, lagi nalang itog pagod


"ano? hindi ka ba babalik?" natauhan naman ako ng tanungin ulit ako nitong si kylie


"ha? ewan ko lang" pagdadalawang isip  ko


"kapag hindi ka pumunta.... sumuko kana" nabatukan ko naman sya


"pupunta naman ako eh!" saka ko sya inirapan


"eh! sabi mo naman kasi eh! 'ewan'" binalik naman nya yung irap ko


"pero.... baka umiyak lang ako dun" kumunot yung noo nya

A Rude Boy fall in love into A Nerdy girl [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon