Explanation

924 37 1
                                    

Iniwas ko na yung tingin ko kay Vince at baka mapansin pa niya ko. Hindi niya dapat malaman na alam ko na yung kalokohan nila nung babaeng yun! Pero sino kaya yung babaeng yun? Hmp!

"Siya si Stacey, yung kaklase mo nung 1st year high school ka" sabi ng isang tinig na familiar sakin--Si Chris.

Si Stacey, siya yung patay na patay sakin nung 1st year pa ko hanggang 3rd year, di ko kasi siya pinapansin kahit anong effort yung gawin niya sakin. Hindi naman kami, so bakit niya kailangang mag-effort? Di ko na kasalanan kung tanga siya masyado.

"Bakit naman niya pa ko sinubukan?" Tanong ko kay Chris pero di ko pa din siya makita.

"Ee kasi ilang taon din siyang nagkagusto sayo pero binalewala mo, kaya nagkaron siya ng ideya na baka di ka naman straight." Paliwanag niya.

"Tsk! Maarte siya, landi niya. Manhid pa. Di siya maganda, mas maganda pa din ako noh!" Inis kong sabi.

"Nasaan ka ba?! Madami ka pang ipapaliwanag sakin! " dagdag ko, pero di ko na siya narinig at di ko pa din siya makita kaya pumasok na ko at umupo sa upuan ko.

"Beeee!! Ano yung sasabihin mo sakin kahapon?" Bungad sakin ni Cindy.

"Maya na natin pag-usapan be, dun sa cafeteria." Nakangiti kong tugon sabay kindat.

"Okeeey!" Maharot niyang sagot at umupo nalang ako sa upuan ko. Ang arti-arti talaga netong bruhang to.

Dumating na yung teacher namin at nag-start na ng lesson. Dating gawi, tingin sa labas, at nung pagtingin ko sa labas ay may nakita naman ako agad na isang lalaki. Di ko mawari kung sa labas o repleksyon lang, pero nakita ko din na repleksyon lang at siya si Chris.

"Hoy! Pano ka nakakalipad?! Ee wala ka namang pakpak?!" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa repleksyon niya gamit lang ang aking isip.

"Di naman namin kailangan ng pakpak para makalipad. Espiritu lang kami, kaya kaya naming lumipad" paliwanag niya.

"Ee di ba ang espiritu wala namang katawan?!" Tanong ko ulit sa kanya.

"Mr. Cruz! Ano ang sagot sa tanong ko?" Biglang sabi ni Mrs. Santos. Na ikinagulat ko. Ano ba yung tanong?! Gosh! Bakit ako pa?! Ang tagal ko nang di nakikinig bakit ngayon pa ko tinawag?! Wrong timing naman ee, may kausap pa ko.

Agad naman akong tumayo at biglang...

"Poem, poem ang sagot." Sabi ni Chris.

"Po-poem p-po ma'am" sagot ko sa tanong niya. Naniwala at nagtiwala ako kay Chris dahil alam kong di ako ipapahamak ng guardian angel ko. Naaakssx! Iba to. XD hahaha.

"Ok, good" mataray niyang tanong at may dismayadong mukha. Siguro dahil di niya inaasahan na masasagot ko. Salamat sa knight in shining  armor ko-- este guardian angel pala.

"Salamat" pasasalamat ko sa kanya, pero nakatingin na ko sa kanya. Di tulad kanina na sa reflection lang.

"It's my duty, no problem." Sagot niya sabay bigay ng 'ugh'... napaka gandang ngiti.

"Pero di mo pa rin ako sinasagot. Pano ka nagkaron ng katawan?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Etong katawan na to ay galing sa unang taong ginabayan ko, mahigit tatlong-libo't dalawang daan nang nakakalipas" pagpapaliwanag niya.

"Wow, pwede mo palang gayahin yun? Edi kasing edad ko siya nung giniaya mo yung katawan niya? Saka bakit ang perpekto naman?" Sunod-sunod kong tanong.

"Actually di ko alam, pero sinubukan ko, gumana naman. Oo kasing edad mo siya nung mga panahong iyon. Pwede naman naming ayusin kaya sinagad ko na." Paliwanag niya sabay ngiti.

"Nakakakita ako ng sinaunang tao ngayon. Ang galing-galing mo naman. Nakikita ka din ba niya?" Namamangha kong pagtataka.

"Hindi, sayo lang nangyari to. Nagyon lang nangyari to. Sa tagal kong naggagabay ee ngayon lang ako naka-encounter neto." Pagpapaliwanag niya.

"Ganon? Punta naman tayo sa topic about sa pagsasalita mo, bakit parang di ka makaluma magsalita? Bakit parang barkada lang kita kung makipag-usap ka?" Tanong ko pa. Nakakapagtaka naman talaga, bakit ganon siya magsalita. Hahaha

"Ee kasi, kaya kong makipagsabayan, kung di ako makikipagsabayan, edi di kita magagabayan dahil wala akong alam sa mga ginagawa niyo. Diba?" Pliwanag at paninigurado niya.

"Oo nga naman. Ang tanga ko din. Ay matagal na pala." Sabi ko sa kanya.

"Hoy! Nakatulala ka jan?! Recess na!" Sigaw sakin ni Cindy na ikinagulat ko naman.

"Ay tanga! Matagal na!" Gulat kong sabi.

"Hoy! Di porket nakasagot ka kanina ee matalino ka na! Tulaley ka nga jan ee! Tara na kaya?! Gutom na ko noh! Arti neto!" Pagbubunganga niya sakin. Ipakita ko kaya sa kanya si Christian?

"Sige-sige" tipid kong sagot. Nasan na si Chris? Bigla-bigla nalang nawawala. tsk.
Pumunta na kami ng cafeteria nang di ko pa din nasisilayan si Chris. Ipapakita ko pa naman siya kay Cindy para mapatunayan naman niya yung kakayahan niyang magpakita sa iba.

"So anong gusto mong kainin? Bili na kita." Nakangisi niyang sabi. Alam ko na ibig sabihin nung mga ngiting yan.

"Kahit ano, eto oh" sabi ko sabay abot ng pera.

"Sige! Basta--" naputol niyang sabi dahil inunahan ko na siya.

"Oo na sige na, mayaman naman kayo pero mukha ka paring pera." Pang-aasar ko sa kanya.

"Che!" Maiksi niyang sagot. Mas maiksi pa sa bagong gupit na kuko sa paa na may ingrown. 

Pagkaalis niya ay agad ko namang nakita si Chris.

"Uyy! Gusto ko makita ka ni Cindy, gaya nang sabi mo na kaya mong magpakita sa iba." Isip bata kong sabi.

"Sige" sagot niya. Isa din tong ingrown. Hahahaha.
Mabilis lang na nakabili si Cindy dahil nakita ko siyang pabalik na at naka-kunot ang noo.

"Problema neto?" Sabi ko sa sarili.

"Sino yang kasama mo?" Tanong niya.

"At pano siya nakapasok dito nang hindi naka-uniform?" Dagdag pa niya. Di agad nag-sink in sa utak ko nang bigla nalang...

"Hi Cindy" bati ni Chris kay Cindy.

"Hello din, kuyang pogi!" Kinikilig na sagot ni Cindy.

Okeeey, ayun na pala ang nangyayari... nakikita na ni Cindy si Chris. Naiwan akong nakatulala hanggang ngayon. Kakaiba talaga itong lalaking ito. Wow. Just wow.

********************************                                                                                                                                          

My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)Where stories live. Discover now